WorksheetsPagsusulit Fil. 3
Total questions: 27
Worksheet time: 17mins
Lagyan ng tsek ang kahon kung ang magkatambal na salita ay magkasalungat.
bukirin-sakahan
tamad-masipag
malapit-malayo
malulungkot-masasaya
malasahan-matikman
Saan nakatira ang mag-asawa sa kwentong "Alamat ng Mangga"?
Pangasinan
Zambales
Tarlac
La Union
Ilang anak na lalaki mayroon ang mag-asawa?
1
2
3
4
Anong katangiang taglay ng mga binatang ito?
napakasisipag
napakagagalang
napakakuripot
napakatatamad
Saan nanggaling ang mangga ayon sa alamat?
pinagsamang pangalan nina Aling Manggita at Mang Pangga
dahil sa mga dilaw na bunga na parang ginto
Ano ang ibig sabihin ng alamat?
kwentong ang mga tauhan ay hayop
kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay
kwentong nakakatawa
kwentong nakatatakot
PIliin ang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwentong "Alamat ngMangga."
A. Isang kakaibang halaman ang tumubo. Lubos itong nagustuhan ng magkakapatid.
B. Isang mag-anak ang nakatira sa isang bayan sa Zambales. Masipag ang mag-asawa at tamad naman ang 3 anak.
C. Hindi nakinig ang mga anak at nanatiling tamad hanggang isang araw ay biglang nawala ang mag-asawa.
D. Kinausap ng mag-asawa ang kanilang anak na tumulong at sinabing may ginto raw sa kanilang bukid.
E. Tinawag itong “manga” mula sa pinagsamang pangalan ng mag-asawa.
A. Isang mag-anak ang nakatira sa isang bayan sa Zambales. Masipag ang mag-asawa at tamad naman ang 3 anak.
B. Kinausap ng mag-asawa ang kanilang anak na tumulong at sinabing may ginto raw sa kanilang bukid.
C. Hindi nakinig ang mga anak at nanatiling tamad hanggang isang araw ay biglang nawala ang mag-asawa.
D. Tinawag itong “manga” mula sa pinagsamang pangalan ng mag-asawa.
E. Isang kakaibang halaman ang tumubo. Lubos itong nagustuhan ng magkakapatid.
A. Isang mag-anak ang nakatira sa isang bayan sa Zambales. Masipag ang mag-asawa at tamad naman ang 3 anak.
B. Kinausap ng mag-asawa ang kanilang anak na tumulong at sinabing may ginto raw sa kanilang bukid.
C. Hindi nakinig ang mga anak at nanatiling tamad hanggang isang araw ay biglang nawala ang mag-asawa.
D. Isang kakaibang halaman ang tumubo. Lubos itong nagustuhan ng magkakapatid.
E. Tinawag itong “manga” mula sa pinagsamang pangalan ng mag-asawa.
Nakita ko sa telebisyon ang matitiyagang kababayan. Alin ang pandiwa sa pangungusap?
Nakita
telebisyon
kababayan
matitiyaga
Sampung guro ang dumalo sa pagpupulong. Ano ang pandiwa sa pangungusap?
Sampu
guro
dumalo
pagpupulong
_____ ako mamaya sa plasa.
Takbo
Tumakbo
Tatakbo
Nagtakbo
Anong angkop na pandiwa ang kukumpleto sa pahayag na:
Ang aking ina ay palaging _____ sa kusina.
naglalaba
naliligo
nagluluto
natutulog
_____ ako ng basketball bukas.
Naglalaro
Maglalaro
Naglaro
Maglaro
Si Gng, Detera ay bumigkas ng tula sa klase.
Ano ang pandiwa sa pangungusap?
Gng. Detera
klase
tula
bumigkas
Irish, _____ ka ba sa darating mong kaarawan?
naghanda
maghahanda
naghahanda
humanda
_____ ang mga mag-aaral sa kwaderno araw-araw.
Sumusulat
Sumulat
Susulat
Sulat
Piliin sa mga salita ang pandiwa.
natulog
masarap
naglalaro
iinom
mahaba
Ano ang pandiwa?
Ang pandiwa ay salitang naglalarawan.
Ang pandiwa ay salitang ginagamit na panghalili sa pangngalan.
Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos.
Ang pandwa ay tumutukoy sa ngalan ng bagay, lugar, hayop, o pangyayari.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang maysalungguhit sa pangungusap.
Sumakabilang-buhay ang kanyang ama dahil sa malubhang sakit.
nangibang-bayan
nangibang-bahay
namatay
Ang kanyang ina ang nag-iisang gumagabay sa kanilang magkakapatid.
nagluluto
nag-aasikaso
namimili
Mahusay rin sa mga gawaing bahay ang magkakapatid.
makalat
magaling
malinis
Ang magulang at mga anak ay may samahang tulad ng sa matalik na magkaibigan.
magkagalit
malayo
malapit
Bayaning ituring ng anak ang kanilang ama, kaya naman bilib na bilib ang mga ito sa kanilang ama.
umaasa
humahanga
sumasama
Anong uri ng panitikan ang akdang "Ang Tatay Kong Nanay"?
maikling kuwento
alamat
tula
Bakit tatay na nanay ang tawag ng bata sa kanyang tatay?
dahil si tatay ang laging nakaalalay sa kanilang magkakapatid sa lahat ng oras simula ng mawala ang kanilang ina
dahil si tatay nagluluto pag wala si nanay sa bahay
dahil si tatay ang nanay ng bata sa akda
Bakit labis na iniidolo at ipinagmamalaki ng mga anak ang kanilang tatay?
dahil sa magandang pananaw ng tatay sa buhay
ayaw ng tatay na ang kanyangmga anak ay nakikipag-away
dahil ang tatay ay walang pakialam sa kanyang mga anak
Ano kaya ang mangyayari sa mga anak na pinalaki ng ganitong uri ng tatay?
magiging mabuting bata
magiging suwail na anak
magiging matigas ang ulo
Alin ang hindi pagpapakita ng pagmamahal ng anak sa kanilang Tatay?
pagsunod sa mga payo at utos ni tatay
hindi pagtulong sa gawaing-bahay
nais ng mga anak na laging malusog ang kanilang tatay
