NEW
Font size
WorksheetsESP 5
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Kapag nagsabi ka ng totoo makukuha mo ba ang tiwala ng mga tao?
oo
hindi
Bakit minamahal ng mga tao ang batang lalaki sa tulang "Ang batang hindi nagsisinungaling"?
Siya ay isang batang matapat kaya naman lahat ng tao ay nagtitiwala sa kanya
Dahil kailanman ay hindi siya nagsinungaling
Lahat ng nabanggit ay tama
Ito ay isang katangian ng pagiging makatuwiran at matuwid ang asal at pananalita.
pagmamahal sa katotohanan
pagiging matiyaga
Piliin ang sa tingin mo ay nagpapakita ng pagiging hindi tapat.
Si Noah ay nagpapaliwanag ng maayos sa tuwing siya ay nahuhuli sa klase.
Si Caryl ay isang mag-aaral, at sa araw ng kanilang pagsusulit ay nandaya siya.
Si Omar ay isang bellboy at hinahangaan siya ng maraming turista sa resort na pinapasukan niya dahil sa kaniyang katapatan.
Sa paanong paraan naipapakita ang pagiging matapat?
Sa pagkilos ng tama at pagsasabi ng totoo.
Ito ay nakikita sa paraang matuwid at makatuwiran ang pananalita at asal.
Lahat ng nabanggit ay tama
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katapatan?
Pagpapaliwanag sa tunay na dahilan kung bakit ka nahuli sa klase
Pag inuutusan ng aking magulang ang iba sa sukli ay itinatabi ko at hindi ibinabalik
Kapag sumasakay sa pampublikong sasakyan, binabawasan ko ang ibinabayad sa jeepney driver.
Kinuha ni Ina ang bag ni Dang dahil nagandahan siya rito, kung kaya naman ay nabalisa si Dang, nakita itong lahat ng guro nilang si Bb. Mateo at ipinatawag si Ina at Dang sa opisina. Ano ang tamang gawin ni Ina?
Sabihin niya ang totoo na siya ang kumuha ng bag at humingi ng patawad sa kanyang kamag aral na si Dang
Itanggi ni Ina ang kanyang ginawa at huwag na lamang pumunta sa opisina.
Huwag na lamang intindihin ni Dang ang nangyari.
Ito ay naipapakita sa pagtupad sa layunin ng ating paggawa.
pagmamahal sa katotohanan
pagkamatiyaga
Sa kwentong "Ang mga batang bayani" bakit nangangalakal sila ng mga bote, dyaryo at pira-pirasong bakal?
Para ipangtulong sa kanilang sariling kapakanan
Para ipagbenta sa mga junk shop at ipandagdag sa pambili ng mga uniporme sa paliga ng baranggay
Para sa pansarili nilang hangarin
Piliin ang tamang kilos na nagpapakita ng pagiging matiyaga
Nag uwian na ang mga estudyante sa pangkat ng book club kahit hindi pa naman tapos ang kanilang gawain
Itinigil na ni Janiel ang paggawa ng kanyang gawain sa eskwela dahil gusto niyang mag laro
Nagtulong tulong ang pangkat ng mga kabataan sa pagpapatupad ng palaro sa kanilang baranggay
