wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Wastong Paggamit ng Pangatnig

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Piliin ang tamang pangatnig:


Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw ___________ maiwasan masira ang mga ngipin.

a)

ngunit

b)

upang

c)

dahil

2.

Piliin ang tamang pangatnig:


___________ hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro ngayong umaga.

a)

Dahil

b)

Subalit

c)

Kaya

3.

Piliin ang tamang pangatnig:


Inaantok ka pa ___________ hatinggabi ka na natulog kagabi.

a)

habang

b)

bago

c)

kasi

4.

Piliin ang tamang pangatnig:


Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang” ____________ itinataas ang watawat ng Pilipinas.

a)

habang

b)

hanggang

c)

parang

5.

Piliin ang tamang pangatnig:


Magdasal muna tayo __________ tayo kumain ng hapunan.

a)

bago

b)

kaya

c)

at

6.

Piliin ang tamang pangatnig:


Matutuloy ang camping natin ___________ hindi masama ang panahon bukas.

a)

subalit

b)

kung

c)

at

7.

Piliin ang tamang pangatnig:


Tumatahol ang mga aso ____________ may taong kumakatok sa pinto.

a)

kapag

b)

ngunit

c)

hanggang

8.

Piliin ang tamang pangatnig:


Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula _____________ puti?

a)

at

b)

o

c)

pero

9.

Piliin ang tamang pangatnig:


Mahilig siya magbasa ng aklat ___________ magsulat ng maiikling kuwento.

a)

at

b)

upang

c)

sapagkat

10.

Piliin ang tamang pangatnig:


Tumakbo nang tumakbo ang usa ____________ nakarating ito sa gitna ng gubat.

a)

hanggang

b)

habang

c)

samantalang

11.

Piliin ang tamang pangatnig:


Naglalaro ang anak niya sa labas ____________ may kinakausap siya sa telepono.

a)

pero

b)

habang

c)

parang

12.

Piliin ang tamang pangatnig:


Tumigil ang pag-iyak ng bata _________ bumalik ang kanyang ina.

a)

nang

b)

bagama’t

c)

subalit

13.

Piliin ang tamang pangatnig:


Tumawag ako sa bahay ni Tess ___________ hindi pa raw siya umuuwi galing eskuwelahan

a)

upang

b)

ngunit

c)

kapag

14.

Piliin ang tamang pangatnig:


Tatawag muli si Alma _________ makausap ka tungkol sa proyekto ninyo.

a)

kasi

b)

bago

c)

para

15.

Piliin ang tamang pangatnig:


Gusto pa rin nilang maglaro ng basketbol _________ gumagabi na.

a)

dahil

b)

kahit

c)

para

16.

Piliin ang tamang pangatnig:


Alin ang mas gusto mong gawin, manoood ng sine __________ kumain sa labas?

a)

habang

b)

o

c)

kung

17.

Piliin ang tamang pangatnig:


__________ mahiyain siya, hindi siya sumagot sa tanong ng guro.

a)

Sapagkat

b)

Ngunit

c)

Bagama’t

18.

Piliin ang tamang pangatnig:


Matalinong bata si Jaime_________ hindi mataas ang marka niya sa nakaraang pagsusulit.

a)

subalit

b)

upang

c)

kaya

19.

Piliin ang tamang pangatnig:


Naghihirap magtrabaho ang mga magulang mo _________ inaaksaya mo lang ang perang bigay nila sa iyo.

a)

kasi

b)

hanggang

c)

samantalang

20.

Piliin ang tamang pangatnig:


____________ nais niyang mag-aral sa kolehiyo, naghanap siya ng trabaho upang makatulong sa pamilya.

a)

Subalit

b)

Bagama't

c)

Dahil