wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 4 MODULE 1- 2 TAYAHIN

Total questions: 10

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mahinahon sa kilos at damdamin?

a)

A. Nakikipag-away sa mga ayaw kumampi kapag may ipinaglalaban.

b)

B. Nakikiayon sa sinasabi ng kapuwa para maiwasan ang gulo.

c)

C. Nakikipag-usap nang maayos sa kapuwa upang

magkaunawaan.

d)

D. Kumakampi sa mas marami ang umaayon upang hindi mapag-isa

2.

2. Alin sa mga sumusunod na salita ang iyong gagamitin kung ikaw ay nakasakit ng damdamin ng iyong kapwa dahil sa iyong pagkakamaling nagawa?

a)

A. Buti nga sayo.

b)

B. Patawarin mo ako.

c)

C. Wala akong pakialam.

d)

D. Ikaw kasi eh.

3.

Pangarap mo na maging isang mang-aawit. Sumasali ka sa mga kompetisyon sa inyong paaralan. Habang ikaw ay umaawit ay narinig mo ang ibang tao na nagsasabing hindi ka naman ganoon kahusay sa pag-awit. Paano mo tatanggapin ang kanilang puna?

a)

A. Itutuloy ko lang ang pag-awit at iiyak pagkatapos umawit.

b)

B. Hindi na tatapusin ang pagkanta at tatakbo na paalis.

c)

C. Sisigaw at magagalit sa mga manonood.

d)

D. Mag-eensayo at huhusayan pa ang pagkanta.

4.

Ang pagiging mahinahon sa damdamin ay naipapakita maging sa mga ginagamit sa salita sa pagbibiro. Ano ang dapat mong tandaan upang hindi ka makasakit ng damdamin ng iyong kapwa dahil sa iyong mga salita?

a)

A. Gagayahin ang mga salita at joke na naririnig sa telebisyon.

b)

B. Magbibiro gamit ang masasakit na salita.

c)

C. Hayaan kong sila ay masaktan dahil sila ay pikon.

d)

D. Pipiliin ang mga salitang biro na gagamitin kung ito ba ay nakakasakit sa kapwa.

5.

Paano maipakikita ang pag-unawa sa damdamin ng kapwa?

a)

A. Sa pakikiiyak sa kanila

b)

B. Sa pakikipag-usap sa kanila

c)

C. Sa pagbibigay ng sariling kuwento sa kanila

d)

D. Sa pakikinig sa oras na may problema sila at pagbibigay ng payo

6.

Habang ikaw ay naglilinis ng inyong silid-aralan ay hindi mo sinasadyang mabasag ang plorera ng iyong guro. Walang nakakita sa nangyari dahil lumabas ang iyong guro papuntang “comfort room.” Ano ang nararapat mong gawin?

a)

A. Hihingi ako ng paumanhin sa guro at sasabihing hindi ko sinasadya ang nangyari.

b)

B. Itatago ko na lamang ang plorera sa aking bag at papalitan ito kinabukasan.

c)

C. Itatapon ko sa basurahan ang nabasag na plorera.

d)

D. Sasabihin sa guro na nakita mo ng basag ito pagdating mo.

7.

Alam mo na dapat iwasang makasakit ng damdamin ng kapwa. Kung ikaw ay susulat ng liham para sa iyong kaibigan na iyong nasaktan. Ano ang magiging laman ng iyong liham sa paghingi ng paumanhin?

a)

A. Patawarin mo ako pero may kasalanan ka rin.

b)

B. Patawad sa aking pagkakamali at asahang hindi na ito gagawing muli.

c)

C. Patawarin mo na ako, kapag hindi ay galit na ako sa iyo.

d)

D. Hindi ako hihingi ng paumanhin sa iyo dahil ikaw ang nauna.

8.

Ang mga mag-aaral sa ikaapat na baitang ay naatasan ng kanilang guro na maghanda ng mga pick-up lines bilang takda para sa susunod na aralin. Isa sa iyong mga kamag-aral ay gumamit ng masakit na salita at nagsabing “Elepante ka ba? “Bakit?” ang sagot ng lahat. “Kasi Malaki ang tenga mo” sabay tawanan. Ano iyong gagawin kung ikaw tinutukoy na may malaking tenga?

a)

A. Magagalit at iiyak sa harap ng mga kamag-aral.

b)

B. Tatawa at hindi siya papansinin.

c)

C. Kakausapin ko siya ng mahinahon at sasabihing hindi tama ang gawing katatawanan ang pisikal na anyo ng mga tao.

d)

D. Lalabas sa silid-aralam at tatakbo.

9.

Kayo ay inatasan na maghanda ng isang masayang dula-dulaan na magbibgay ng saya sa inyong mga manonood. Dahil sa kagustuhan niyo na sila ay maging masaya, kayo ay nagtanghal sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga jokes at pick-up line. Alin

sa mga sumusunod na pick-up line o joke ang hindi nakakasakit sa damdamin ng iba?

a)

A. Kiko, para kang aparador sa sobra mong katabaan.

b)

B. May kamukha kang artista, Kontrabida nga lang.

c)

C. “Krayola ka ba? “Bakit?” “Nagbibigay ka kasi ng kulay sa buhay ko?’

d)

D. Kikay, para kang elepante, ang laki kasi ng tenga mo.

10.

Likas sa tao ang pagbibigay ng puna at papuri sa kilos, ugali at anyo ng kapwa. Paano mo ba tatanggapin ang mga puna ng maluwag sa iyong kalooban?

a)

A. Magkaroon ng positibong pananaw at matutong tumanggap ng puna ng kapwa.

.

b)

B. Hindi makikinig sa puna ng kapwa at gagawin pa rin ang nais kahit ito ay mali na.

c)

C. Makikipag-away at magagalit sa taong nagbigay ng puna.

d)

D. Patuloy ang ginagawa ng hindi humihingi ng pagsang-ayon ng kapwa