WorksheetsAP 7-1st Periodical Exam
Total questions: 40
Worksheet time: 39mins
Ito ay ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig
Agham
Heograpiya
Kasaysayan
Araling Panlipunan
Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon. Alin sa mga sumusunod ang isinaalang-alang na aspekto sa paghati nito?
Kultural at historikal
Pisikal at kultural
Pisikal at historikal
Pisikal, kultural at historikal
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa, tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto, at kabundukan.
Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman.
Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano
Bakit tinawag na Farther India at Little China ang Timog-Silangang Asya?
Dahil napagitnaan ito ng India at China
Dahil dito matatagpuan ang mga bansang India at China
Dahil, karamihan sa mga naninirahan dito ay mga Hindu at Tsino
Dahil sa impluwensiya ng China at India sa kultura ng rehiyong ito.
Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-region, ang Mainland South East Asia at Insular South East Asia. Ano anong mga bansa ang napabilang sa Mainland South East Asia?
Pilipinas, Thailand, Indonesia, Malaysia
Myanmar, Vietnam, Singapore, Pilipinas
Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia
Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor
Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya matatagpuan ang hangganan ng kontineneng Europe, Africa at Asya?
Silangang Asya
Kanlurang Asya
Hilagang Asya
Timog Asya
Ang archipelago o kapuluan ay isang pangkat ng mga pulo at matatagpuan sa Asya ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo. Anong bansa ito?
Japan
Indonesia
Malaysia
Pilipinas
Ang grassland ay isang uri ng vegetation cover. Alin sa mga sumusunod na uri ng grassland ang may mataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.
Prairie
Steppe
Tundra
Savanna
Ang steppe, tundra, taiga at savanna ay ilan lamang sa mga halimbawa vegetation cover. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang vegetation?
Dahil sa lokasyon nito
Dahil sa epekto ng klima ito
Dahil sa kapaligiran nito
Dahil sa lokasyon at kapaligiran nito
Anong rehiyon sa Asya ang may anyong hugis tatsulok?
Timog Asya
Kanlurang Asya
Silangang Asya
Hilagang Asya
Ano-ano ang mga bansang makikita sa Silangan Asya?
India, Thailand, Pakistan, China
Laos, Sri Lanka, Taiwan, China
Pilipinas, Japan, Saudi Arabia, Cambodia
Japan, China, North at South Korea, Taiwan
Halos lahat ng bansa sa Timog-Silangang Asya ay may klimang Tropikal. Ito ay nangangahulugan na ang mga bansa dito ay nakakaranas ng?
tag-init at taglamig
tag-araw at tag-ulan
tag-araw, taglamig at tag-ulan
tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan
Alin sa mga sumusunod na dahilan ang pagkakaroon ng iba’t ibang klima sa Asya?
Polusyon
Populasyon
Lokasyon
kapaligiran
Ang mga sumusunod ay mga bansang makikita sa kanlurang Asya maliban sa?
India
Turkey
Israel
Saudi Arabia
Ito ang pinakamahabang kabundukan sa Asya
Ghats
Cordillera
Himalayas
Hindu Kush
Ang Asya ay halos napapaligiran ng mga karagatan. Ang mga ito ay may mahalagang papel sa pamumuhay ng mga Asyano, maliban sa?
Nagsisilbing likas na depensa
Rutang pangkalakalan at paggagalugad
Pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat at yamang mineral
Dahilan ng agawan ng teritoryo ng mga bansang nakapalibot dito
Ang Pilipinas ay bansang nakarap sa Karagatang Pasipiko kaya madalas na tatama ang bagyo sa ilang mga lugar dito. Sa palagay mo, ano ang pinaka- angkop na uri ng bahay ang bagay rito?
igloo
bahay-kubo
tree house
bahay na kongreto
Alin sa mga sumusunod na baybay-ilog ang nagsilbing lundayan ng sinaunang kabihasnan, hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig?
Tigris at Euphrates
Mekong, Indus, Huang Ho
Indus, Huang Ho, Tigris at Euphrates
Yang Tze, Huang Ho, Tigris at Euphrates
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ng bulubundukin sa pamumuhay ng tao?
Ito ay ginagawang pastulan
Dahil ito ay binubungkal at ginagawang sakahan ng mga tao
Ito ay nagsisilbing proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at digmaan
Ito ay nagsisilbing depensa ng isang lugar at proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at digmaan
Sa Asya matatagpuan ang apat na katangi-tanging lawa na nakapagdudulot din ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng mga taong naninirahan malapit dito. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking lawa sa mundo?
Aral Sea
Caspean Sea
Dead Sea
Lake Baikal
Ang mga ilog Huang Ho, Yang Tze at Xi Jiang ay matatagpuan sa Tsina. Bakit itinuturing ang mga ito na pinakamahahalagang ilog ng Tsina?
Dahil ang mga ito ang nagpapataba ng mga lupa.
Dahil ang mga ito ang lundayan ng kanilang kaharian.
Dahil ang mga ito ay ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.
Dahil ang mga ito ay nagpapataba ng mga lupa at ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.
Kung ikaw ay naninirahan sa isang burol, alin sa mga sumusunod na gawain ang iyong maaaring maging hanapbuhay?
Pagsasaka
Pagmimina
pagpapastol
pangingisda
Matatagpuan sa Kanlurang Asya ang Anatolian Plateau at Iranian Plateau. Bakit mas malaki ang populasyon ng Anatolian Plateau kung ihahambing sa Iranian Plateau?
dahil sa matabang lupa nito
dahil sa kaaya-ayang klima nito
dahil sa magandang tanawin nito
dahil sa pinaghalong mataba at tuyong lupa nito
Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng Tsina. Bagama’t malawak ang Tsina, bakit nagsisiksikan ang mga naninirahan sa silangang bahagi nito?
dahil ito ay isang kapatagan
dahil ito ay isang kabundukan
dahil ito ay isang talampas
dahil ito ay binubuo ng kabundukan at talampas
Ano anong mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang kabilang sa rehiyong tinatawag na Ring of Fire na matatagpuan sa Pacific Ocean?
Pilipinas, Malaysia
Thailand, Malaysia, Indonesia
Pilipinas, Indonesia, East Timor
Pilipinas, Indonesia, Malaysia, East Timor
Bakit itinuturing na pangunahin at pinakamahalagang butil pananim ang palay
sa Timog Silangang Asya?
Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley
Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog- Silangang Asya
Sagana sa matabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim.
Galay sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito
Sa pag- aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka, kambing at tupa
nagkakaroon ang tao ng __________________.
Lana, karne at gatas
Trigo, barley at gulay
Tanso, ginto at natural ga
Tanso, ginto at natural ga
Dahil sa kakulangan ng Japan sa langis at depositong bakal at iba pang mineral
na mahalagang gamit sa malakihan at mabibigat na industriya, bunga nito ay;
Kailangang umangkat ng langis at iba pang hilaw na sangkap ang Japan.
Umaasa lang ang Japan sa mga mineral na mnamimina sa
sariling bansa
Hindi na binibigyang pansin ang industriya ng bansa.
May malawak na lupain ang Japan
Bakit mahalaga ang yamang gubat?
Ito ay pinagkukunan ng tao ng maraming produkto tulad ng goma, troso, papel,
tabla muwebles, mga herbal at marami pang iba
Ito ay nagsisilbing tahanan ng mga mababangis na hayop
Ito ay nakakatulong upang mapigilan ang pagbaha.
Ang mga puno sa gubat ay nagbibigay ng lilim at preskong hangin
Isa sa mga pangunahing suliranin pangkapaligiran ay ang polusyon o
kontaminasyon sa mga anyong tubig dulot ng pagtatapon ng mga basura at
kemikal. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang ito ay
mapigilan?
Magsagawa ng coastal clean up
Ipagbawal ang paninirahan sa tabing dagat
Bumuo ng kilusan na naglalayong mapangalagaan ang mga dagat at ilog.
Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas ukol sa pagprotekta at preserbasyon
ng mga yamang tubig
Paano nakatutulong ang yamang mineral sa ekonomiya ng isang bansa?
Ang pagmimina ng yamang mineral ay nakapagbibigay trabaho sa mga mamamayan.
Nagkakaroon ng maraming ginto at pilak ang isang bansa.
Ang yamang mineral ay pinagkukunan ng enerhiya at mga hilaw na sangkap sa
paggawa ng mga gusali, sasakyan, tulay at marami pang iba.
Pinauunlad nito ang turismo.
Bakit kailangan pangalagaan ang yamang lupa?
Kailangan itong pangalagaan dahil dito tayo kumukuha ng ikinabubuhay tulad
ng mineral, pagkain, halaman, punongkahoy at iba pang hilaw na materyales.
Kailangan itong pangalangaan upang hindi tayo makulong at makapagmulta.
Kailangan itong pangalagaan dahil dito tayo nakakapagtanim ng palay
Kailangan itong pangalagaan upang maiwasan mga kalamidad.
Ang mga bansang sa Timog Silangang Asya ay kilalang nag-aangkat ng mga produktong palay. Ito rin ang isa sa mga pinagkukunang kabuhayan ng mga naninirahan dito. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng kasaganaang ito?
mainam na klima
malawak na lupain
malamig na panahon
masisipag na magsasaka
Hindi maitatanggi ang kaugnayan ng likas na yaman sa aspektong pang-ekonomiya ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng implikasyon ng likas na yaman sa ekonomiya?
ang populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa likas na yaman nito
ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas ay nagmumula sa pagsasaka
may ilang nga mamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa pansariling ikabubuhay lamang
marami sa likas na yaman ng mga bansa sa Asya ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na panustos sa kanilang pagawaan
Ang masaganang likas na yaman ng iba't ibang rehiyon ng Asya ay napakikinabangan ng mga naninirahan dito. Nagbibigay ito ng pangkabuhayan sa mga tao, mapa-tubig man, kalupaan o kagubatan. Alin sa mga sumusunod ang maaaring paraan upang mapangasiwaan ng maayos ang pinagkukunang kabuhayan?
pagtuunan ng pansin ang pag-aangkat ng mga hilaw na materyales mula sa ibang bansa upang hindi kaagad maubos ang yamang likas
ibigay lamang sa malalaking kompanya ang pagkuha at paggamit ng likas yaman upang mas malaki ang pakinabang na makukuha rito
magpatupad ng mga batas sa tamang paglinang at paggamit ng mga likas na yaman upang maging angkop ang kapakinabangang makukuha rito
hikayatin ang mga dayuhang namumuhunan na manguna sa paglinang ng mga yamang likas upang matiyak na kalidad ng teknolohiyang gagamitin
Ang ibang mga rehiyon ng Asya ay may patag, malalapad at matatabang
kalupaan. Naging dahilan ito upang iangkop ng tao ang kanilang ikinabubuhay sa pagsasaka at iba pang gawaing agrikultural. Ngunit sa patuloy na urbanisasyon at pagsikip ng lupa dahil hindi ito nadadagdagan, paano mo iaangkop ang sarili at iyong pamilya upang patuloy na may pagkunan ng pagkain at kabuhayan?
makiisa sa gawaing nagsusulong ng wastong paggamit ng likas na yaman
hayaan ang pamahalaan na lumutas sa mga isyung may kaugnayan sa ekonomiya
humingi ng tulong sa ahensiyang pampubliko ng gobyerno tuwing nagkukulang ang pangangailangan ng pamilya
tumigil muna sa pag-aaral sa tuwing may kakulangan sa pangangailangan ng pamilya at maghanapbuhay na lamang
Ang Kanlurang Asya ay hindi biniyayaan ng malawak na matatabang lupang maaaring matamnan. Bagamat hindi mayaman sa produktong agrikultural, bakit itinuturing pa rin itong isa sa mayamang rehiyon sa buong Asya?
dahil mataas ang antas ng teknolohiya sa mga bansa sa Kanlurang Asy
dahil langis ang pangunahing produktong panluwas ng Kanlurang Asya
sa Pandaigdigang Pamilihan
dahil mayroong mahuhusay na pinuno ang Kanlurang Asya na
nagpaunlad sa ekonomiya nito
dahil sa mga tulong pinansiyal mula sa ibang bansa (foreign aid) na
natatanggap ng mga bansa sa Kanlurang Asya
Ano ang mangyayari kung magpapatuloy sa pagkakaingin ang mga tao sa kabundukan?
uunlad ang kabuhayan
dadami ang makukuhang prutas
sasapat ang pagkain para sa lahat
guguho ang lupa at babaha ng husto sa mababang lugar
Dahil sa pagkawala ng natural habitat ng mga hayop sa kagubatan, maaapektuhan ang life cycle. Ano ang ipinauunawa nito?
maraming suliranin ang mararanasan ng tao
mag- alaga ng maraming hayop upang maiwasan ang pagkaubos nito
mababawasan ang pagkahamak ng tao mula sa mga mababangis na hayop
mababawasan o mauuwi sa pagkaubos ang lahat ng uri ng hayop sa kagubatan at masisira ang life cycle
Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa kontaminasyon ng lupa, tubig, at hangin sanhi ng pagtatapon ng mga bagay na toxic mula sa mga tahanan at pagawaan?
polusyon
deforestation
climate change
global warming
