NEW
Font size
WorksheetsModule 7
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Paano mahuhubog ng magulang ang pananampalataya ng anak?
magbasa ng aklat
sabay-sabay na manalangin
ituro ang daan papuntang simbahan
palaging magsuot ng mahahabang damit
Bakit itinuturing na bukod tangi at pinakamahalagang gampanin ng magulang ang pagbibigay ng edukasyon? Sapagkat ito ay:
humuhubog sa lahat ng aspeto ng isang tao
basihan ng pagiging isang respetadong indibidwal
kwalipikasyon sa paghanap ng magandang trabaho
kwalipikasyon sa paghanap ng magandang trabaho
Bakit kailangang malinang ng mag-aaral ang aspetong pisikal, mental, emosyonal, sosyal at ispiritwal sa pagbibigay ng maayos na edukasyon? Upang maging kapaki-pakinabang sa:
lolo at lola
sarili at mga kakilala
lipunang ginagalawan
pamilya at kamag-anak
Si Erla ay isang mabait at tahimik na batang lumaki sa probinsya na hindi sanay sa pakikihalubilo sa maraming tao. Isang araw, namasyal silang mag-ina sa mall at saglit siyang iniwan upang pumunta ang ina sa palikuran. Habang naghihintay ay may lumapit na lalaki at niyaya siyang manood ng sine. Sasama na sana siya ngunit dumating ang kaniyang ina at napigilan ito. Ano ang nararapat gawin bilang anak sa sitwasyong ito?
magpaalam sa ina bago sumama
huwag nang makinig sa payo ng ina
magdesisyon na lamang nang mag-isa
sumama na lang sa lalaki dahil libre naman
Nagsusumikap sa pagtatrabaho ang magulang ni Lina. Bagama’t hindi lahat ng gusto ng anak ay ibinibigay nila. Sa murang edad ay pinapaintindi ng magulang na kailangan nilang mag-ipon at prayoridad ang pagpapaaral sa kaniya. Bakit nag-iipon ang magulang ni Lina? Upang:
maipasyal ang anak
mapagtapos sa pag-aaral ang anak
maibili ng magandang damit ang anak
maibili ng magandang sasakyan ang anak
Bakit kailangang gabayan ang anak sa pagpapasiya? Upang:
hindi madapa ang anak
walang pagsisihan sa huli
maging mabuting magulang
maging responsable sa anumang desisyon
Gusto ni Maria na mag-aral sa pribadong paaralan ngunit hindi pa niya tiyak kung anong kurso ang kukunin. Bilang magulang, ano ang nararapat gawin upang magabayan ang anak sa pagpapasya
hayaan na lang malito ang anak
itanong sa anak kung anong gusto niya
magulang ang pipili ng kursong kukunin ng anak
magsuhestiyon na kunin ang kursong gusto ng kaibigan
Bakit sinasabing ang edukasyon ay tanging pamana ng isang magulang sa anak?
dahil ang edukasyon ay nagpapayaman
dahil ito ay nagpapadagdag ng kaalaman
dahil ang edukasyon ay hindi nananakaw ninuman
dahil ito ay pinto na magbubukas sa pagkamit ng pangarap
Dating nanampalataya si Lucky sa Diyos ngunit nang magkasakit ng kanser nag-iba ang kaniyang paniniwala, ni ayaw niyang magsimba. Bilang magulang, ano ang nararapat gawin upang muling maibalik ang pananampalataya ni Lucky?
Igalang ang desisyon ng anak
Pagalitan ang anak hanggang sa magbalik-loob
Ipaalala na ang Panginoon ang sentro ng buhay ng tao
Hahayaan ang anak na maniwala na walang Panginoon.
May pananagutan ba ang magulang kung hindi niya magampanan ang tungkulin sa anak?
Oo, dahil ito ay kaniyang sariling anak
Oo, sapagkat ito ay dapat nilang gampanan
Oo, sapagkat ito ay tugon sa layon ng Diyos
Oo, dahil ito ay misyon at tungkulin niya bilang magulang
