wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagmamalasakit sa Kapwa

Total questions: 15

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Nakasakay ka sa isang dyip at may nakita kang isang taong PWD na nais din sumakay sa inyong dyip. Ano ang gagawin mo?

a)

Pagtatawanan ang taong PWD

b)

Pagsabihan na madalian ang pagsakay dahil ikaw ay mahuhuli na sa klase

c)

Hindi makialam sa ibang tao

d)

Tulungan ang taong may kapansanan na makasakay sa inyong sinasakyan

2.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?

a)

Pagtatawanan ang kinukutya na kaklase

b)

Pahiramin muna ang kaklase ng bolpen ng makasali siya sa inyong pagsusulit

c)

Pagsigawan ang taong may kapansanan

d)

Tumulong sa kapwa at hihingi ng kapalit

3.

Nabalitaan mong nasalanta ng bagyo ang iyong kaibigan. Ano ang gagawin mo?

a)

Hayaan na lang sila.

b)

Tulungan kung ano man ang pwede kong maitulong

c)

Sabihin sa mga kapitbahay.

d)

Isumbong sa pulis

4.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?

a)

“Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”

b)

”Bakit ba nahuli ka na naman?”

c)

“Sana sa susunod hindi kana huli sa usapan natin,”

d)

“Tatlumpong minuto na akong naghihintay sa iyo.”

5.

Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa _________

a)

Kanilang pagtanaw na utang –na-loob

b)

Kakayahan nilang makiramdam

c)

Kanilang pagiging emosyunal sa pakikisangkot

d)

Kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba.

6.

Nasunugan ang iyong kaklase. Ano ang iyong gagawin mo?

a)

Di ko siya papansinin

b)

Bibigyan ko siya ng damit

c)

Aasarin ko siya

d)

Lalaitin ko siya

7.

Si Ana ay may nakitang isang matandang bulag na hirap tumawid sa kalasada. Kanya itong nilapitan at inalalayan. Si Ana ay__________.

a)

masipag

b)

malambing

c)

matulungin

d)

magalang

8.

Ano ang magandang ipinapakita sa larawan?

a)

tinulak ng bata ang matanda

b)

inaalalayan ng magalang na bata ang matanda sa pagtawid

c)

tinawanan ng bata ang matanda

d)

huminto sila sa gitna ng daan

9.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit?

a)

Tumutulong si Jacky sa pamamahagi ng relief goods sa kanilang barangay.

b)

Si Paul ay nagbibigay ng donasayon sa mga biktima ng kalamidad.

c)

Tinutungan maglakad ni Yumi ang kaniyang kaklase na may-kapansanan.

d)

Lahat ng nabanggit

10.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagmamalasakit?

a)

Pinagtatawanan ni Kevin ang lolo na hindi makatawid ng kalsada

b)

Sinusulatan ni Rio ang pader ng banyo sa eskwelahan

c)

Dinidikitan ni Nico ng bubble gum ang upuan ng kaniyang katabi

d)

Lahat ng nabanggit

11.

Si Sheena ay may nakitang isang matandang bulag na hirap tumawid sa kalasada. Kanya itong nilapitan at inalalayan. Si Sheena ay nagpapakita ng ______.

a)

kaartehan

b)

katapangan

c)

pagmamalasakit

d)

ganda

12.

Paano natin maipapakita ang pagmamalasakit natin sa kapwa?

a)

Pagbalewala dahil hindi ka apektado.

b)

Pagbibigay-alam sa guro ng pambubully ng iba sa iyong kamag-aral.

c)

Pananahimik kapag nakikita mong inaaway ang kaibigan mo.

d)

Huwag sundin ang utos ng iyong mga magulang

13.

May sakit ang iyong kaibigan at hindi ito nakapasok. Ano ang gagawin mo upang maipakita ang pagmamalasakit sa kanya?

a)

Makikipaglaro sa iba habang may sakit pa ang kaibigan.

b)

Tatawagan ko siya at kakamustahin.

c)

Walang gagawin kasi hinidi ko naman problema iyong

d)

Hindi makialam sa problema ng iba

14.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?

a)

Suntukin ang kaaway

b)

Tulungan ang kinukutya mong kaklase

c)

Sirain ang gamit ng iyong nakaaway

d)

Huwag bigyan ng pagkain

15.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.

a)

Nahuli mong hindi pumasok sa paaralan ang iyong kaklase.Hinayaan mo lang siyang gumala.

b)

Nagluto si Nanay ng pagkain at binigyan nibyo ang inyong kapitbahay

c)

Napansin ninyong nagnakaw ng pera ang iyong kaklase at hinayaan niyo lang

d)

Nakakita kayo ng pitaka ng iyong kaklase at hindi ninyo ibinalik.