NEW
Font size
WorksheetsTanka at Haiku
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang tanka at haiku ay isang anyo ng panitikang pinahahalagahan ng anong lahi?
A. Pilipino
B. Amerikano
C. Tsino
D. Hapones
Layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahen sa pamamagitan ng kakaunting ________ lamang.
A. tao
B. salita
C. kulay
D. linya
Ang tula ay binubuo ng mga saknong at taludtod. Ilang taludtod ang bumubuo sa isang tanka?
A. 4
B. 3
C. 5
D. 6
Ang mga paksa ng tanka ay umiikot sa pagbabago, pag-ibig at pag-iisa. Ano-ano ang paksa ng haiku?
A. pag-ibig at kalikasan
B. pag-ibig at romansa
C. paghihirap at takot
D. pagbabago at pag-unlad
Parehong anyo ng ______ ang tanka at haiku. Punan ang patlang.
A. alamat
B. epiko
C. tula
D. sanaysay
Ipagpatuloy ang pagiging bukas-palad sa ating kapwa lalo na sa ganitong mga pagkakataon.
A. madamot
B. mayaman
C. malinis ang kamay
D. mapagbigay
Tunay na maaliwalas ang parkeng napalilibutan ng mga puno.
A. kaaya-aya
B. madilim
C. makipot
D. malawak
Alam niyang huli na siya sa kanyang klase kaya halos liparin siya ng hangin.
A. payatot
B. mabilis
C. mayabang
D. mabagal
Kilala siyang isang taong may pusong bato dahil hindi siya kakikitaan ng emosyon.
A. matapang
B. matipuno
C. manhid
D. malaki
Makikilala mo ang iyong kaibigang karnal sa mga pagkakataong kailangan mo ng karamay.
A. kaibigang kaaway
B. kaibigang kaanib
C. kaibigang matalik
D. kaibigan sa salita
