wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quarter 2 Modyul 1 Quiz

Total questions: 24

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay

a)

Mali, dahil nakikita nito ang gawang mabuti at masama

b)

Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin.

c)

Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.

2.

Ang sumusunod na pahayag ay tungkol sa kilos-loob maliban sa

a)

Ito ang kapangyarihang mangatwiran

b)

Ito ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.

c)

Ito ay ugat ng mapanagutang kilos.

3.

Alin sa sumusunod ang tunay na gamit at tunguhin ng isip?

a)

pag-unawa at kabutihan

b)

pag-unawa at katotohanan

c)

kumilos o gumawa at kabutihan

4.

Alin sa sumusunod ang tunay na gamit at tunguhin ng kilos-loob?

a)

pag-unawa at katotohanan

b)

pag-unawa at kabutihan

c)

kumilos o gumawa at kabutihan

5.

Ininom mo ang bottled water mula sa iyong bag at nang maubos ay sinabihan ka ng kaibigan mong itapon na lamang ang pinag-inuman mo sa iyong dinaraanan. Ano ang gagawin mo?

a)

Itapon sa daraanan.

b)

Itago muna sa bag.

c)

Hayaang itapon ng kaibigan sa daraanan.

6.

Mahaba ang pila sa paradahan ng dyip. Niyaya ka ng kaibigan mong malapit sa unahan na pumwesto na sa likuran niya. Tama bang sundin siya?

a)

Mali, dahil marami ang nakakakita

b)

Mali, dahil makatwirang mauna ang mga nauna talaga sa pila

c)

Tama, dahil hindi naman alam ng mga nauna ang dahilan kung bakit nahuli ka

7.

Kakayahang alamin ang diwa (essence of meaning) at buod (summary) ng isang bagay

a)

isip

b)

puso

c)

kamay o katawan

8.

Isang maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao

a)

isip

b)

puso

c)

kamay o katawan

9.

Sumasagisag sa pandama, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig at pagsusulat)

a)

isip

b)

puso

c)

kamay o katawan

10.

May kapangyarihang mangatwiran

a)

isip

b)

puso

c)

kamay o katawan

11.

May kapangyarihang magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay

a)

isip

b)

puso

c)

kamay o katawan

12.

Ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso

a)

isip

b)

puso

c)

kamay o katawan

13.

Dito nanggagaling ang pasya at emosyon ng tao.

a)

isip

b)

puso

c)

kamay o katawan

14.

Tinatawag din itong katalinuhan (intellect), katwiran (reason), intelektwal na kamalayan (intellectual memory) batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon

a)

isip

b)

puso

c)

kamay o katawan

15.

Lahat ng kabutihan at kasamaan ng tao ay dito natatago.

a)

isip

b)

puso

c)

kamay o katawan

16.

Sa pamamagitan nito, naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang kalooban. Ito rin ang instrumento sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.

a)

isip

b)

puso

c)

kamay o katawan

17.

Ang mga katangian ay sakop sa Likas na Batas Moral maliban sa isa

a)

Paggalang sa kapwa

b)

Pagmamahalan

c)

Pagtulong sa mga gawain

d)

Pag iwas sa mga gawaing bahay

18.

Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?

a)

Obhektibo

b)

Unibersal

c)

Eternal

d)

Immutable

19.

Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?

a)

Mapalalaganap ang kabutihan

b)

Makakamit ng tao ang tagumpay

c)

Maaabot ng tao ang kaniyang kaganapan

d)

Mabubuhay ang tao nang walang hanggan

20.

Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos ayon sa kanyang kalikasang

a)

makabansa

b)

makakalikasan

c)

makatao

d)

makasarili

21.

Sa pamamagitan ng kilos-loob, nahahanap ng tao ang

a)

kabutihan

b)

kaalaman

c)

katotohanan

d)

karunungan

22.

Nakapaloob dito ang mga bagay na likas sa tao, gaya ng paggalang, pagmamahalan at marami pang iba

a)

likas na batas-moral

b)

likas na batas-lipunan

c)

batas ng lupa

d)

batas ng tao

23.

Ang dapat gawin sa isip at kilos-loob ng tao

a)

sanayin magkaminsan

b)

sanayin, paunlarin at gawing ganap

c)

sanayin at iwasang gawing ganap

d)

gawing ganap

24.

Pinayagan ka ng iyong ina na pumunta sa bahay ng kaibigang si Hubert. Niyaya ka naman ni Hubert na pumunta sa kaibigan ninyong si Alex. Ano ang tamang gawin?

a)

Tatawagan ang ina at magpapaalam na pupunta kayo sa bahay ni Alex.

b)

Sasama nang walang pasabi sa ina.

c)

Sasama ka kina Alex dahil pinayagan ka naman kina Hubert.

d)

Awayin si Hubert dahil mali ang sinasabi.