wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP V Week 1-2 Quiz

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay mga hakbang bílang paghahanda sa pandemya maliban sa:

a)

A. Alamin ang pinakamalapit na evacuation center para sa paglikas.

b)

B. Panatilihing malusog at malakas ang resistensiya at kumain ng masusustansiyang pagkain.

c)

C.Ugaliin ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at panatilihin ang isang metrong layo mula sa ibang tao (social distancing).

d)

D.Upang maiwasang mahawa, manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang matataong lugar.

2.

Sa panahon ng kalamidad, alin sa mga sumusunod ang unang hakbang bílang paghahanda dito?

a)

Makinig sa mga balita sa radyo o telebisyon.

b)

Pag-aralan ang paglalapat ng paunang lunas.

c)

Panatilihing malusog ang katawan at kumain ng masusustansiyang pagkain

d)

Ihanda ang emergency kit tulad ng paunang lunas, flashlight, kandila, posporo, píto, inuming tubig, de-latang pagkain atbp.

3.

Ngayong ikaw ay natuto na ng mga hakbang upang makapaghanda sa panahon ng kalamidad, ano ang pinakamainam mong gawin sa kaalamang ito?

a)

Aking isasabuhay ang aking natutuhan sa lahat ng oras.

b)

Ang kaalamang ito ay aking ibabahagi sa aking mga kaibigan/ kakilala.

c)

Ako ay sasali sa mga boluntaryong pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

d)

Ako ay palaging maghahanda at makikinig sa mga anunsiyo mula sa radyo at telebisyon.

4.

Nagbibigay ito ng mga update sa mga epekto at hakbang para paghandaan ang mga kalamidad tulad ng bagyo.

a)

PAG-ASA

b)

PHIVOLCS

c)

DSWD

d)

BFP

5.

Ito ang ahensiya ng gobyerno na dapat nating tinatawagan tuwing may sunog?

a)

NDRRMC

b)

BFP

c)

PAG-ASA

d)

DSWD

6.

Ito ang tawag sa mga kagamitang pang-sakuna tulad ng flashlight, kandila, posporo, pito, inuming tubig, de-latang pagkain at iba pa.

(a)  

7.

Manatili sa bahay at huwag magpunta sa mga lugar tulad ng ilog at baybaying dagat. Anong sakuna ang pinaghahandaan?

a)

Lindol

b)

Sunog

c)

Bagyo

d)

Pandemya

8.

Kung ikaw ay nása ikalawang palapag o pataas, hintayin ang bumbero upang ikaw ay masaklolohan. Huwag tumalon, maliban na lámang kung ito na lámang ang paraan para mailigtas ang sarili. Anong sakuna ito?

a)

Lindol

b)

Sunog

c)

Bagyo

d)

Pandemya

9.

Upang maiwasang mahawa, manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang matataong lugar.. Anong sakuna ito?

a)

Lindol

b)

Sunog

c)

Bagyo

d)

Pandemya

10.

Ugaliing dumalo sa programa ng paaralan tulad ng earthquake drill. Anong sakuna ito?

a)

Lindol

b)

Sunog

c)

Bagyo

d)

Pandemya