WorksheetsMga Salita sa Lalawigan ng Rizal
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Parang hindi kapani-paniwala ang kanyang sinasabi. Sa palagay ko'y isa siyang bulastog.
magnanakaw
sinungaling
tamad
manloloko
Naglaro kaming magkakaibigan ng bulador noong bakasyon.
basketbol
habulan
saranggola
lego
Masyadong makara ang nakababatang niyang kapatid kung kaya't nabasag niya ang baso.
malikot
malambing
mabait
matigas ang ulo
Nag-uunahan ang magkapatid sa kasilyas dahil tanghali na sila nagsigising at sila'y mahuhuli na sa kanilang online class.
kompyuter
lamesa
lababo
banyo
Ang kanyang nakababatang kapatid ay panhik-panaog sa kanilang hagdan kung kaya't sinaway niya ito.
tumatakbo
nagpapadulas
akyat-baba
tumatalon
Huwag mo kalimutan magsangi bago ka humarap sa inyong zoom class.
kumain
magsuklay
mag-uniporme
magsipilyo
Aw-awan mo mabuti ang iyong mga nilabhan bago mo isampay.
pigain
banlawan
ibabad
sabunan
Pumarine ka nga at aayusin ko ang iyong uniporme.
halika
kunin
umalis
maligo
Sa aming bahay nagdiwang ng bagong taon ang aking mga pinsan, at ngayon sila ay yayao na.
matutulog
kakain
aalis
maglalaro
Umuwi galing sa kaarawan ng kanyang kaibigan si Danny kaya't siya ay buturot na.
tulog
busog
masaya
naglalaro
