NEW
Font size
WorksheetsPagbibigay-alam sa Kinauukulan tungkol sa Kaguluhan
Total questions: 10
Worksheet time: 6mins
Pagsapit ng recess, nakita mong sinasaktan at pinagbabantaan ang iyong kaibigan ng inyong kaklase upang makuha ang kaniyang baon. Ano ang dapat mong gawin?
Tutulungan ang kaibigan upang awayin ang nananakit at nananakot sa kaniya.
Hayaan na lamang sila dahil maaari kang madamay sa gulo nila.
Ipagbibigay-alam ito sa guro upang mapagsabihan ang kaklaseng nambubulas.
Bibigyan ng baon ang nambubulas upang ito ay tumigil na sa pananakit at pananakot.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng isang kinauukulan maliban sa:
Guro
Pulis
Bumbero
Barangay Tanod
Sa pagmamalasakit sa iyong kapwang sinasaktan, kinukutya, o binubulas, ano dapat ang una mong kailangan isaalang-alang?
Ang nagkasala sapagkat dapat maparusahan siya sa maling ginawa.
Ang kapakanan ng biktima dahil siya ang higit na nangangailanagn sa sitwasyon.
Ang sariling kaligtasan sapagkat maaaring ikaw ay malagay sa alanganing sitwasyon.
Ang kapakanan ng iyong magulang sapagkat sila ang maaapektuhan kapag may nangyari sa iyong hindi kanais-nais.
Nasaksihan mo ang pag-snatch ng bag ng isang magnanakaw sa kalye. Ano ang dapat mong gawin sa sitwasyong ito?
Ipagbigay alam ito sa pulis upang mahuli ang snatcher.
Hahabulin ang snatcher at hulihin upang mabawi ang bag.
Hayaan na lamang ito upang hindi na madamay sa insidente.
Ipaabot na lamang ang pakikiramay sa nanakawan sa insidente.
Nakita mong umiiyak ang iyong bagong kamag-aral. Binubulas ito ng iyong mga kaklase dahil sa kakaiba nitong itsura. Ano ang una mong dapat gawin sa sitwasyon?
Hayaan na lamang sila upang hindi madamay.
Magsumbong sa magulang ng biktima upang pumunta ito sa paaralan.
Isumbong ito sa guro o guidance counselor at hayaan silang humarap dito.
Kausapin ang mga kaklase at pagsabihan na hindi magandang katangian ang pambubulas ng kamag-aral.
Piliin ang Tsek kung ang pahayag ay dapat iparating sa kinauukulan at Ekis kung hindi.
Pinapabayaan si Ren ng kaniyang mga magulang na magpalaboy-laboy sa kalsada at hindi pinag-aaral.
Piliin ang Tsek kung ang pahayag ay dapat iparating sa kinauukulan at Ekis kung hindi.
Pinapagalitan si Charlene ng kaniyang magulang dahil sa bagsak na grado.
Piliin ang Tsek kung ang pahayag ay dapat iparating sa kinauukulan at Ekis kung hindi.
Inagawan ng bag si Gaylene ng isang mandurukot.
Piliin ang Tsek kung ang pahayag ay dapat iparating sa kinauukulan at Ekis kung hindi.
Binubulas si Ian ng kaniyang kaklase dahil sa kakaiba niyang itsura.
Piliin ang Tsek kung ang pahayag ay dapat iparating sa kinauukulan at Ekis kung hindi.
Kinukupitan ni Dave ng pera ang kaniyang kaklase.
