wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Isip at Kilos Loob

Total questions: 10

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Pinayagan ka ng iyong ina na dalawin ang iyong kaibigan na si Jubert sa kanilang bahay. Ngunit pagdating mo doon, niyaya ka niyang pumunta sa bahay nila Anthony. Paano ka magdedesisyon?

a)

Tatawagan mo ang iyong ina at magpaalam na pupunta kayo sa bahay nila Anthony.

b)

Sasama ka ngunit hindi mo na sasabihin sa Ina

c)

Mananatli sa bahay nila Jubert kahit wala kang kasama

d)

Awayin si Anthony para hindi na magyaya

2.

Mahaba ang pila sa kantina at nakita ka ni John na malapit na sa unahan. Tinanong ka niya kung pwede ba siyang pumuwesto sa iyong likuran kahit may iba pang nakapila upang mapadali ang pagkuha niya ng pagkain. Ano ang iyong sasabihin?

a)

“Naku John, nakapila din kasi sila, hindi naman patas kung pasisingitin kita”

b)

“Ako nalang ang bibili ng pagkain natin, may utang na loob kana sakin ha?”

c)

“Sige, pero ilibre mo ako ha?”

d)

Balewalain nalang si John.

3.

May kinakain kang biskwit, nang maubos ito, wala kang makitang basurahan kaya’t sabi ng kaibigan mo itapon nalang ito sa iyong dinadaanan. Ano ang iyong gagawin?

a)

Magkunwaring hindi mo namalayan na nalaglag mo ang basura sa daan

b)

Sundin ang sinabi ng iyong kaibigan.

c)

Itago muna sa bag at itapon kapag makakita na ng basurahan

d)

Punitin sa maliit na bahagi at dahan-dahang ilaglag sa daan

4.

Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang tao ay tinaguriang hari ng kanyang mga kilos sa pamamagitan ng:

a)

gabay ng Diyos

b)

paglutas ng mga problema

c)

kanyang isip at kilos-loob

d)

Pagamit ng kanyang isip upang intindihin ang nagbabagong mundo

5.

Nagiging malaya ang isang kilos kapag ito ay nag-ugat sa

a)

kanyang isip at kaluluwa

b)

kanyang isip at kalooban

c)

kanyang isip lamang ngunit hindi sa kalooban

d)

kanyang kalooban lamang ngunit hindi sa isip

6.

Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos ayon sa kanyang kalikasang

a)

makabansa

b)

makakalikasan

c)

makatao

d)

makasaril

7.

Ang isip at kilos-loob ng tao ay may tungkuling:

a)

sanayin, di paunlarin at gawing ganap

b)

sanayin at di gawing ganap

c)

sanayin, paunlarin at gawing ganap

d)

gawing ganap

8.

Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:

a)

Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.

b)

Tama, dahil katulad ng tao ay nangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos, at dumami.

c)

Mali, dahil may mga bagay na taglay ng tao na wala sa hayop at halaman

d)

Depende sa sitwasyon

9.

Dahil sa pag-uwi mo ng gabi at hindi pagpapaalam sa iyong mga magulang, sinita ka nila at hiningan ng paliwanag. Takot kang sabihin ang totoo dahil baka lalo kang pagalitan. Ano ang iyong gagawin?

a)

Magkunwari kang masakit ang iyong ulo at gusto mo nang matulog.

b)

Huwag nalang pansinin ang magulang, mawawala rin ang galit nila

c)

Sabihin ang totoo sa magulang at humingi ng paumanhin

d)

Umiyak sa harap ng magulang at magpaawa upang hindi mapagalitan

10.

Nagmamadali kayong magkaibigan at malayo pa ang pedestrian lane kaya kahit may nakasulat na “Bawal Tumawid”, hinikayat ka ng iyong kaibigang tumawid parin sa daan. Ano ang iyong gagawin?

a)

Puntahan ang pedestrian lane kahit malayo, at doon na tumawid

b)

Samahan ang iyong kaibigan dahil naniniwala ka na ang tunay na magkaibigan ay hindi nagiiwanan

c)

Manghikayat ng iba pang studyante na tumawid kasama ninyo para marami kayo.

d)

Lumingon-lingon sa paligid at tumawid kung wala namang nagbabantay na pulis.