wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ang Pamahalaang Komonwelt

Total questions: 14

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang nahirang bilang pangulo ng pamahalaang Komonwelt?

a)

Claro M. Recto

b)

Manuel A. Roxas

c)

Manuel L. Quezon

d)

Sergio Osmena, Sr.

2.

Sino ang nahirang bilang pangalawang pangulo ng pamahalaang Komonwelt?

a)

Benito Legarda

b)

Claro M. Recto

c)

Pablo Ocampo

d)

Sergio Osmena, Sr.

3.

Paano isinaayos ng Administrasyong Quezon ang pamahalaan noong panahon ng kaniyang panunungkulan?

a)

Naghalal ng mga pinuno ng pamahalaan

b)

Ipinatupad ang reorganisasyong ng pamahalaan

c)

Pinatalasik ang mga tiwaling opisyal sa pamahalaan

d)

Binuwag ang mga departamento at kawanihan ng pamahalaan

4.

Paano tinugunan ng Administrasyong Quezon ang pangangailangan ng bansa?

a)

Binuksan ang Pilipinas sa malayang kalakalan

b)

Ipinagbawal ang pakikipagkalakalan sa Amerika

c)

Ipinag- utos ang pagtatatag ng mga kawanihan sa pamahalaan

d)

Pinahintulutan ang malawakang pagpasok ng mga kalakal ng Amerika sa bansa

5.

Bakit ipinag- utos ang pagtatatag ng Court of Industrial Relations?

a)

Upang matugunan ang usaping industriyal ng bansa

b)

Upang maisaayos ang Sangay Hudikatura ng pamahalaan

c)

Upang tulungan ang mga kapitalista sa mga inihaing kaso ng mga manggagawa

d)

Upang mapahusay ang hukuman na siyang susuri sa mga alitan ng mga manggagawa at kapitalista

6.

Bakit itinatag ng Rural Progress Administration of the Philippines?

a)

Upang paunlarin ang kabuhayan ng mga kapitalista

b)

Upang maisaayos ang kalagayan ng pamumuhay sa mga kabayanan

c)

Upang mapa- alis ang mga magsasaka sa kanilang mga lupain sa mga kanayunan

d)

Upang mapabuti ang kalagayan ng pamumuhay sa mga probinsya o kanayunan

7.

Paano nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na magmay- ari ng lupain sa bansa?

a)

Dahil sa pagpapatupad sa patakarang Homestead

b)

Dahil sa pagbebenta ng pamahalaan sa mga lupaing sakahan sa mababang halaga

c)

Dahil sa pamamahagi ng mga mayayamang kapitalista ng ilang parte ng kanilang mga lupang sakahan

d)

Dahil sa pagpapahintulot ng pamahalaan na hulugan ng mga magsasaka ang mga lupaing kanilang sinasaka

8.

Paano pinaunlad ng pamahalaang Komonwelt ang sistema ng edukasyon sa bansa?

a)

Ginawang libre ang edukasyong pamprimarya

b)

Ipinag- utos ang paggamit ng wikang Ingles sa paaralan

c)

Binigyang pansin ang pagtuturo ng kasaysayan ng Amerika

d)

Pamamahagi sa mga mag- aaral ng mga kagamitan para sa paaralan

9.

Ano ang naging saligan ng wikang pambansa ng Pilipinas?

a)

Cebuano

b)

Chavacano

c)

Ilokano

d)

Tagalog

10.

Paano pinaunlad ng pamahalaan ang sining at panitikan sa bansa?

a)

Pagpapasagawa ng mga patimpalak

b)

Pagbibigay pahintulot sa pagpasok ng mga awiting banyaga sa bansa

c)

Pamamahagi ng mga pangkultural na materyales mula sa iba't ibang bansa

d)

Pag- iimbita ng mga banyagang magtuturo ng mga makabagong paraan ng pagsusulat at pagpipinta

11.

Paano binigyang pansin ng Administrasyong Quezon ang seguridad ng bansa?

a)

Paglagda sa National Defense Act

b)

Pagtatag ng mga base militar sa bansa

c)

Pagbili ng mga makabagong kagamitang pandigma

d)

Paghingi ng tulong sa mga Amerikano upang maturuan ang mga Pilipino ng makabagong paraan ng pakikidigma

12.

Sino ang kauna- unahang babaeng nahalal bilang konsehal ng Maynila?

a)

Carmen Planas

b)

Elisa Ochoa

c)

Geronima Pecson

d)

Maria Katikbak

13.

Sino ang kauna- unahang babaeng naging kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas?

a)

Carmen Planas

b)

Elisha Ochoa

c)

Helena Benitez

d)

Magnolia Antonio

14.

Paano ganap na pinaunlad ng pamahalaang Komonwelt ang sistema ng Transportasyon sa bansa?

a)

Pagpapagawa ng mga linya ng tren

b)

Pagpapanatili ng mga lupang daanan

c)

Pagpapalawig sa paggamit ng kalesa sa bansa

d)

Pagbabawal sa mga mamamayan na gumamit ng mga automobile