wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Week 3 Quiz

Total questions: 11

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Pagsapit ng recess, nakita mong sinasaktan at pinagbabantaan ang iyong kaibigan ng inyong kaklase upang makuha ang kaniyang baon. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Tutulungan ang kaibigan upang awayin ang nananakit at nananakot sa kaniya.

b)

Hayaan na lámang sila dahil maaari kang madamay sa gulo nila.

c)

Ipagbibigay-alam ito sa guro upang mapagsabihan ang kaklaseng nambubulas.

d)

Bibigyan ng baon ang nambubulas upang ito ay tumigil na sa pananakit at pananakot.

2.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng isang kinauukulan maliban sa:

a)

Guro

b)

Pulis

c)

Bumbero

d)

Tanod

3.

Sa pagmamalasakit sa iyong kapwang sinasaktan, kinukutya, o binubulas, ano dapat ang una mong kailangan isaalang-alang?

a)

Ang nagkasala sapagkat dapat maparusahan siya sa maling ginawa

b)

Ang kapakanan ng biktima dahil siya ang higit na nangangailanagn sa sitwasyon.

c)

Ang sariling kaligtasan sapagkat maaaring ikaw ay malagay sa alanganing sitwasyon.

d)

Ang kapakanan ng iyong magulang sapagkat sila ang maaapektuhan kapag may nangyari sa iyong hindi kanais-nais.

4.

Nasaksihan mo ang pag-snatch ng bag ng isang magnanakaw sa kalye. Ano ang dapat mong gawin sa sitwasyong ito?

a)

Ipagbigay alam ito sa pulis upang mahuli ang snatcher.

b)

Hahabulin ang snatcher at hulihin upang mabawi ang bag

c)

Hayaan na lámang ito upang hindi na madamay sa insidente.

d)

Ipaabot na lámang ang pakikiramay sa nanakawan sa insidente.

5.

Nakita mong umiiyak ang iyong bagong kamag-aral. Binubulas ito ng iyong mga kaklase dahil sa kakaiba nitong itsura. Ano ang una mong dapat gawin sa sitwasyon?

a)

Hayaan na lámang sila upang hindi madamay

b)

Magsumbong sa magulang ng biktima upang pumunta ito sa paaralan.

c)

Isumbong ito sa guro o guidance counselor at hayaan siláng humarap dito.

d)

Kausapin ang mga kaklase at pagsabihan na hindi magandang katangian ang pambubulas ng kamag-aral.

6.

Napakahalaga na ikaw bílang batà ay marunong magbigay-alam sa kinauukulan tungkol sa kaguluhan o insidente at marunong kang magmalasakit sa kapwa na sinasaktan, kinukutya, o binubulas (bullying).

a)

Tama

b)

Mali

c)

Maaring Tama

d)

Depende sa sityasyon

7.

Isa sa pinakamagandang kaugalian nating mga Pilipino ay ang pagiging (a)   sa kapwa.

8.

Ang isang Pilipino ay hindi nagdadalawang isip na tumulong kapag may nangangailangan. Tinatawag rin itong pagmamalasakit sa kapwa.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Sa iyong pamayanan o kumunidad ay ang tagapagpatupad ng batas tulad ng pulis at mga opisyal at tanod ng barangay.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Sa sitwasyon na ikaw ay may magagawa upang makatulong, gawin mo ito tulad na lámang ng pagsaway sa iyong kamag-aral o kaibigan kapag nakita mong binubulas o sinasaktan niya ang inyong isa pang kamag-aral o kaibigan.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Sa mga pagkakataon naman na masaksihan mo ang isang insidente at maaari maglagay ito sa iyo sa mapanganib na sitwasyon tulad ng makasaksi ka ng isang pagnanakaw o pananakit o pambubogbog, ipagbigay-alam agad ito sa kinauukulan o nakakatanda.

a)

Mali

b)

Tama