Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 3 Reviewer

Total questions: 30

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

"Sabi nila may bagong kamag-aral daw kami. _____ ba ang bagong kaklase namin?"

a)

Ako

b)

Ikaw

c)

Sila

d)

Tayo

2.

"Ang pangalan ko ay Michael. _____ ay siyam na taong gulang."

a)

Ako

b)

Ikaw

c)

Siya

d)

Tayo

3.

"Ang tatay at nanay ko ay parehong guro. _____ ang nag-aalaga at nagpapaaral sa akin."

a)

Ikaw

b)

Siya

c)

Kayo

d)

Sila

4.

"Ang kapatid ko na si Melody ay apat na taong gulang/ _____ ay nasa kindergarten."

a)

Ikaw

b)

Siya

c)

Ako

d)

Tayo

5.

"Ikaw at ako ay magkaklase. _____ ay mga mag-aaral ni Ginoong Armes."

a)

Sila

b)

Tayo

c)

Kayo

d)

Kami

6.

"Pumasok na sa silid-aralan sina Jim at Mica. _____ ay ating mga kamag-aral."

a)

Kami

b)

Kayo

c)

Tayo

d)

Sila

7.

"Ako, si Jim, at si Mica ay magkakaibigan. Matagal na _____ magkakilala."

a)

kami

b)

kayo

c)

sila

d)

tayo

8.

"Nakita ko na magkausap kayo ni Lino. Magkakilala ba _____?"

a)

kami

b)

kayo

c)

tayo

d)

sila

9.

"Nariyan na si Ginoong Serafico. _____ ang ating guro sa Filipino."

a)

Siya

b)

Ako

c)

Ikaw

d)

Iyan

10.

"Magsisimula na ang klase. Mamaya na lang _____ mag-usap."

a)

sila

b)

kayo

c)

tayo

d)

kami

11.

"Ang haba na ng buhok mo. Kailan mo ipapagupit _____?"

a)

ito

b)

iyan

c)

iyon

d)

niyan

12.

"Pudpod na ang tsinelas na suot ko. Kailangan palitan ko na ang mga _____."

a)

ito

b)

iyan

c)

iyon

d)

niyan

13.

"Tingnan mo ang aso ng kapitbahay natin. Mukhang matapang _____."

a)

ito

b)

iyan

c)

niyon

d)

iyon

14.

"May nakita akong kalapati sa bubong. Nasaan kaya ang bahay _____?"

a)

nito

b)

niyan

c)

niyon

d)

iyon

15.

"Sino ang mag-ari _____ basketbol na hawak mo?"

a)

nito

b)

niyan

c)

niyong

d)

iyan

16.

"Ito ang bisikleta ni Joseph. May butas raw ang gulong _____."

a)

nito

b)

ito

c)

niyan

d)

niyon

17.

"Maganda ang relos na suot mo. Saan mo nabili _____?"

a)

ito

b)

iyan

c)

niyan

d)

nito

18.

"Sandali na lang ako. Tatapusin ko lang _____ ginagawa ko."

a)

itong

b)

iyang

c)

iyong

d)

nitong

19.

"Kanina ka pa diyan sa kotse. Ano ba ang sira ng makina _____?"

a)

nito

b)

niyan

c)

ito

d)

iyan

20.

"Nakita mo ba ang kapares _____ medyas na hawak ko?"

a)

nitong

b)

niyang

c)

niyong

d)

iyang

21.

Si Rodel ay masipag na manggagawa. Siya ay tinutularan ng kaniyang mga katrabaho.


Ano ang kailanan ng nakasalungguhit na panghalip panao?

a)

ISAHAN

b)

MARAMIHAN

22.

Ako, si Luisa, at si Teresa ay may isang maliit na negosyo. Nagtutulungan kami sa pangangasiwa ng aming negosyo.


Ano ang kailanan ng nakasalungguhit na panghalip panao?

a)

ISAHAN

b)

MARAMIHAN

23.

Sina Amelia, Joana, at Carmelita ay mahuhusay na manunulat. Sila ang napiling maging mga kinatawan natin sa gaganapin na timpalak.


Ano ang kailanan ng nakasalungguhit na panghalip panao?

a)

ISAHAN

b)

MARAMIHAN

24.

Paolo, nais ka raw makausap ni Ginoong Olarve. Ikaw ang isasama niya sa pagbili ng mga bagong kagamitan.


Ano ang kailanan ng nakasalungguhit na panghalip panao?

a)

ISAHAN

b)

MARAMIHAN

25.

Kayo ay matutuwa sa mga mang-aawit na darating mamaya!


Ano ang kailanan ng nakasalungguhit na panghalip panao?

a)

ISAHAN

b)

MARAMIHAN

26.

Magandang hapon po! Christian Torres po ang pangalan ko. Ako po ang magdadala ng keyk na ipinagawa ninyo.


Ano ang kailanan ng nakasalungguhit na panghalip panao?

a)

ISAHAN

b)

MARAMIHAN

27.

Dumating na ang mga serbidor, dala ang mga pagkain. Pakihatid sila sa kusina namin.


Ano ang kailanan ng nakasalungguhit na panghalip panao?

a)

ISAHAN

b)

MARAMIHAN

28.

Tayo ay maghahanda ng mga palamuti na magpapaganda sa okasyon.


Ano ang kailanan ng nakasalungguhit na panghalip panao?

a)

ISAHAN

b)

MARAMIHAN

29.

Alin sa mga panghalip panao ang may kailanang isahan?

a)

siya

b)

ikaw

c)

ako

d)

kami

30.

Alin sa mga panghalip panao ang may kailanang maramihan?

a)

sila at siya

b)

kami at kayo

c)

tayo at sila

d)

ikaw at ako