NEW
Font size
WorksheetsKahalagahan ng Hayop sa Tao
Total questions: 5
Worksheet time: 3mins
Ang mga hayop ba gaya ng aso, baboy, kabayo, kalabaw, at ibon ay mahalaga sa buhay ng tao? Bakit?
Opo, dahil nakakatulong sila sa mga tao sa iba’t-ibang paraan
Opo, dahil mga hayop sila
Opo, dahil pwede natin silang kainin lahat
Hindi po, dahil hindi sila mahalaga sa mga tao
Anong hayop ang nakakatulong sa mga magsasaka para mapadali ang pag- aararo nila sa bukid?
aso
kambing
kalabaw
kamelyo
Dahil sa dami ng pasahero ay naisipan na lamang ni Ruth na sumakay sa kalesa ng kabayo upang hindi mahuli sa trabaho. Anong kahalagahan ang naidulot ng kabayo sa pangungusap na ito?
nagbibigay ng pagkain
nakakatulong sa alternatibong transportasyon
nakakapagpaganda ng kapaligiran
nakakatulong sa pagpapabilis ng trabaho/gawain
Nagkatay ng baboy ang pamilya Santos para sa salo-salong gaganapin ng barangay sa darating na pista. Anong kahalagahan ng hayop sa pangungusap na ito?
nagbibigay ng pagkain
nakakatulong sa transportasyon
nakakadagdag ng kagandahan sa kapaigiran
nakakatulong sa pagpapabilis ng trabaho/gawain
Ligtas sa magnanakaw ang bahay nila Rosalie dahil na rin sa pagbabantay ng kanilang aso na si Lassie. Anong kabutihang dulot ni Lassie sa buhay ng pamilya?
dagdag sa pinapakain ng pamilya
nagbabantay ng tahanan laban sa mga masasamang tao o magnanakaw
wala, dahil hindi naman ito mahalaga sa buhay ng pamilya
ang mga aso kagaya ni Lassie ay pinagkukunan din ng pagkain
