NEW
Font size
WorksheetsPagtataya sa ArPan Enero 21, 2021
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Siya ang Pilipinong heneral na namuno sa labanan sa Balangiga?
A. Heneral Antonio Luna
B. Heneral Gregorio del Pilar
C. Heneral Miguel Malvar
D. Heneral Vicente Lukban
2. Ang probinsyang sumasakop sa bayan ng Balangiga ay ang _______.
A. Davao
B. Pangasinan
C. Samar
D. Sarangani
3. Ito ang bilang ng tinatayang namatay na sundalong Amerikano na napatay ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa Balangiga?
A. mahigit tatlumpu
B. mahigit apatnapu
C. mahigit walumpu
D. mahigit isang daan
4. Kailan nangyari ang labanan sa Balangiga?
A. Setyembre 28, 1901
B. Oktubre 28, 1901
C. Nobyembre 28, 1901
D. Disyembre 28, 1901
5. Siya ang Amerikanong nag-utos upang patayin ang mga batang Pilipinong lalaking may edad sampu pataas?
A. Frederick Funston
B. George Dewey
C. Jacob Smith
D. William McKinley
6. Isang malagim na pangyayari sa Samar kung saan sinunog ng mga sundalong Amerikano ang bayan ng Balangiga.
A. Balangiga Massacre
B. Balangiga Festival
C. Kasunduan sa Balangiga
D. Kasunduan sa Paris
7. Ano ang ipinakitang tagumpay ng mga Pilipino sa paglaban sa Balangiga?
A. may modernong armas na ginamit
B. nagpakita ng pagiging makasarili
C. nagpakita ng kagitingan at pagkamakabayan makamit lamang ang kalayaan
D. patunay na may kakulangan sila sa pagkakaisa
8. Dapat bang bigyan ng pagpapahalaga ang ginawang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa ating kalayaan?
A. Hindi, dahil hindi naman kailangan
B. Hindi, dahil hindi naman uunlad ang bansa
C. Oo, dahil inialay nila ang kanilang lakas at buhay upang ipakita ang pagiging makabayan
D. Oo, para sumikat sila
9. Kung ikaw ay isang Pilipinong heneral noong panahon ng Digmaang Pilipino at Amerikano, paano mo haharapin ang mga Amerikanong nais sumakop sa ating bansa?
A. Hindi ko na lamang sila papansinin
B. Ipagtatanggol ko ang aking bayan kahit ikamatay ko pa
C. Makikipagkaibigan na lamang ako sa kanila
D. Wala akong gagawin dahil takot akong mamatay
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkamakabayan?
A. Ibubuwis ang buhay maipagtanggol lamang ang bayan
B. Lihim akong sasama sa sandatahang lakas ng ibang bansa
C. Mas pipiliin kong tumanggap ng trabahador na Tsino kaysa Pilipino
D. Pababayaan kong makapasok ng ilegal ang mga dayuhan sa ating bansa
