NEW
Font size
WorksheetsHakbang sa Pamamalansta
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
1. Punasan ang ilalim ng plantsa ng basang basahan bago ito painitin upang makasigurong wala itong kalawang o dumi na maaring dumikit sa damit.
TAMA
MALI
2. Ilagay sa pinakamataas na temperatura ang control ng plantsa ayon sa uri ng dapat na paplantsahin.
TAMA
MALI
3. Ihiwalay ang makakapal at maninipis na damit.
TAMA
MALI
4. Ibukod din ang mga pantalon, palda, polo, kamiseta, blouse, at iba pang damit.
TAMA
MALI
5. Padaganan nang ilang beses ang kabayo ng plantsa o plantsahan upang malaman kung sapat na ang init nito.
TAMA
MALI
6. Magplantsa sa lugar na walang maaabala at maliwanag. Siguraduhin na wasto ang gagamiting mga saksakan kung gagamit ng plantsang de-kuryente.
TAMA
MALI
7. Mamalantsa sa tanghali kung kailan malamig at mas maginhawa ang panahon upang makatipid sa kuryente.
TAMA
MALI
8. Tiyaking tuyo ang kamay bago isaksak ang plug ng plantsa. Ituon ang buong atensiyon sa ginagawa upang maiwasang masunog ang damit.
TAMA
MALI
9. Huwag iiwan ang pinaplantsa. Kung kailangang may gawing ibang bagay, tanggalin sa saksakan ang plantsa.
TAMA
MALI
10. Mahalagang sundin ang mga hakbang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi. Maging maingat sa lahat ng oras upang makaiwas sa sakuna.
TAMA
MALI
