wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

1. Puno at siksikan ang bus. May sumakay na matandang putol ang isang kamay.

a)

Bibigyan ko ng upuan ang matanda at ako na lamang ang tatayo.

b)

Hindi ko na lamang siya papansinin.

c)

Pagsasabihan ko na hindi na siya dapat sumakay dahil puno na.

d)

Sasabihin ko sa drayber na huwag pasakayin ang matanda.

2.

Nag-iisa ka lamang sa bahay nang may kumatok sa inyong pintuan at nanghihingi ng limos. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Aabutan ko siya ng pagkain o pera mula sa bintana ngunit titiyakin kong sarado ang pintuan.

b)

Hindi ako sasagot.

c)

Sasabihin kong wala ang mga magulang ko at nag-iisa lamang ako

d)

Sisigawan ko at paalisin sa tapat ng aming bahay

3.

Alam mong may sakit na “epilepsy” ang isa mong kamag-aral at gusto niyang makipag kaibigan at makipag laro, ano ang gagawin mo?

a)

Tutuksuhin ko siya.

b)

Sasabihan ko ang mga kaklase ko na huwag namin siyang isama sa aming kwentuhan.

c)

Yayayain ko siyang maglaro sa mga larong hindi gaanong nakakapagod.

d)

Hindi ko na lang papansinin.

4.

Nagmamadali ka dahil mahuhuli ka sa klase. Nagkataong nakita mong nadapa ang isang mag-aaral na pilay at nagkalat ang kanyang gamit.

a)

Hindi ko papansinin ang aking nakita dahil ayokong mahuli sa klase.

b)

Tutulungan ko muna siya at kung mahuli man ako sa pagpasok ay sasabihin ko sa aking guro ang dahilan.

c)

Tutulungan ko ang nadapa kung siya’y kilala ko.

d)

Sasabihan ko na mag-ingat siya lagi sa paglakad at pagkatapos ay iiwanan ko na siya.

5.

Namamasyal kayong mag-anak sa isang parke. Nakakita kayo ng mga grupo ng bulag na umaawit at nanghihingi ng limos.

a)

Pagtatawanan sila.

b)

Pandidirihan sila

c)

Lilimusan sila

d)

Hindi na lang papansinin.

6.

Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan sa inyong paaralan. Nakita mo na ang kaklase mong pilay ay nakatayo lamang sa may unahan ng bulwagan dahil wala ng bakanteng upuan. Ano ang gagawin mo?

a)

Titingnan ko siya at pagtawanan dahil wala siyang upuan

b)

Lalapitan ko siya upang ibigay ang aking upuan

c)

Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko siyang nakatayo

d)

Magpapanggap akong di ko siya nakita.

7.

Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagpapakita ka ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan?

a)

Nahihiya

b)

Masaya

c)

Nalulungkot

d)

Wala sa nabanggit

8.

Anong ugali ang ipinakikita mo sa pagtulong sa mga matatanda na may kapansanan sa pagtawid sa daan?

a)

Kagandahang-loob

b)

Pagkamatulungin

c)

Pagkamagalang

d)

Katapatang-loob

9.

Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi masyadong naunawaan ng iyong mga kaklase ang kanyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Sasabihin ko na umupo na lamang siya

b)

Pagtawanan namin dahil hindi maintindihan ng buong klase ang sinabi niya

c)

Gagayahin siyang magsalita at aasarin

d)

Tatayo ako at uulitin ang sagot niya upang maunawaan ng mga kaklase ko

10.

Sa paglalaro ninyo ng iyong mga kaibigan, hindi sinasadyang natamaan mo ng bola ang batang may saklay, ano ang gagawin mo?

a)

Susuntukin ang batang may saklay

b)

Aasarin lalo ang batang may saklay

c)

Tutulungang makatayo at hihingi ng paumanhin

d)

Hindi kikibo at hahayaan na lamang ang batang may saklay.

11.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may kapansanan?

a)

Pagtulong sa pagtawid sa kalsada

b)

Hindi pagpansin sa kapit-bahay na pilay.

c)

Pagtawanan ang taong may bingot

d)

Pag-bubully sa taong may kapansanan.

12.

Ang iyong kaklaseng may kapansanan ay umiiyak sa tindi ng sakit ng kanyang ngipin. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Pabayaan lamang siyang umiyak

b)

Pagtawanan ang kaklaseng masakit ang ngipin

c)

Bigyan ng tsokolate ang kaklase upang lalo pang sumakit ang ngipin.

d)

Samahan siyang magpunta sa dentista ng paaralan upang magamot ang sumasakit na ngipin

13.

Pumunta ka sa tindahan at naabutan mong bumibili ang kapit-bahay mong pipi. Hindi maintindihan ng tindera kung ano ang

kaniyang binibili. Nagkataong marunong ka sa sign language. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Panoorin lang ang kapitbahay na pipi

b)

Ipaliwanag sa tindera ang nais bilhin ng kapitbahay na pipi

c)

Pagtawanan ang kapitbahay na pipi

d)

Paalisin ang kapitbahay na pipi sa harap ng tindahan.

14.

Kaarawan ng iyong kaklase at ikaw ay dumalo sa kaniyang handaan. Nakita mo doon si Tina ang batang bulag na iyong kababata. Narinig mo na gusto niyang uminom ng juice ngunit hind siya pinapansin ng may hawak nito. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Tatayo at kukuha ng juice upang ibigay sa kababata kong bulag.

b)

Bibigyan ng juice at papatirin ang kababatang bulag upang madapa

c)

Pagtawanan ang kababatang bulag

d)

Hindi na lang papansinin ang kababatang bulag

15.

Magkasama kayo ng nanay mo sa pagtawid sa kalsada. Hinihintay ninyo ang signal ng pagtawid . Nakita mong papatawid din ang isang batang pilay. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hahayaan lang ang batang pilay na tumawid mag-isa

b)

Itutulak ang batang pilay pag naging berde ang ilaw trapiko

c)

Hindi papansinin ang batang pilay

d)

Aakayin at isasabay ang batang pilay sa pagtawid.