NEW
Font size
WorksheetsModyul 6.2: Pagtataya ng Aralin
Total questions: 10
Worksheet time: 7mins
Ang sumusunod ay mga sangkap ng pakikipagkaibigan maliban sa:
presensiya
paggawa ng bagay na magkasama
pagtatampuhan paminsan-minsan
. pag-aalaga
Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na pagkakaibigan?
pagpapayaman ng pagkatao
simpleng ugnayang interpersonal
. pagpapaunlad ng mga kakayahan
pagpapabuti ng mga personalidad
Ang sumusunod ay kahalagahan ng mga mabuting pakikipagkaibigan maliban sa:
Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kung hindi isang pagbabahagi ng sarili.
Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensiyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba.
Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon.
Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin.
Matagal nang inuunawa ni Lyka ang pagiging palaasa ni Jovelle. Madalas sa klase si Lyka ang kinokopyahan ng mga takdang-aralin ng kaibigan. Minsan, sinabi nito kay Jovelle na mas makabubuting pagaralan niya na gawing mag-isa ang mga proyekto at iba pang gawain sa klase ngunit hindi parin niya ito ginawa. Kaya nagpasiya si Lyka na hindi na siya magpapakopya sa kaibigan. Mula noon hindi na siya pinansin ni Jovelle. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinakita ni Jovelle?
Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan.
Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan.
Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
Pagkakaibigang nakabatay sa kakayahang Interpersonal
Ang mga sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao maliban sa:
Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili.
Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan.
Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan.
Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng obserbasyon sa sariling ugnayan at ugnayan ng iba.
Ito raw ang batayan ng kabutihan at pagmamahal ng magkaibigan.
Pagpapatawad
Pagiintindi
Pag-aalaga
Pagbibigay
Ito ay nangangahulugang pagtulong sa kanyang kaibigan sa kaniyang pag-unlad o paglago.
Katapatan
Presensiya
Pag-aalaga
Pagiging maalalahanin
Ang mga sumusunod ay tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle maliban sa:
Pagkakaibigang nakabatay sa kagandahan
Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
Pagkakaibigang nakabatay sa kasiyahan
Ang pagkakaibigan ay lumalago dahil sa ___________ ng isa’t-isa.
pagpapatawad
katapatan
presensiya
ugali
Ito ay kakayahang maghalaga ng lihim.
Confidentiality
Congeniality
Conspiracy
Community
