wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Alamat

Total questions: 10

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay pasalitang anyo ng panitikan na nagsimula bago dumating ang mga mananakop, nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigidig.

a)

alamat

b)

salawikain

c)

epiko

d)

pabula

2.

Ang salitang Latin na legendus ay nangangahulugang ____________.

a)

mapakinggan

b)

maisulat

c)

mabasa

d)

makalikha

3.

Ang sumusunod ay mga paksa na tinatalakay sa alamat. Alin ang HINDI kabilang dito?

a)

mga hindi pangkariniwang pangyayari

b)

mga hayop ang pangunahing tauhan

c)

nagtataglay ng mga kababalaghan

d)

pumapaksa sa mga kaugalian, katutubong kultura at kapaligiran

4.

Saang bahagi ng akda matatagpuan ang pangungusap na ito: “Noong unang panahon sa bayan ng Dumangas, sa lalawigan ng Iloilo ay nakatira ang isang matandang mangingisda na may pitong anak na dalaga”.

a)

simula

b)

gitna

c)

kasukdulan

d)

wakas

5.

Ayon sa binasang alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan, ano ang katangian ng mga dalaga na labis na hinangaan ng bawat makakita sa kanila?

a)

masisipag

b)

mababait

c)

magaganda

d)

matatangkad

6.

Ito ang ginawa ng mga dalaga na ikinasama ng loob ng kanilang ama.

a)

Ang mga dalaga ay nagsinungaling sa kanilang ama.

b)

Ang mga dalaga ay naghiganti sa kanilang ama.

c)

Ang mga dalaga ay hindi kumikilos para gumawa ng gawaing bahay.

d)

Ang mga dalaga ay sumuway sa payo ng kanilang ama.

7.

Batay sa nabasang pangyayari, ano ang nahihinuhang kaligirang pangkasaysayan ng alamat?

a)

Ang Isla de los Siete Pecados ay nasa pagitan ng isla ng Dumangas at isla ng Guimaras.

b)

Ang Isla de los Siete Pecados ay nabuo nang dahil sa sama ng loob ng ama sa kaniyang pitong anak.

c)

Ang Isla de los Siete Pecados ay isang paalala sa kasalanang ginawa ng pitong suwail na dalaga.

d)

Lahat ng nabanggit

8.

Ito ay isang halimbawa ng alamat.

a)

Si Pagong at si Matsing

b)

Bakit maalat ang tubig ng dagat?

c)

Si Pilandok at Datu Usman

d)

Ang Mabuting Samaritano

9.

"May tumubong halaman sa lugar kung saan ibinaon ang kamay ni Aging, may bunga na hugis kamay. Kaya tinawag nila itong puno ni Aging at sa kalaunan ay naging Saging. Anong bahagi ito ng alamat?

a)

Simula

b)

Pataas na Aksiyon

c)

Kasukdulan

d)

wakas

10.

Ang alamat ay lumaganap at umabot sa ating henerasyon dahil sa __________.

a)

pasalindila

b)

pagbabasa

c)

paglalaro

d)

pakikinig