NEW
Font size
WorksheetsUCCP Hope Bible Quiz Bee (G456)
Total questions: 20
Worksheet time: 16mins
Anong parte ng katawan ni Samson ang pinagmumulan ng kanyang lakas na galing sa Diyos?
paa
kamay
buhok
mata
Ilang araw at gabi pinaulan ng Diyos ang daigdig habang si Noah at kanyang pamilya ay nasa arko?
30
40
50
60
Ano ang pinakahuling aklat sa Bibliya?
Exodus
Santiago
Pahayag
Genesis
Sino ang nagsabi kay Jacob na hindi siya dapat magpakasal sa sinumang babaeng mula sa Canan?
Esau
Isaac
Laban
Moses
Ang mag-anak ni Jacob ay tinawag na mga _____________.
Paraon
Saserdote
Griyego
Israelita
Ang Canan ay lupang ___________.
pinagpala
walang naninirahan
sagana sa pananim
pangako
Ayon sa talinhagang “Ang Mayamang Lalaki at si Lazaro” na ikinuwento ni Hesus sa mga lider ng templo, kanino dinala ng mga anghel ang pulubi noong namatay ito?
Moises
Abraham
Jose
Jacob
Ano ang ipinadala ng Diyos habang nakasakay sa sasakyang-pandagat si Jonas?
malakas na lindol
malakas na alon
malakas na sigaw
malakas na bagyo
Alin sa sumusunod na pangalan ang HINDI kabilang sa mga anak ni Noe?
Abram
Ham
Sem
Japet
Ano ang pangalan ng haring nagpatapon sa tatlong kaibigan ni Daniel sa naglalagablab na pugon dahil sa hindi nila pagsamba sa rebulto niyang ginto?
Haring Dario
Haring Nebucadnezar
Haring Saul
Haring Belsazar
Alin sa sumusunod na pangalan ang HINDI kabilang sa tatlong kaibigan ni Daniel na ipinatapon sa naglalagablab na pugon?
Shadrac
Meshac
Xerxes
Abednego
Ano ang dating hanapbuhay nina Pedro at Andres bago sila tinawag ni Jesus na sumunod sa Kanya?
magsasaka
mangingisda
pastol ng tupa
maniningil ng buwis
Sino ang nagturo ng panalanging "Ama Namin"?
Pablo
Jesus
Moises
Pedro
Ano ang dating pangalan ni apostol Pablo?
Mateo
Andres
Saul
Bartolome
Ano ang pangalan ng kapatid nina Marta at Maria na binuhay ni Jesus mula sa patay?
Tadeo
Zacarias
Jairus
Lazaro
Ano ang ginawa ni Jesus sa kanyang mga disipulo sa Huling Hapunan?
binuhusan ng mamahaling pabango
hinugasan ang kanilang mga paa
pinunasan ang kanilang mga kamay
binigyan sila ng malinis na damit
Sino ang disipulong ipinagkaila nang tatlong beses si Jesus nung siya ay tanungin kung kilala ba niya si Jesus?
Mateo
Juan
Pedro
Judas
Sino ang sumulat ng aklat ng Pahayag?
Pablo
Juan
Pedro
Santiago
Nananatili siyang tapat sa Diyos sa kabila ng sunod-sunod pagsubok kagaya ng pagkamatay ng kanyang mga anak, pagkawala ng kanyang mga aria-arian, at pagkakaroon ng sakit sa balat. Sino siya?
Job
Jonas
Isaias
Cain
"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na _____________." (Juan 3:16)
mahaba at makabuluhan
kasiya-siya
walang hanggan
makulay
