WorksheetsMasusi at Matalinong Pagpapasiya para sa Kaligtasan-EsP 5
Total questions: 12
Worksheet time: 11mins
Alin sa mga sumusunod ang angkop na kahulugan ng kaligtasan?
Ito ang kondisyon ng walang problema at hirap sa buhay.
Ito ang kondisyon ng ating masusi at matalinong pagpapasiya.
Ito ang kondisyon ng pagiging matatag na walang kinatatakutan.
Ito ang kondisyon ng pagiging protektado laban sa iba’t ibang kahihinatnan ng anumang hindi kanais-nais na kaganapan.
Ang mga sumusunod ay mga alituntunin sa pag-iingat sa sunog MALIBAN sa?
Laging maglagay ng gamit malapit sa stove o heater.
Laging patayin ang mga bagay na may apoy o nag-iinit.
Huwag paglaruan ang anumang bagay na maaaring mag sanhi ng sunog.
Huwag isaksak ang maraming de-kuryenteng gamit sa iisang outlet lamang.
"Ang kaligtasan ay siyang tungo sa ating kaunlaran". Ano ang ibig sabihin nito?
Kung tayo ay ligtas, tayo rin ay maunlad na.
Kung tayo ay ligtas, malayo na tayo sa kapahamakan na siyang nagpapakita ng ating kaunlaran.
Kung tayo ay ligtas, tayo'y makakagalaw ng maayos para sa ikauunlad ng bawat isa sa atin maging ang ating bansa.
Kung tayo ay ligtas, hindi na natin kailangang sumunod sa mga alituntunin dahil tayo'y maunlad na rin.
Nalaman ni Jasmine na mayroong paparating na mapinsalang bagyo kaya naman siya ay nanatili lamang sa loob ng kanilang bahay at umantabay sa mga balita. Hindi naman siyang nagdalawang isip kaya naman siya ay naghanda para dito. Tama kaya ang ginawa ni Jasmine na aksyon?
Tama, dahil ito ay paraan upang siya ay maging masipag sa bahay.
Tama, dahil ito ay paraan upang siya ay maging ligtas na tutungo para sa kaunlaran.
Mali, dahil hindi siya naghintay sa mga balita o anunsyo sa kanilang lugar upang gawin ito.
Mali, dahil sa kaniyang ginawa, siya ay nagpapakita lamang ng takot at hindi pagiging kalmado.
Ang pagsunod sa mga alituntunin at mga paalala ay para rin sa ating kaligtasan at kaunlaran. Alin sa mga sitwasyon na ito ang HINDI nagpapakita ng pagsunod sa mga ito?
Inalam ni Joey ang mga numero na maaaring tawagan sa oras ng sakuna.
Ang mga sinampay ay inalis ni Camie malapit sa kalan upang ito'y hindi magsanhi ng sunog.
Ang pamilya ni Maxi ay hindi nagpaiwan sa kanilang bahay at kusang sumama sa mga awtoridad upang magtungo sa evacuation center.
Nakita ni Katkat na naiwang nakabukas ang apoy sa kalan nila, ngunit natakot siyang patayin ito kaya't hinayaan na lamang niya.
Ano ang mga katangian na nagpapakita ng para sa kaligtasan at kaunlaran?
Mahusay at Tamang Pagpapasiya
Masusi at Masayang Pagpapasiya
Masusi at Matalinong Pagpapasiya
Mahusay at Maayos na Pagpapasiya
Nakita ni Alma na naiwan ng kaniyang nanay na nakasaksak ang plantsa. Kaya agad niya itong tinanggal sa saksakan upang hindi na mag sanhi pa ng kahamakan. Ano ang ipinakitang katangian sa aksyon ni Alma mula sa sitwasyon?
Pagiging handa
Pagiging alisto
Pagiging maingat
Lahat ng nabanggit
Nabalita na maaaring magkaroon ng mga aftershocks ang naunang 5.4 intensity na lindol sa inyong lalawigan. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin?
Matutulog na lamang
Magpa-plano ng paghahanda
Hindi papansinin ang balita
Hintayin na lamang ang afterschoks
Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan at kaunlaran?
Si Lucas na inaalam ang mga bagay upang makaiwas sa sunog at mga dapat gawin kung may kalamidad.
Si Jackie na pinaglaruan ang posporo at saka naghanda ng ga pangunahing pangangailangan sa oras na kalamidad.
Si Stacey na nanuod ng mga teleserye sa telibisyon at inalam ang mga numero na maaaring tawagan sa oras ng sakuna.
Si Marie na nagligpit ng mga bagay na maaaring mag sanhi ng sunog at naghintay pa ng tumaas lalo ang baha bago tumungo sa evacuation center.
Nalaman mo na ang iyong matalik na kaibigan ay hindi pinapansin ang mga alituntunin sa sunog at mga paalala kung may kalamidad. Ano ang iyong gagawin?
Ito'y aking hindi na papansinin at kakaibiganin.
Ito'y aking pababayaan na lamang at hindi na ito ibahahagi.
Ito'y aking pagsasabihan at aawayin dahil hindi niya ito pinapansin.
Ito'y aking patuloy paring ibabahagi upang mas lalo niyang maintindihan.
Bilang isang mag-aaral, ikaw ba ay nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpasiya para sa kaligtasan? Gaano ito kadalas? Ipaliwanag.
Bilang isang mag-aaral, ipaliwanag kung bakit mahalaga ang masusi at matalinong pagpapasiya para sa ating kaligtasan at kaunlaran.
