wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Modyul 6 Likas na Batas Moral

Total questions: 10

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

1. Ito ang kakayahang kumilala ng mabuti o masama.

a)

a. Konsensiya

b)

b. Puso

c)

c. Dignidad

d)

d. Damdamin

2.

2. Ang sumusunod ay katangian ng konsensiya maliban sa:

a)

a. Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa.

b)

b. Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat iwasan.

c)

c. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.

d)

d. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.

3.

3. Ang Likas na Batas Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura, lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugang ang Likas na Batas Moral ay:

a)

a. Obhektibo

b)

b. Walang hanggan

c)

c. Unibersal

d)

d. Di nagbabago

4.

4. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensiya?

a)

a. Mapalalaganap ang kabutihan

b)

b. Makakamit ng tao ang tagumpay

c)

c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan

d)

d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan

5.

5. Ito ay pang-unawa ng tao sa kung ano ang mabuting dapat gawin at masamang dapat iwasan.

a)

a. Batas

b)

b. Likas na Batas Moral

c)

c. Isip

d)

d. Puso

6.

6. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama.

a)

a. Batas Trapiko

b)

b. Likas batas moral

c)

c. Universal na batas

d)

d. Batas

7.

7. Sa tulong ng konsensiya, nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa hindi ginawa. Ang pahayag ay:

a)

a. Mali, sapagkat ang konsensiya ay hindi tumatayong testigo at hindi nagpapatunay sa kilos na ginawa o hindi ginawa ng tao.

b)

b. Tama, sapagkat ang konsensiya ay tumatayong testigo sa pagkakataong ito sapagkat nagpapatunay ito sa kilos na ginawa o hindi ginawa ng tao.

c)

c. Tama, sapagkat ang konsensiya ay pumupukaw sa tao upang magpaalala ng dapat at hindi dapat gawin.

d)

d. Mali, sapagkat ang konsensiya ay hindi naman pumupukaw sa tao upang magpaalala ng dapat at hindi dapat gawin.

8.

8. Sa tamang pagpapasiya, hindi na kailangan ang paghuhusga ng konsensiya. Ang pahayag ay:

a)

a. Tama, sapagkat may isip naman ang tao upang magpasiya.

b)

b. Mali, sapagkat mahalaga ang paghuhusga ng konsensiya sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ito ng mabuting bunga.

c)

c. Tama, sapagkat may puso naman ang tao upang magpasiya.

d)

d. Tama, sapagkat nariyan naman ang mga magulang upang magpasiya para sa ito.

9.

9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang konsensiya.

a)

a. Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay tama lamang kung nasa hustong gulang na

b)

b. Sobra ang sukli na natanggap ni Ronald nang bumili siya ng pagkain sa tindahan kaya isinaoli nya ang sobrang sukli.

c)

c. Upang hindi mapagalitan si Milo ng kanyang ina, hindi niya sinabi na siya ang nakabasag ng plato.

d)

d. Alam ni Jose na nangopya lang sa pagsusulit si Wilfred dahil kaibigan nya ito hindi n nya ipinaalam sa kanilang guro.

10.

10. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man).

a)

a. Obhetibo

b)

b. Walang hanggan

c)

c. Unibersal

d)

d. Immutable