NEW
Font size
WorksheetsM7 Pre Test
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ang mga sumusunod ay ayon sa aklat na “ Work: In The Channel of Values Education” maliban sa:
Ang paggawa ay isang aktibidad ng tao.
Ang paggawa ay maaaring mano-mano.
Ang paggawa ay isang tungkuling kailangang isagawang may pananagutan.
Ang paggawa ay maaaring nasa larangan ng ideya.
Ang mga sumusunod ay nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa maliban sa:
Si Antonio Meloto na iniwan ang kaniyang trabaho upang simulan ang Gawad Kalinga.
Si Manny Pacquiao na nagpapakadalubhasa sa larangan ng boxing.
Si Lea Salonga na patuloy na nagiging aktibo sa iba’t-ibang gawain sa loob at labas ng bansa.
Si Ronaldo na isang negosyante ay nag-iimport ng mga produktong banyaga at iniluluwas sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa?
Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa.
Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot sa ating kapuwa.
Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapuwa.
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa:
Si Teacher Jocel ay matagal nang nagtuturo, sa kabila ng kanyang edad ay napananatili niya ang kanyang husay at dibosyon sa pagtuturo.
Si Karl ay isang magaling na Doktor. Ang lahat ng kanyang libreng oras ay inilalaan niya sa pagpapakadalubhasa sa kaniyang napiling propesyon.
Si Jocelyn ay napilitang tumira sa kaniyang malayong kamag-anak upang maging kasambahay upang makapagpatuloy siya sa pag-aaral.
Si Sofia ay isang batang nagtitinda ng iba’t-ibang kakanin. Maaga siyang gumigising tuwing umaga upang makapagtinda at pagkatapos nito ay kailangan niyang pumasok sa paaralan.
Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan sa paggawa?
Isang gawain na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain.
Anumang gawang makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
Isang gawa ng tao ang palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kanyang kapwa.
Resulta sa pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.
Ang tao ay gumagawa upang kumita ng salapi na kaniyang kailangan na tutugon sa kaniyang pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama.
Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
Mas mahalagang isipin na tugunan ang pangangailangan ng iba bago ang sarili.
Hindi dapat na pera lang ang tanging layunin sa paggawa.
Ano ang kahulugan ng pahayag na: Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.
Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kaniyang kaganapan.
Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa lamang niya ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniyang kapuwa.
Kapuwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
Ang mga sumusunod ay ang panlipunang dimensiyon ng paggawa maliban sa:
Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga nilikha ng kapwa.
Ang paggawa ay para sa kapuwa at kasamang kapuwa.
Ang paggawa ay paggawa o paglikha ng isang bagay para sa iba.
Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikiangkop sa ating kapuwa.
Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng tao sa paggawa?
Upang tulungan ang mga nangangailangan.
Upang kitain ang salapi na kailangan.
Upang mapaunlad ang gawain.
Upang higit na magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral.
Ang naging epekto sa pagiging produktibo ng tao gawa ng pag-unlad ng Agham at Teknolohiya ay:
Nababago na ang tunay na kahulugan ng paggawa.
Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
Mas mababawasan ang halagang isang produkto dahil hindi ito nahahawakan ng tao.
Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain.
Ano ang obheto ng paggawa?
Mga taong gagamit ng produktong nilikha.
Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto.
Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Kakayahang kailangan ng tao upang makalikha ng isang produkto.
Ang tunay na halaga ng paggawa ay nakikita sa ______________.
Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.
Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto.
Sa kalidad ng produkto na nilkiha ng tao.
Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
Ang mga sumusunod ay kahulugan nitong pahayag na “Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan.":
Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong sa kaniyang kapuwa.
Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
Kailangang gumawa ang tao upang tumugon sa tawag ng tungkulin.
Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kapuwa.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamataas na layunin ng paggawa?
Ang pagbuo ng kaniyang kaganapan bilang tao.
Ang pagkita ng salapi na tutugon sa lahat ng kaniyang pangangailangan.
Ang makatugon sa panawagan ng Diyos.
Ang mabuhay sa mundo upang gumawa.
Alin sa mga sumusunod ang hindi makakamit ng tao sa paggawa?
Nakakayanan niyang suportahan ang kanyang pangangailangan.
Napatataas ang tiwala sa sarili.
Nabibigyang dangal ang kaniyang pagkatao.
Makapagbabahagi ng yaman sa kapuwa.
