wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Modyul 13: Pagsasanay sa Pang-abay

Total questions: 6

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Isang hindi malilimutang Pasko at Bagong Taon ang naranasan ko dahil sa naganap na pandemyang COVID-19. Ang mga batang tulad ko ay pinagbawalang lumabas ng bahay kaya ________________ maraming pamilya ang ipinagdiwang ang mga okasyong ito sa kakaibang paraan.

a)

dahan-dahang

b)

talagang

c)

hindi

d)

bukas

2.

________________ , nagpapatugtog ako ng masasayang tugtuging Pamasko. Sa ganitong paraan, naaalalang kong panahon na ng Pasko at malapit nang sumapit ang bagong taong 2021.

a)

Araw-araw

b)

Totoong

c)

Wala

d)

Malakas

3.

Sa kasamaang palad, ________________ rin ako maaaring pumunta sa simbahan para dumalo sa simbang-gabi. Gamit ang internet, nanood na lamang ako ng mga misa na naka-livestream online.

a)

siguro

b)

hindi

c)

taimtim

d)

lagi

4.

Hinanap-hanap ko rin ang kasiyahang dulot ng aming mga nakalipas na reunion. Hindi ko man nakasama ang aking lolo, lola, tiyo, tiya at mga pinsan, nagkita-kita pa rin kami sa isang nakatutuwang videocall ________________ .

a)

sa hinaharap

b)

marahil

c)

noong bisperas ng Pasko

d)

nang tahimik

5.

Sa okasyong ito, ganado akong kumain ng aming mga handang pagkain. ________________ iniluto ni Nanay ang aking mga paborito kaya naman nagpasalamat din ako sa biyayang ito.

a)

Wala

b)

Tunay na

c)

Sa mesa

d)

Buong pusong

6.

Kung magkakaroon na ng epektibong bakuna laban sa COVID-19, ________________ may pag-asa nang bumalik sa dati ang pamumuhay ng mga tao at makapagdiriwang na muli ng Pasko at Bagong Taon nang walang inaalalang pangamba.

a)

marahil

b)

tunay na

c)

sa kasalukuyan

d)

hindi