wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Maikling Kuwento (Q2 M4)

Total questions: 20

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

Isang akdang pampanitikan na likha ng maguni-guning imahinasyon

na hango sa tunay na pangyayari sa buhay.

a)

Dula

b)

Maikling Kwento

c)

Nobela

d)

Tula

2.

Umiikot ang buong kuwento sa pagkatagni-tagni ng mga pangyayari mula sa simula patungo sa saglit na kasiglahan hanggang sa kasukdulan at kakalasan.

a)

Kuwento ng Kaisipan

b)

Kuwento ng Katutubong Kulay

c)

Kuwentong Makabanghay

d)

Kuwento ng Talino

3.

Namamayani sa ganitong kwento ang tagpuan. Binibigyang diin dito ang kapaligiran at pag-uugali ng mga tao sa isang kalagayan o lugar.

a)

Kuwento ng Kaisipan

b)

Kuwento ng Katutubong Kulay

c)

Kuwentong Makabanghay

d)

Kuwento ng Talino

4.

Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento.”

a)

Deogracias Rosario

b)

Edgar Allan Poe

c)

Lope K. Santos

d)

Severino Reyes

5.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa uri ng maikling kwento?

a)

Kuwentong Kaisipan

b)

Kuwento ng Katatawanan

c)

Kuwento ng Pag-ibig

d)

Kuwento ng Pakikipagsapalaran

6.

Ang mga sumusunod ay mga katangiang dapat taglayin ng isang mabisang talatang nagsasalaysay MALIBAN sa isa.

a)

Kinakailangang ang mga kaisipan nito ay nagtataglay ng kaisahan.

b)

May paglalarawan upang magkaroon ng kulay at buhay ang mga pangyayari.

c)

Nagbibigay diin sa mahahalagang pangyayaring isinasalaysay.

d)

Nagtataglay ng magandang pihit.

7.

Siya ang naglalahad o nagsasalaysay ng mga pangyayaring gumagamit ng panghalip panaong siya.

a)

Ikalawang Panauhang Pananaw

b)

Ikatlong Panauhang Pananaw

c)

Mala-Diyos na Pananaw

d)

Unang Panauhang Pananaw

8.

Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang talatang nagsasalaysay na isinasaalang-alang ng manunulat MALIBAN sa isa.

a)

May kaakit-akit na simula

b)

May magandang pamagatb. May magandang pamagat

c)

May maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

d)

May nakababagot na katapusan

9.

Ang pagbabasa ng maikling kuwento ay nakatutulong sa

mambabasa, maliban sa:

a)

Nagbibigay ito ng kabutihang-asal.

b)

Nagpapahamak dahil hindi tama ang nilalaman nito.

c)

Nagsisilbing gabay sa buhay.

d)

Napapalawak nito ang imahinasyon.

10.

Ito ay dapat na nagbibigay ng mga bagong kaalaman sa mga babasa o makikinig o kaya naman ay naiuugnay sa kanilang karanasan o kalagayan na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang pagkatao.

a)

May Maganda o Mabuting Pamagat

b)

May Mahalagang Paksa o Diwa

c)

May Wasto o Maayos na Pagkakasunod ng mga Pangyayari

d)

Wala sa nabanggit

11.

Ang tagapagsalaysay ng mga pangyayaring gumagamit din ng panghalip panaong “siya” o “sila” subalit sa pagkakataong ito, hindi lamang limitado ang kanyang pagsasalaysay sa nakikitang panlabas na kilos ng mga tauhan.

a)

Unang Panauhang Pananaw

b)

Ikalawang Panauhang Pananaw

c)

Ikatlong Panauhang Pananaw

d)

Mala-Diyos na Pananaw

12.

Ang talatang nagsasalaysay ay dapat nagtataglay ng mga sumusunod MALIBAN sa isa.

a)

Kinakailangang ang mga kaisipan nito ay nagtataglay ng kaisahan.

b)

Kinakailangang ito ay nagbibigay-diin sa mahahalagang

pangyayaring isinasalaysay.

c)

May mga palaisipang gigising sa diwa ng mambabasa

d)

May kasukdulan na siyang lumilikha ng pananabik sa bumabasa o nakikinig.

13.

Anong paningin o pananaw ang makikita sa ibaba?


Ilang pasko na bang tinititigan ko ang bawat anggulo nitong aking krismas tri? Pilit ko itong pinagaganda kahit alam kong wala namang ibang nakapupuna nito kundi ako.

Anim na piye, malalagong berdeng dahon. Pinalamutian ko ng mga mamahaling pulang bola at pulang mga poinsettia. Magkano na ba ang nagasta ko sa pagbili ng mga palamuting ito?

a)

Unang Panauhang Pananaw

b)

Ikalawang Panauhang Pananaw

c)

Ikatlong Panauhang Pananaw

d)

Mala-Diyos na Pananaw

14.

Ang karaniwang pagsasalaysay ay nag-uumpisa sa simula ng mga pangyayari na sinusundan ng mga gitnang pangyayari at pagkatapos ay wakas ng pangyayari.

a)

May Maganda o Mabuting Pamagat

b)

May Mahalagang Paksa o Diwa

c)

May Wasto o Maayos na Pagkakasunod ng mga Pangyayari

d)

Wala sa nabanggit

15.

Ang pangunahing tauhan sa Niyebeng Itim.

a)

Li Huiquan

b)

Lu Xiaofen

c)

Tiya Lou

d)

Hepeng Li

16.

Ang “Niyebeng Itim” ay anong uri ng maikling kwento?

a)

Kuwento ng Kaisipan

b)

Kuwento ng Katutubong Kulay

c)

Kuwentong Makabanghay

d)

Kuwento ng Talino

17.

Ano ang mahalagang mensahe ang nais iparating ng kwentong “Niyebeng Itim”?

a)

Maging mabuti at marangal na tao kahit inaapakan ka ng ibang

tao

b)

Hindi masamang umasa sa tulong ng ibang tao kapag

nangangailangan ka ng tulong

c)

Huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga pagsubok na

dumarating

d)

Sipag at tiyaga ang susi sa matagumpay na pamumuhay

18.

Anong bahagi ng kuwento ang binibigyang pansin ng pahayag sa ibaba?


Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, gora, switer at saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw

hanggang sa ito’y umungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung di niya nakitang halos apoy ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya ito titigilan. Sa gayon ay matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan.

(Mula sa Walang Panginoon ni Deogracias Rosario)

a)

Lugar

b)

Pangyayari

c)

Suliranin

d)

Tauhan

19.

Anong bahagi ng kwento ang binibigyang pansin ng pahayag sa ibaba?


“Unti-unti, sa paningin ko’y nagkakahugis ang isang mapanglaw at dahop na kapaligiran. Ang mga bahay na malalayo ang agwat, nagliliitan ang iba’y nakagiray na, pulos na yari sa kugon at kawayan ay waring nagsisipagbantang lumupasay sa anumang

sandali. Sa malayang hangin ay nagsasanib-sanib ang kahol ng mga aso, kakak ng mga manok at itik, unga ng kalabaw, langitngit ng nagtatayugang kawayan at pagaspas ng dahon.”

(mula sa Lugmok na ang Nayon ni Edgardo Reyes)

a)

Lugar

b)

Pangyayari

c)

Suliranin

d)

Tauhan

20.

"Nagugunita pa ng mga taga-Tulikan ang unang pagkakarinig nila sa pangalang Rosauro Santos. Isang trak ang unang naghatid ng pangalang ito sa Tulikan, trak na kinalululanan ng mga piko at pala. Ipinagtanong ng tsuper ng sasakyan ang bahay ang tininti sa nayon upang ihabilin dito ang mga kagamitan. Ang inhinyero ay kasunod na kinabukasan at sa bahay ng tininti nanuluyan. Hindi na nga naglaon at umalingasngas ang balitang nangingibig ang inhinyero sa anak ng tininti, kay Derang na lalabing-animing taon lamang.

(Halaw sa: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido Batungbakal)


Ano ang layunin ng may-akda sa paghahatid ng kaniyang kuwento?

a)

Ipakilala ang mga tauhan

b)

Ilarawan ang lugar at mga kaugalian

c)

Isalaysay ang mga pangyayari

d)

Maghatid ng mga aral