wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG ROMANO

Total questions: 15

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

1. Sumibol ang mga maliliit na bayan sa baybayin ng ilog Tiber gamit ang kanilang kaalaman sa pagsasaka at pag-aalaga ng hayop. Anong katangian mayroon ang baybay ilog na ito?

1. Mayroon itong matabang lupa

2. Maraming hayop ang makikita sa lugar

3. Likas na maraming halaman na makakain ang tumutubo

4. Mabato ang baybayin ng ilog

a)

A. 1 at 2

b)

B. 3 at 4

c)

C. 1 at 3

d)

D. 2 at 4

2.

2. Sang-ayon sa tradisyon ng mga Roman, matagumpay na naitaboy ang mga Etruscan at nagtayo ng Republika. Ano ang naging epekto nito sa lipunang Roman?

a)

A. Nakapili ang mga Roman ng kanilang hari

b)

B. Nawala ang kapangyarihan ng mga patrician

c)

C.Nakapaghalal sila ng mga konsul bilang pinuno

d)

D. Nagkaroon ng pagkakataon na mamuno ang mga plebeian

3.

3. Alin sa sumusunod ang naging epekto sa mga plebeian ng pagkakasulat ng Twelve Tables?1. Nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian

2. Nagkaroon sila ng karapatan na makapag-asawa ng patrician

3. Nagkaroon sila ng pagkakataon na mahalal na konsul

a)

A. 1 at 2

b)

B. 2 at 3

c)

C.1 at 3

d)

D. 1, 2 at 3

4.

3. Ayon sa alamat ang kambal na iniligtas at kinalinga ng babaeng lobo matapos itong ipaanod ng kanilang ama sa ilog ng Tiber?

a)

A. Abel at Cain

b)

B. Remus At Romulus

c)

C.Augustus at Julius

d)

D. Mark Anthony at Cleopatra

5.

5. Ang kahulugan ng pangalan ng bansang Italy na hango sa salitang "Italus"?

a)

A. Peninsula

b)

B. Arkipelago

c)

C. Boots-like

d)

D. Island

6.

6. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Romano kung saan ang mga mamamayan ay humihirang ng kanilang mga kinatawan sa pamahalaan?

a)

A. Republika

b)

B. Monarkiya

c)

C. Aristokrasya

d)

D. Oligarkiya

7.

7. Ang lipunang Roman ay binubuo ng dalawang uri.Ang unang uri ay hango sa salitang Latin na “Patres” o “mga ama”.Ito ay ang mga _____

a)

A. Plebeian

b)

B. Patricians

c)

C. Dorians

d)

D. Helot

8.

8. Ang panahon ng kapayapaan,katahimikan, at kasaganan ng Imperyong Romano noong panahon ni Emperor Augustus Caesar at tinatawag na ano?

a)

A. Golden Mean

b)

B. Panahon ng Karimlan

c)

C. Ginituang panahon

d)

D. Pax Romana

9.

9. Paano nakatulong ang heograpikal o istratehikong lokasyon ng Rome sa pag-usbong ng kabihasnan nito?

a)

A. Dahil sa ilog ng Tiber at mga nakapalibot na mga anyong tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka

b)

B. Nagsilbing tagapamagitan ito sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa.

c)

C. Nakatulong ang kanilang lokasyon sa kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop

d)

D. Nagsilbing natural na proteksiyon ang imperyo ang kabundukan ng Alps sa hilaga nito

10.

10. Bahagi ng tungkulin ng mga sundalong Romano ang paggawa ng daan sa tuwing may sasakuping teritoryo.Ano ang tawag sa daang nag-uugnay sa Rome at sa Timog Italy?

a)

A. Aqueduct

b)

B. Appian Way

c)

C. Hadrian Wall

d)

D. Column

11.

11. Gusaling ipinatayo ng mga Romano na makikita pa rin hanggang sa kasalukuyan sa Rome para sa labanan ng mga gladiator.

a)

A. Colosseum

b)

B. Arch

c)

C. Amphitheater

d)

D. Column

12.

12. May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang ng senado na magkasama ang mga Plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang niyang isigaw ang salitang Latin na veto! (Tutol Ako!). Ano ang kahalagahan nito sa kasalukuyan?

a)

A. Naihahayag niya ang kanyang karapatan.

b)

B. May pagkakataon hadlangan ang mga hindi sinasang ayunang batas upang lubos na mapag aralan ng lubusan.

c)

C. Naipapakita ng mahistrado ang kanyang higit na kapangyarihan ng kanyang kagustuhan

d)

D. A at B

13.

13. Anong uri ng inhenyeriya ang nasa larawan na itinayo ng mga romano upang dalhin ang tubig sa mga lungsod?

a)

A. Colosseum

b)

B. Pantheon

c)

C. Forum

d)

D. Aqueduct

14.

14. Kilala an gang mga Romano sa pamosong Colloseum, Aqueduct at Appian Way. Anong imbensiyon ng mga Romano ang sikreto nila sa paggawa ng mga matitibay na estruktura?

a)

A. Semento

b)

B. Bakal

c)

C. Luwad

d)

D. Kahoy

15.

15. Bakit karapat- dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Rome?

a)

A. Dahil matatag ang maunlad na kabihasnang ito sa Rome

b)

B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga Rome kaysa sa mga bansang itinatag sa Asya at Africa.

c)

C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon

d)

D.Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay.