NEW
Font size
WorksheetsMaikling Pagsusulit (Pandiwa)
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
1. Salitang kilos o galaw.
pangngalan
pandiwa
pang-uri
panghalip
2. Ang mga bata ay naglalaro sa parke ngayon. Anong pandiwa ang ginamit sa pangungusap?
bata
ngayon
naglalaro
parke
3. Sa susunod na araw pa kami _________ papuntang Boracay. Ano ang aangkop na pandiwa upang mabuo ang pangungusap na ito?
inalis
inaalis
alis
aalis
4. Ano ang pinagkaiba ng imperpektibo sa kontemplatibo?
Ang imperpektibo ay tapos na at ang kontemplatibo ay hindi pa
Ang imperpektibo ay ginagawa ngayon at ang kontemplatibo ay mangyayari pa lamang.
Ang imperpektibo ay katatapos pa lang at ang kontemplatibo ay mangyayari pa lamang.
Ang imperpektibo ay ginagawa ngayon at ang kontemplatibo at tapos na.
5. Aaralin ulit ni Mark ang pandiwa pag-uwi. Ano ang salitang ugat at panlaping ginamit sa salitang " Aaralin"?
aaral - in
aaral - lin
aral - in
aral - lin
6. Alin sa sumusunod ang hindi dapat mapabilang sa pagpipilian?
naglalaro
lumalangoy
binabasa
kumain
7. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naiiba?
Matutulog ako mamaya sa tito at tita ko.
Si Mark ay nag-aral kanina bago pumasok sa klase.
Binasa ko nga pala yan.
Naglaro kami kahapon.
8. ____________ ng plato si Kylie ngayon sa kusina upang tulungan ang kanyang ina. Ano ang aangkop na pandiwa sa pangungusap na ito?
Naghugas
Naghuhugas
Maghuhugas
Hugas
9. Masayang nagtatawanan at naghahabulan ang mga bata sa parke. Ilang pandiwa ang makikita sa pangungusap na ito?
isa
dalawa
tatlo
wala
10. Niluluto ni ina ang isda na binili ni lolo sa palengke. Ilang pandiwa ang makikita sa pangungusap? Ano-ano ang mga ito?
isa - niluluto
isa - binili
dalawa - niluluto at palengke
dalawa - binili at niluluto
