WorksheetsWastong Paraan ng Pangangalaga at Paghawak ng mga Halaman
Total questions: 20
Worksheet time: 6mins
Gawain 1: Masaya 😄 o Malungkot 😞?
1. Diligan ang mga pananim ayon sa kanilang pangangailangan.
Masaya 😄
Malungkot 😞
2. Ilabas ang halaman upang masikatan ng araw.
Masaya 😄
Malungkot 😞
3. Hayaan tumubo ang mga ligaw na damo sa paligid ng halaman.
Masaya 😄
Malungkot 😞
4. Iwasan ang pagtapak sa mga bagong tanim na halaman.
Masaya 😄
Malungkot 😞
5. Pumitas ng mga bulaklak sa parke para may maiuwi sa bahay
Masaya 😄
Malungkot 😞
Gawain 2: I-click ang tsek (/) kung ang larawan ay nagpapakita ng wastong pangangalaga ng halaman at ekis (X) kung hindi.
Gawain 3: I-click ang bituin (⭐) kung tama ang paghawak sa halaman at ekis ( X ) naman kung hindi.
1. Nakakita ng magagandang bulaklak si Nica sa parke, agad niyang inilapit ang mukha at ilong para amuyin ang mga ito.
2. Nais ilipat ng lugar ni Noy ang mga halamang namumulaklak sa bahay nila. Nagsuot siya ng damit na mahaba ang manggas at guwantes bago gawin ito.
3. Pinaglalaruan ng kaibigan ni Nica ang mga putol at matinik na tangkay ng halaman na nakuha nila at natuwa ito sa puting dagta na na taglay nito.
4. Nais ni Jon-jon na putulin ang sanga ng halaman nila sa harapan upang itanim ng panibago, kumuha siya ng gunting at nagsuot ng gloves bago ito putulin.
5. Matapos humawak ng mga halaman at mailipat ang mga ito, agad na naghugas ng kamay ang magkaibigang Noy, Jon-Jon, at Nico.
Panapos na Pagsusulit
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang gagawin mo sakaling ikaw ay magkaroon ng skin irritation mula sa halaman?
A. Kamutin ang apektadong balat.
B. Uminom ng maraming softdrinks.
C. Balutin ng panyo ang apektadong bahagi.
D. Hugasan ng tubig at sabon. Lagyan ng ointment pagkatapos.
2. Paano ka makakatulong na protektahan ang halaman?
A. Ilagay ito sa lilim.
B. Ilagay ito sa kahon.
C. Bunutin ito sa lupa.
D. Huwag itong galawin sa kinalalagyang lugar.
3. Ano ang gagawin mo kung naninilaw na ang mga dahon ng halaman mo sa loob ng bahay?
A. Balutin ng plastic.
B. Ilagay sa malilim na lugar.
C. Ilabas ito at paarawan.
D. Pinturahan ng berde ang dahon.
4. Bakit magandang gawi ang pagbungkal ng lupa sa paligid ng halaman?
A. para matuyo ang lupa.
B. para maging pino ang lupa
C. para mabilis mawala ang tubig.
D. para makapasok ang tubig at hangin sa ugat
5. Bakit hindi pwedeng ilapit sa ilong ang bulaklak kapag inaamoy?
A. Baka mahilo ka sa amoy.
B. Baka magdulot ito ng allergy.
C. Baka mawalan ka ng pang-amoy.
D. Baka pumasok ito sa butas ng ilong
