NEW
Font size
WorksheetsKALAYAAN
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kaniyang _______________.
ISIP
DIGNIDAD
KILOS -LOOB
KONSENSYA
Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa __________________.
KAMAY O KATAWAN
ISIP
LIKAS NA BATAS MORAL
PUSO
1. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa kalayaan MALIBAN sa:
Ang kalayaan ng tao ay walang limitasyon.
Ang tao ay nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili.
Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na pananagutan.
Ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ang kilos tungo sa maaaring hantungan at paraan upang makamit ito
Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa Kalayaan?
Ang kalayaan ay likas sa tao, ibig sabihin ito ay kaloob ng Dios.
Ang Panloob na kalayaan ay naapektuhan ng mga panlabas na salik.
Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng gusto mo kahit mabuti o masama.
Ang kalayaang politikal ay kalayaan sa pagkuha ng ninanais na kurso sa kolehiyo.
Mahilig sa pagluluto si Lando at nasisiyahan siya sa kanyang ginagawa. Nais niyang kuhanin ang kursong Culinary Arts pagdating ng panahon at suportado siya ng kanyang mga magulang ang kanyang desisyon. Anong uri ng kalayaan ang ipinakita sa sitwasyon?
PANLOOB NA KALAYAAN
PANLABAS NA KALAYAAN
PANSARILING KALAYAAN
WALA SA NABANGGIT
Bakit binigyan ng Diyos ang tao ng kalayaan na tanggapin o suwayin ang kanyang mga utos?
Sapagkat ang tao ay may angking talino at husay na tukuyin ang mali at tama.
Sapagkat ang tao ay isinilang na may kasalanan.
Sapagkat ang Dios ang siyang lumalang sa sangkatauhan.
Sapagkat ang Dios ay umaasang ang tao ay susunod mula sa pag-unawa at pagmamahal hindi dahil sa pinilit o tinakot.
Anong aspekto ng ating pagkatao kabahagi ang kalayaan ng kilos-loob?
PISIKAL
MORAL
SOSYAL
ISPIRITWAL
Ang kalayaan ay may katumbas o kakambal na _________________.
KARAPATAN
KAYAMANAN
PANANAGUTAN
PREBELIHIYO
Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa _____________.
KABUTIHAN
KAGUSTUHAN
KASIYAHAN
KARAPATAN
Bago gumawa ng pasya si Eric ay nananalangin muna siya upang gabayan ng Poong Maykapal. Anong hakbang sa Pagpapaunlad ng kalayaan ang ginagawa ni Eric?
Pakikinig sa sinasabi ng konsensiya
Pagsasabuhay ng moral na panuntunan
Paghingi ng gabay sa Diyos sa panalangin.
Pag-iisp sa sitwasyon bago magbitiw ng pasya.
