wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

7MS - Paunang Pagtataya sa Ikatlong Markahan

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kanya: sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?

a)

karunungan

b)

katarungan

c)

kalayaan

d)

katatagan

2.

Anong salitang Latin ang may kahulugan na “pagiging tao, kalakasan at kakayahan”?

a)

valere

b)

valore

c)

virtos

d)

virtus

3.

Ang pagpapahalagang kultural na panggawi ay naaayon sa uri ng sitwasyon, panahon, at pangyayari. Anong katangian ang inilalarawan sa unang pahayag?

a)

subhetibo

b)

obhetibo

c)

panlipunan

d)

sitwasyonal

4.

Aling antas ng pagpapahalaga ang inilalarawan ng ating pagsusumikap na maging malusog sa pamamagitan ng pagsisikap na magkaroon ng pangunahing pangangailangan?

a)

interpersonal na pagpapahalaga

b)

pandamang pagpapahalaga

c)

banal na pagpapahalaga

d)

espiritwal na pagpapahalaga

5.

Isa sa nagiging dahilan ng kawalan ng pangarap ng isang kabataan ay dahil sa ayaw maranasan ang pighati ng kabiguan sa buhay.

a)

kawalan ng katiyakan sa nais sa buhay

b)

mababang pagtingin sa sarili

c)

takot magkamali

d)

walang pagmamahal

6.

Ang ama ni Anton ay isang huwarang pulis. Sa kasamang palad, ito ay binaril ng isang hindi kilalang lalaki na nakaangkas sa motorsiklo habang ito ay tumatawid sa kalye. Tinamaan ito sa puso, kaya binawain ng buhay bago pa man maisugod sa ospital. Labis ang sakit at dalamhati ang naging dulot nito kina Anton at sa kaniyang ina. Hangad nila ang hustisya para sa pagkamatay ng kaniyang ama. Nasa anong antas ng pagpapahalaga nina Anton at ng kaniyang ina?

a)

interpersonal na pagpapahalaga

b)

pandamang pagpapahalaga

c)

banal na pagpapahalaga

d)

espiritwal na pagpapahalaga

7.

“Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?” Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller?

a)

Mahirap maging isang bulag

b)

Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin

c)

Hindi mabuti ang walang pangarap

d)

Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay.

8.

Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?

a)

Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan

b)

Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan

c)

Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin

d)

Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin

9.

Katangian ng pangarap na nagpapakita ng pagkakaroon ng personal na kahulugan nito sa taong nagnanais dito.

a)

Kongkretong Pangarap

b)

Makabuluhang Pangarap

c)

Realistikong Pangarap

d)

Pangarap

10.

Ano ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga?

a)

interpersonal na pagpapahalaga

b)

pandamang pagpapahalaga

c)

banal na pagpapahalaga

d)

espiritwal na pagpapahalaga