NEW
Font size
WorksheetsQuiz: Supply
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Tumutukoy ito sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
a. produkto
b. supply
c. demand
d. kalakal
Ang mga sumusunod ay paraan ng pagpapakilala ng ugnayan ng presyo at quantity supplied maliban sa _________.
a, supply curve
b. supply function
c. supply schedule
d. quantity
Sa tuwing ang mga prodyuser ay magpapasya na magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo, ang presyo ang pangunahing pinagbabatayan. Ito ay ayon sa _________.
a. Batas ng Demand
b. Batas ng Supply
c. Elastisidad ng Supply
d. Elastisidad ng Demand
4. Nakapagpapabago ito sa dami ng handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser.
a. supply
b. presyo
c. dami ng supply
d. gastos
5. Isa sa salik na nakaaapekto sa supply kung saan nakatutulong ito sa mga prodyuser na makabuo o makagawa ng mas maraming produkto.
a.ekspektasyon ng presyo
b. pagbabago sa teknolohiya
c. pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
d. pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda
Isa itong konsepto kung saan sinusukat kung gaano ang pagtugon ng prodyuser sa bahagdan ng pagbabago ng presyo.
a. konsepto ng demand
b. konsepto ng supply
c. konsepto ng price elasticity of demand
d. konsepto ng price elasticity of supply
Uri ng elastisidad kung saan pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng quantity supply.
a. elastic
b. inelastic
c. unitary
d. perfectly inelastic
1. Ang batas ng supply ay nagsasaad na may direktang ugnayan ang presyo at supply. Anong pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Kapag mataas ang presyo, mataas din ang supply at kapag mababa ang presyo, mababa din ang supply.
B. Kapag mataas ang presyo, bababa ang supply at kapag mababa ang presyo, tataas ang supply.
C. Kapag mataas ang presyo, walang pagbabago sa supply at kapag mababa ang presyo, bahagyang tataas ang supply.
D. Kapag mataas ang presyo, bahagyang bababa ang supply at kapag mababa ang presyo, walang pagbabago sa supply.
Sa supply equation na Qs=0+8P, ano ang quantity supply kung ang presyo ay Ᵽ20.00?
A. 140
B. 160
C. 100
D. 200
Ang hoarding ay minsang isinagawa ng mga prodyuser sa mga produktong nakatakdang magkaroon ng limitadong supply. Paano isinagawa ang hoarding sa pamilihan?
A. Pagtatago ng mga produkto habang mura pa ang mga presyo nito.
B. Paglilimita ng produksyon ng produkto habang mura pa ang presyo ng mga ito sa pamilihan.
C. Maramihang produksyon ng mga produkto para ito ay maibenta sa mas mataas na presyo.
D. Pagpigil na makapasok ang mga produkto sa mga pamilihan.
