wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 6 Quarter 2 Summative Test

Total questions: 20

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin kung Tama o Mali ang bawat pahayag.


____1. Nais ng Panginoon na magmalasakit tayo sa isa’t isa, sapagkat lahat tayo ay

magkakapatid sa Diyos.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Tukuyin kung Tama o Mali ang bawat pahayag.


____2. Bago ko iisipin ang iba ay uunahin ko muna ang aking sarili dahil mahirap ang

maghanapbuhay.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Tukuyin kung Tama o Mali ang bawat pahayag.


____3. Sa panahong may COVID-19, may gobyerno na siyang bahala sa lahat ng

pangangailangan ng ating bansa, kaya pananagutan lamang ni Pangulong

Duterte kung maraming magkasakit at magutom.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Tukuyin kung Tama o Mali ang bawat pahayag.


____4. Mas mapadadali ang paglutas sa bawat suliranin, kapag may pagmamahal at

paglilingkod sa aking pamilya lamang.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Tukuyin kung Tama o Mali ang bawat pahayag.


____5. May pananagutan man sa akin ang aking kapwa, ay nararapat lamang na hindi

ko iasa sa iba ang aking pamumuhay at kahihinatnan.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng ( / ) kung ito

nagpapakita ng paggalang suhestiyon at lagyan naman (x ) kung hindi.


____6. Hinikayat ni Melissa ang kaniyang kamag-aral na makilahok sa pagpupulong tungkol sa bagong proyekto na isasagawa sa kanilang paaralan.

a)
b)
7.

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng ( / ) kung ito

nagpapakita ng paggalang suhestiyon at lagyan naman (x ) kung hindi.


____7. Itinanong ni Jake sa kaniyang mga kasama kung handa na ang lahat bago sinimulan ang pag-uulat sa klase ni Gng. Sanchez.

a)
b)
8.

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng ( / ) kung ito

nagpapakita ng paggalang suhestiyon at lagyan naman (x ) kung hindi.


____8. Pinalitan nina Mark at Jasmin ang suhestiyon ni Angela ukol sa gagamiting kagamitan sa pagbuo ng dyornal ng walang paalam.

a)
b)
9.

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng ( / ) kung ito

nagpapakita ng paggalang suhestiyon at lagyan naman (x ) kung hindi.


____9. Gumawa ng sariling proyekto ang kagrupo ni Annie dahil may mas maganda silang ideya.

a)
b)
10.

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng ( / ) kung ito

nagpapakita ng paggalang suhestiyon at lagyan naman (x ) kung hindi.


____10. Nakiisa ang mga magsasaka ng lungsod ng Cagayan sa programang inilunsad ng

gobernador sa lalawigan.

a)
b)
11.

Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.


11. Ito ay tumutukoy sa sinabi, ginawa o anumang bagay na hindi pinananagutan o walang pagsasa- alang alang sa kapwa.

a)

Matapat

b)

Responsable

c)

Iresponsable

d)

Pagsisinungaling

12.

Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.


12. Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa paligid.

a)

Kapuwa

b)

Kaibigan

c)

Kapitbahay

d)

Pamayanan

13.

Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.


13. Ito ay pahayag na tumitiyak sa pagtupad o hindi pagtupad sa isang bagay. Ito rin ay tumutukoy sa anomang ginagamit bilang garantiya.

a)

Kilos

b)

Sumpa

c)

Pangako

d)

Katapatan

14.

Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.


14. Sa mga pagkakataon na ikaw ay hindi nakakatupad sa isang kasunduan o sa iyong ipinangako, ano ang dapat mong gawin?

a)

Huwag na lamang itong pag-usapan at hayaan na ito ay makalimutan ng taong iyong pinangakuan.

b)

Iwasan ang taong pinangakuan upang makaiwas sa pagtatalo o paninisi na hindi kinakailangan.

c)

Humingi ng paumanhinat ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi ka nakatupad sa pangako o kasunduan.

d)

Hinatayin na lumapit o komprontahin ka ng taong iyong pinangakuan upang malaman kung masama ba ang loob niya sa iyo o hindi.

15.

Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.


15. May kasabihan na pagdating sa pangako,"huwag mong yakapin ang puno kung alam mong hindi mag-aabot ang iyong mga kamay". Ano ang ibig sabhin nito?

a)

Ang pangako ay laging may kaakibat na pananagutan.

b)

Huwag kang magbibitaw ng pangakong hindi mo kayang tuparin.

c)

Simple o mahirap man ang iyong binitiwang pangako ay dapat mo itong tuparin.

d)

Kailanman ay huwag kang mangangako upang ikaw ay makaiwas na makasakit ng damdamin ng iyong kapuwa.

16.

Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.


16. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging responsable sa kapuwa MALIBAN sa:

a)

Pangangako kahit mahirap itong gawin.

b)

Pagtupad sa mga pangako o kasunduan.

c)

Pagiging matapat sa anomang sitwasyon.

d)

Pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa kapuwa.

17.

Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.


17. Natuwa si Jacky ng ibinigay ng kanyang nanay ang ipinangako nitong bagong cellphone na kaniyang gagamitin sa online class. Ngunit hindi ito ang tatak ng cellphone na kaniyang gusto at ito lang ang nakayanang bilhin ng kaniyang nanay. Naging responsable ba ang nanay ni Jacky?

a)

Opo, dahil natuwa si Jacky sa ibinigay ng kanyang nanay.

b)

Hindi po, dahil hindi niya binili ang tatak ng cellphone na gusto ni Jacky.

c)

Hindi po, dapat hindi na lang siya bumili para hindi sumama ang loob ni Jacky.

d)

Opo, sapagkat tinupad niya ang kaniyang pangako na bibili ito ng cellphone.

18.

Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.


18. Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin isinasauli ng kaibigan ni Coralie ang kaniyang aklat. Ipinangako ito na ibabalik din kinabukasan mula ng hiniram ito. Kung ikaw si Coralie, ano ang gagawin mo?

a)

Isusumbong ito sa kaniyang magulang upang siya ay mapagalitan.

b)

Iisipin ko na lamang na ito ay nakalimutan niya at hindi sinasadya.

c)

Tuturuan ko siya na maging responsable at matutong magsauli ng hiniram na gamit sa tamang oras.

d)

Hindi ko na papansinin ang kaibigan upang maramdaman niyang masama ang loob ko sa hindi niya pagsauli sa aking aklat.

19.

Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.


19. Ipinangako ng Tatay ni Karen na pagdating niya mula sa trabaho ay tutulungan at gagabayan niya ito sa kaniyang mga gawain sa module. Ngunit dahil sa pagod ay nakatulog na ito pagdating niya sa bahay. Ano sa palagay mo ang dapat na maging tugon ni Karen dito?

a)

Sasama ang loob at hindi na muling hihingi ng tulong mula sa aking tatay.

b)

Kakausapin ang aking tatay hinggil sa nangyari at sasabihin ang saloobin hinggil dito.

c)

Ipagsasawalang kibo na lamang ito at humingi na lamang ng tulong mula sa ibang tao.

d)

Umiyak na lamang at kalimutan ang nangyari dahil pagod ang aking tatay mula sa trabaho.

20.

Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.


20. Alin sa sumusunid ang nagpapakita ng pagiging responsable?

a)

Si Jaypee na isinasauli ang mga gamit na kanyang hiniram sa takdang oras.

b)

Si Janine na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa kaniyang mga magulang.

c)

Si Louie na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang perang ibinibigay ng kaniyang mga magulang.

d)

Si Mico na ipinapakopya ang sagot niya sa module sa kaniyang mga kaklase upang sila ay hindi na mahirapang pumasa.