NEW
Font size
WorksheetsPagpipinta (Sining 4)
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang pintor ay naglalagay ng foreground, middleground, at background upang maipakita ang tamang espasyo ng mga bagay sa larawan. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa mga bagay na nasa likod at kadalasang maliliit?
A. Foreground
B. Middleground
C. Background
D. Centerground
2. Sa bahaging ito ng larawan ay kadalasang malalaki ang mga bagay sapagkat malapit sa tumitingin.
A. Foreground
B. Middleground
C. Background
D. Centerground
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng overlap?
4. Ano ang tawag sa pagpipinta kung saan ang paksa ay patungkol sa kabukiran, kagubatan, at tanawin sa kapatagan?
A. Landscape painting
B. Seascape painting
C. Cityscape painting
D. Floral painting
5. Anong sangkap ng kulay ang tumutukoy sa paglalagay ng mapusyaw at madilim na kulay sa isang larawan?
A. Hue
B. Intensity
C. Value
D. Contrast
6. Ano ang tawag sa kaugnayan ng mga bagay sa larawan batay sa laki at taas ng mga ito.
A. krokis
B. hugis
C. laki
D. proporsiyon
7. Anong elemento ng sining ang nabibigyan diin sa paglalagay ng foreground, middleground, at background upang maging makatotohanan ang isang larawan?
A. Kulay
B. Espasyo
C. Tekstura
D. Proporsiyon
8. Sa watercolor painting, paano nagiging mapusyaw ang isang kulay?
A. Dagdagan ng tubig ang pintura
B. Dagdagan ng matingkad na kulay ang tubig
C. Dagdagan ng dilaw ang isang kulay
D. Dagdagan ng itim ang isang kulay
9. Anong elemento ng sining ang binibigyang diin sa overlap na disenyo?
A. linya
B. hugis
C. kulay
D. espasyo
10. Bakit kailangang isaalang-alang ang proporsiyon at espasyo sa pagguhit?
A. Upang maging makulay ang larawang iginuhit.
B. Upang maging kakaiba ang larawang iginuhit.
C. Upang maging mas makatotohanan ang larawang iginuhit
D. Upang maging malamlam ang kulay ng larawang iginuhit
