WorksheetsPanghalip na Pananong (Ano, sino, kanino)
Total questions: 15
Worksheet time: 13mins
Ang bola ay kay Angela.
__________ ang bola?
Ano
Sino
Kanino
Si Bb. Morales ay mahusay at mabait na guro.
_____________ ang mahusay at mabait na guro?
Ano
Sino
Anu-ano
Kanino
Sasali sa patimpalak sina Kim at Arnold.
____________ ang mga sasali sa patimpalak?
Anu-ano
Sinu-sino
Sino
Kanino
Kay Simon ang pagkaing iyan.
_____________ ang pagkaing iyan?
Sinu-sino
Ano
Kanino
Sino
Bumili si Amanda ng hotdog at sorbetes.
______________ ang mga binili ni Amanda?
Ano
Anu-ano
Sino
Sinu-sino
Ang mga laruang ito ay kina Donald at Victor.
________________ ang mga laruan?
Anu-ano
Sinu-sino
Kani-kanino
Ano
Pula, asul at dilaw ang mga pangunahing kulay.
_____________ ang mga pangunahing kulay?
Anu-ano
Sinu-sino
Kani-kanino
Magkano
Ang punong-guro ng Hope Horizon ay si Bb. Jenny.
__________ ang punong-guro ng Hope Horizon?
Ano
Kanino
Sino
Paano
Tukuyin ang wastong tanong para sa pangungusap:
Aalis sina kuya, ate, at nanay mamaya.
Anu-ano ang aalis mamaya?
Kani-kanino ang aalis mamaya?
Sinu-sino ang aalis mamaya?
Tukuyin ang wastong tanong para sa pangungusap:
Paborito ni Princess ang abokado, mansanas, at ubas.
Anu-ano ang paborito ni Princess?
Sino si Princess?
Kanino ang abokado, mansanas at ubas?
Tukuyin ang wastong tanong para sa pangungusap:
Kay Ella ang pera sa ibabaw ng mesa.
Ano ang nasa ibabaw ng mesa?
Kanino ang pera sa ibabaw ng mesa?
Sino si Ella?
Tukuyin ang wastong tanong para sa pangungusap:
Si Rodrigo Duterte ang presidente ng Pilipinas.
Sino ang presidente ng Pilipinas?
Ano ang presidente?
Kanino ang Pilipinas?
Tukuyin ang wastong tanong para sa pangungusap:
Agila ang pambansang ibon ng Pilipinas.
Sino ang pambansang ibon ng Pilipinas?
Ano ang pambansang ibon ng Pilipinas?
Anu-ano ang pambansang ibon ng Pilipinas?
Tukuyin ang wastong tanong para sa pangungusap:
Magaling na boksingero si Manny Pacquiao.
Sino ang magaling na boksingero?
Ano ang magaling na boksingero?
Kanino ang magaling na boksingero?
Tukuyin ang wastong tanong para sa pangungusap:
Ibibigay ko kina Zeny at Trisha ang mga damit.
Anu-ano ang ibibigay ko?
Kanino ko ibibigay ang mga damit?
Kani-kanino ko ibibigay ang mga damit?
