NEW
Font size
WorksheetsEnlightenment
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang Panahon ng Enlightenment ay siya ring tinatawag na Age of Reason
TAMA
MALI
Isa sa mga nagpalaganap ng mga kaisipan ng Enlightenment ay ang Salon ni Denis Diderot.
TAMA
MALI
Ang mga naliwanagang monarko ay mga hari at reyna na may lubusang kapangyarihan subalit nagpatupad ng mga pagbabagong panlipunan, pampulitika at pangkabuhayan sa kanilang mga kaharian.
TAMA
MALI
Kinakailangan ang magkakaibang sangay ng pamahalaan ayon kay Baron of Montesquieu upang sa gayon ay maiwasan ang pagkakaroon ng lubusang kapangyarihan at pang-aabuso nito.
TAMA
MALI
Sa Panahon ng Kaliwanagan ay mayroon nang maraming karapatan ang mga kababaihan na ipinaglalaban ni Mary Astell at Mary Wollstonecraft.
TAMA
MALI
Locke, Hobbes, Voltaire, Rousseau
Mga Kompositor na Klasikal
Mga Alagad ng Sining
Mga Pilosopo
Mga Naliwanagan Monarko
Alin ang hindi kabilang sa mga likas na karapatang ng isang tao ayon kay John Locke?
buhay
kalayaan
pag-aari
paghahanap ng kaligayahan
Renaissance, Scientific Revolution, Mga Paglalayag at Ekspidisyon, Repormasyon
Mga pagbabagong nagsulong sa Panahon ng Kaliwanagan
Mga epekto ng Panahon ng Kaliwanagan
Mga pangyayari sa Panahon ng Kaliwanagan
Lahat ng mga nabanggit
Alin ang hindi kabilang sa mga artikulo o tema ng Encyclopedia ni Denis Diderot?
Mga pamahiin, hula at paniniwala
Mga makabagong teknolohiya
Mga argumento sa politika at pamahalaan
Mga bagong kaalaman sa agham at matematika
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga kababaihang nagsulong ng pagbabago sa Panahon ng Kaliwanagan
Marie Therese Geoffrin
Mary Astell
Mary Wollstonecraft
Marie Antoinette
