Font size
WorksheetsPananagutan
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Bago lumabas ng kwarto, pinatay ni Marty ang switch ng mga ilaw rito.
Ibinahagi ni Chloe ang kaniyang nalalaman tungkol sa mga dapat gawin kapag may lindol.
Pinaalalahanan ni Laura ang kapatid na nakita niyang tumawid sa maling lugar.
Iniwan ni Andrea sa tapat ng bakuran ng kanilang kapitbahay ang kalat na kaniyang winalis.
Hinayaan lamang ni Paulo ang kaniyang kapatid na narinig niyang gumamit ng malalaswang salita.
Pagpasok mo sa palikuran ng inyong paaralan ay nadatnan mong bukas ang gripo. Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang iyong pagiging responsable?
Hahayaan ko na lamang na bukas iyon.
Papatayin ko ang gripo.
Nakita mo ang iyong kapitbahay na nagtapon ng kanilang basura sa estero. Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang iyong pagiging responsable?
Sasawayin ko siya.
Pababayaan ko siya.
Nakita mong nanonood ang iyong kapatid ng programa sa telebisyon na hindi angkop sa kaniyang edad. Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang iyong pagiging responsable?
Ipaghahanap ko siya ng panoorin na angkop sa kaniyang edad.
Sasamahan ko siya sa panonood.
Napansin mo na may mali sa isang artikulong inilathala sa inyong pahayagang pampaaralan. Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang iyong pagiging responsable?
Magkukunwaring hindi ko napansin ang pagkakamali.
Ipaaalam ko sa kinauukulan ng pahayagang pampaaralan ang napuna kong pagkakamali.
Namahagi ng mga leaflet ang inyong paaralan tungkol sa mga dapat gawin upang maiwasan ang sakit na dengue. Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang iyong pagiging responsable?
Itatapon ko ang leaflet na binigay sa akin.
Babasahin at susundin ko ang sinasabi sa leaflet.
