wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsulat sa Iba't Ibang Larangan

Total questions: 15

Worksheet time: 53mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tamang pagkakaayos ng mga pahayag upang makabuo ng mabisang Abstrak?


1. Sa huli, magmumungkahi ng mga paraan ng pagsusulong ng tunay na multilinggwalismo bilang angkop at napapanahong patakarang pangwika sa panahon ng globalisasyon.


2. Sa papel na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng pagtataguyod ng multilinggwalismo bilang epektibong sandata ng wikang Filipino at mga diyalekto laban sa panunumbalik ng monolinggwistikong gahum ng wikang Ingles sa Pilipinas.


3. Ipapaliwanag ang kahungkagan ng Executive Order No. 210 at House Bill 4701 na kapwa nagtataguyod sa Ingles bilang wikang panturo.


4. Iisa-isahin din ang mga matagumpay na pag-igpaw at tagumpay ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan sa kabila ng polisiya ng gobyerno na tila sumasagka sa pag-unlad nito.


5. Upang hindi maging parokyal o makitid ang pagtanaw sa isyu, ilalahad ang mga pandaigdigang pagsisikhay na nagsusulong sa multilinggwalismo.

(a)  

2.

The following is social media/internet blog about the movie “Goyo: Ang Batang Heneral”

Ni MICHAEL “XIAO” CHUA https://www.manilatimes.net/was-heneral-goyo-betrayed/436840/


Maganda ang pagtanggap sa pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” ni Jerrold Tarog sa unang labas nito sa tatlong cinema sa Megamall. Ito na marahil ang pinakamalaking pelikulang pangkasaysayan na itinanghal at nakatakda pang maging klasiko. Ito ay isang obra maestra na nag-uudyok sa atin na balikan ang ating kasaysayan, makatotohanan man o likhang isip, sa magarbo at nakawiwiling paraan. Halos sangkatlong bahagi ng pelikula ay inilaan sa detalyadong pagpapakita ng Labanan sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899 at ng istratehikong posisyon ni Heneral Gregorio del Pilar at ng kanyang mga kawal na naging dahilan upang mahirapan ang mga Amerikano sa pag-abante. (Jerrold Tarog’s “Goyo: Ang Batang Heneral” premiered in three Megamall cinemas and was well received. This is arguably the biggest historical film produced in the history of Philippine cinema and is destined to be a classic. It is a masterpiece that allows us, both in fact and fiction, to reimagine and re-experience history in such an entertaining and grand way. Almost one third of the film was a detailed depiction of the Battle of Tirad Pass on December 2, 1899 and how strategic the position of General Gregorio del Pilar and his men was, making it actually difficult at first for the Americans to advance.


Akademiko o Di-Akademiko?

(a)  

3.

Anong uri ng abstrak pinakamaikli na naglalarawan lamang ng paksa, layunin, at pangkalahatang ideya?

(a)  

4.

Ilang salita ang kadalasang bumubuo sa isang Impormatibong Abstrak?

(a)  

5.

Ang Kritikal na Abstrak ang pinakamahabang abstrak dahil tinataya rin nito ang kabuluhan, kasapatan, at katumpakan ng akademikong ulat.

Tama o Mali?

(a)  

6.

Ano ang tamang pagkakaayos ng mga sumusunod na pahayag upang makabuo ng mabisang teksto?


1. Ang mga tanong na ito ay hamon sa mga mamamayan sa harap ng mga kaabang-abang na kaganapan sa bayan.


2. Sa panahon ng digmaan, hindi kaya ang isang tao ay napilitan lamang bunsod ng sitwasyon?


3. Ginawa ba niya ito upang mabuhay? Paano niya mapagtataksilan ang sariling bansa kung hindi niya nakita ang kahalagahan niya sa bayan noong panahong iyon?


4. Kailan dapat natin piliing mamatay nang dahil sa ipinaglalaban at kailan naman natin pipiliing lumaban upang mabuhay?

(a)  

7.

Ang pagbubuod ay isang uri o pamamaraan sa pagsulat ng Sintesis.

Tama o Mali?

(a)  

8.

Banggitin ang napiling panig o linawin ang proposisyon bago ilahad ang mga katwiran. Ito ay tinatawag na Pagdadahilan.


-Anong uri ng Sintesis ang binubuo kung ganito? Eksplanatori o Argumentatibo?

(a)  

9.

Ang mga gawaing pang-Akademiko ay ginagabayan ng karanasan, kasanayan, at karaniwang huwisyo.

Tama o Mali?

(a)  

10.

Ang pagsulat sa Akademikong larangan ay may sinusundang etika at ginagabayan ng mga datos o ebidensya.

Tama o Mali?

(a)  

11.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kailangan sa ebalwasyon ng Sintesis? Isulat ang titik/letra lamang ng sagot.


A. Malinaw bang naitalaga ang dahilan, layunin, o paninindigan sa paksa?

B. Sapat naman ba ang mga sangguniang pinagbasehan mo ng impormasyon?

C. Maayos ba ang paglalahad ng mga kaisipan? Kung babasahin ng iba, magbibigay-linaw ba sa paksa at hindi ba makakalito?

D. Nauugnay ba sa buhay ng nagsulat ng sintesis ang paksa?

E. Muling balikan ang mga sanggunian kung kinakailangan at tingnan ang kaugnayan ng mga kaisipan sa iyong sintesis sa mga pinagkuhanan.

(a)  

12.

Ang iyong ginawang sintesis ay mauuring Argumentatibo kung: (*Isulat ang letra lamang ng pinakatamang sagot.)


A. Naglahad ka ng iyong sariling pananaw tungkol sa paksa.

B. Pinagsama-sama mo ang mga sanligang impormasyon mula sa iba't ibang akda.

C. Naglalayong tulungan ang mambabasa na maunawaan ang paksa.

(a)  

13.

Alin sa mga sumusunod ang hindi mauuring sulating Akademiko?


-Bionote

-Fashion Blog

-Minutes of the Meeting

-Sulating Pananaliksik

(a)  

14.

Alin sa mga sumusunod ang gawaing pang-akademiko?


-Panonood ng Pelikula

-Patalastas

-Pagsulat sa Kaibigan

-Pakikinig ng Lektyur

(a)  

15.

Mahalaga ang pagtatala ng mga sanggunian sa pagsulat ng abstrak at sintesis dahil:


A. Parte ito ng lahat ng sulatin

B. Kailangan maitatag ang kredibilidad sa mga impormasyong ibinahagi

C. Hindi akademiko ang sulatin kung wala ito

D. Nakakatulong ito upang mapalawak ang mga ideya

(a)