NEW
Font size
WorksheetsQuiz Review
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Ano ang tawag sa isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng makata o manunulat nito sa pamamagitan ng mga taludtod at saknong?
Balagtasan
Dula
Maikling kwento
Tula
Ano ang tawag sa pagkakatulad ng tunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod?
kariktan
sukat
talinghaga
tugma
Anong elemento ng tula na kung saan ang mga salita ay may natatagong kahulugan?
kariktan
sukat
talinghaga
tugma
Anong uri ng Tulang Damdamin ang binubuo ng 14 na linya at tumatalakay sa kaisipan at diwa ng makata?
Awit
Elehiya
Oda
Soneto
Tukuyin ang sukat ng mga sumusunod na taludtod:
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
8
12
14
16
Anong uri ng tula ang sumasalamin at nagbibigay-diin sa damdamin o emosyon ng sumulat?
Tulang Liriko
Tulang Pantanghalan
Tulang Pasalaysay
Tulang Patnigan
Anong uri ng pag-ibig ang inihayag sa tulang “Ang Pamana” ni Jose Corazon de Jesus?
Pag-ibig sa kaibigan
Pag-ibig sa kapatid
Pag-ibig sa magulang
Pag-ibig sa sarili
Anong tayutay ang naghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian at ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y at animo?
Pagtutulad o simile
Pagmamalabis o hyperbole
Pagwawangis o metapora
Pagtatao o personipikasyon
Ano ang kahulugan ng pariralang nakasalungguhit? Nahihiga sa salapi ang angkang kaniyang pinagmulan?
kilala sa lipunan
maykaya sa buhay
may-ari ng bangko
nakahiga sa pera
Paano naiiba ang tula sa ibang uri ng panitikan?
Nag-iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa.
Nagsasalaysay ng mahalagang pangyayari na may aral o mensahe.
Naglalaman ng mga mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata .
Nangangailangan ng pagpili ng mga salita, bilang ng pantig, at tugmang mga salita.
