NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 6 MODULE 11 QUIZ #1
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ito ang pangunahing balitang dala ng pahayagan na matatagpuan sa pamumungad na pahina nito.
balitang lokal
balitang internasyonal
editoryal
ulong balita
Balita tungkol sa krimeng naganap sa isang lungsod. Sa anong bahagi ng pahayagan matatagpuan ang balitang ito?
klasipikadong
balitang lokal
balitang internasyonal
obitwaryo
Ito ang pananaw o opinyon ng punong patnugot ( isahan ) o ng patnugutan ( kolektibo ) ng pahayag tungkol sa isang napapanahong isyu.
balitang lokal
editoryal
pahinang pang-opinyon
ulong balita
Pahinang nagtatampok sa mga patalastas tungkol sa mga bakanteng trabaho, mga gamit o ari-ariang ibinibenta, mga serbisyong iniaalok, mga taong may demanda at wala nang kaugnayan sa isang kompanya, at iba pang patalastas na nais maiparating sa publiko.
klasipikadong anunsiyo
balita lokal
pahinang panlibangan
obitwaryo
Pahinang nagpapabatid sa publiko ng pagpanaw ng isang namayapa.
klasipikadong anunsiyo
pahinang pampalakasan
pahinang panlibangan
obitwaryo
Balita tungkol sa pinakahuling laban ni Manny Pacquiap. Sa anong bahagi ng pahayagan matatagpuan ang balitang ito.
klasipikadong anunsiyo
pahinang pampalakasan
pahinang panlibangan
obitwaryo
Pahinang nagtatampok sa mga tao, bagay, lugar, pangyayari, o anumang maaaring maging espesyal na interes ng mga mambabasa. Ang mga artikulong tampok dito ay maaaring umabot ng ilang pahina gaya sa magasin hanggang sa matalakay ang lahat ng detalyeng dapat mabatid ng mga mambabasa.
pahinang panlathalain
pahinang pampalakasan
pahinang pang-opinyon
balitang lokal
Mga balitang naganap sa ibang bansa. Paraan ito upang ipabatid sa mga mambabasa hindi lamang ang kontekstong lokal kund maging ang mga pangyayari sa ibayong dagat.
pahinang pang-opinyon
pahinang panlathalain
obitwaryo
balitang internasyonal
Isa sa pinakamatandang anyo ng print media. Sa kasaysayan ng Pilipinas, nauna ang diyaryo kaysa sa telebisyon, radyo, magasin, billboard, at internet bilang pangunahing tagapagbatid ng impormasyon o tagapagpatalastas ng anumang bagong mga pangyayari.
pahayagan
obitwaryo
pahinang panlathalain
klasipikadong anunsiyo
Pahinang nagtatampok ng mga pitak o kolum na naglalaman ng pananaw o opinyon ng iba't ibang personalidad na nagsusulat para sa pahayagan.
pahinang pang-opinyon
pahayagan
pahinang panlibangan
pahinang pampalakasan
