Font size
WorksheetsLAGUMANG PAGSUSULIT SA PABULA
Total questions: 20
Worksheet time: 11mins
Ito ay isang uri ng kathang-isip na panitikan na gumagamit ng hayop bilang tauhan sa akda at nagbabahagi ng aral para sa mambabasa.
ALAMAT
DULA
PABULA
NOBELA
Ito ang pabula na inilimbag ni Dr. Jose Rizal.
Nagkamali ng Utos
Pagong at ang Matsing
Ang Uwak at Pabo Real
Bakit Laging Magkaaway ang Aso, Pusa, at Daga
ANO-ANO ANG MGA PABULANG ATING TINALAKAY
ANG TIGRE AT DAGA
ANG BIGOTE NG TIGRE
BAKIT NAG-AAWAY ANG ASO, PUSA AT DAGA
SILA SUSIE,YOHAN, ALEX AT BERT
ANG MATSING AT ANG PAGONG
Anong aral ang iyong makukuha sa pabulang BAKIT NAG-AAWAY ANG ASO, PUSA AT DAGA?
Huwag maliitin ang kapwa.
Maging kontento sa bagay na mayroon ka
Kung may hindi pagkaka-unawaan, ayusin ito sa maayos na paraan.
Laging isipin na may dahilan ang mga bagay kaya nangyayari ang mga ito.
Mahalagang bigyang puna ang mga tauhan na ginamit sa akda dahil:
nakikita natin ang pagiging detalyado ng may-akda
iyon ang pinakaunang gawain sa pagbabasa ng pabula
nasusuri natin kung angkop ang hayop bilang tauhan sa kuwento
naipapakita nito na tayo ay mahilig sa mga akdang kawili-wili at may moral
Saan unang sumibol ang akdang pabula?
Espanya
Gresya
Pilipinas
Tsina
Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa grupo element ng pabula?
Banghay
Tagpuan
Tauhan
Iskrip
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng aral na makukuha sa isang akdang pabula maliban sa?
tamang pakikipagkapwa-tao
pagiging mabuting magulang at anak
paggalang sa bawat isa anuman ang antas sa buhay
pagbubuo ng organisasyon laban sa taong may mabuting intensyon
Sino ang itinuturing na ama ng sinaunang pabula?
Aesop
Confucius
Dr. Jose Rizal
Lao Tzu
Ito ay elemento ng pabula na tumutukoy sa lugar at panahon kung kailan nangyari ang mga kaganapan sa kuwento.
aral
banghay
tagpuan
tauhan
“Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong!” Anong damdamin ang mahihinuha sa pahayag na ito?
nagtatampo
nagagalit
nagulat
naninisi
Napakahusay ng batang iyan. Mabait na matalino pa. Ano ang mahihinuha sa damdamin ng nagsasalita?
paghanga
pagtataka
pagmamalaki
pagkatuwa
kaw, bata ka. Huwag na huwag kang lalayo sa iyong mga kasama. Matuto kang sumunod sa batas ng disiplina. Sabi ng nakatatandang gansa.”
anong digri ng damdaming ipinahahayag nito ?
Naiinis
Nagagalit
Nagpapaalala
Nagbabala
“Kaibigan, maawa ka na. Pakawalan mo ako. Ang sambit ng leon sa Unggoy.” Anong digri ng damdamin ang pinahahayag nito?
Nakikiusap
nag-uutos
Naghihinanakit
Nagmamakaawa
"Mula sa isang buhay na tigre?" " wika ni Yun Ok
Anong damdamin ang mahihinuha sa kanya?
pag-aalinlangan
pagkagalit
pagkainis
pagtataka
Alin sa mga sumusunod na lupon ng mga salita ang nasa tamang ayos ayon sa tindi ng damdaming ipinapahayag nito?
Paghanga, pag-ibig, pagliyag
Tuwa, saya, halakhak
Inis, asar, galit
Yabang, mahangin, hambog
Alin sa mga sumusunod na lupon ng salita ang nasa tamang ayos ayon sa tindi ng damdaming pinahihiwatig nito?
Painot-inot, Umuusad, Mabagal
Asar, inis, poot, galit
Iyak, hibik, hagulgol
Mahina ka. Sinasabi ko na, isa ka lamang pabigat tulad ng nangyari kanina. Hindi tayo maaabutan ng ulan kundi dahil sa kabagalan mo. Sagot ni Bert. Anong damdamin ang makikita sa pahayag?
Inis
Asar
Galit
Poot
Nag-iwan ng matinding dagok sa buhay ng mga Filipino ang mga unos na dumating sa nakalipas na buwan. Ano ang kahulugan ng salitang dagok?
Kahirapan
Hirap na halos makapanakit na
Kamalasan
Kahirapan na nagmarka na
Hindi na inusisa pa ni Susie ang lahat ngunit nabatid niya na ang panyayaring iyon ay nag-iwan ng dagok at sakit sa lobong si Bert. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag?
Pangungulila
Pag-aalala
Pagkainis
Paghihinakit
