NEW
Font size
WorksheetsESP 10 Worksheet No.3 (3rd Quarter)
Total questions: 25
Worksheet time: 19mins
Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
Upang magsilbing gabay sa buhay
Upang magsilbing paalala sa mga gagawin
Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin
Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili
Habang naglalakad sa mall si Mary ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klase ng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary?
Intensiyon ng layunin
Nais ng layunin
Pagkaunawa sa layunin
Praktikal na paghuhusga sa pagpili
Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
Isaisip ang mga posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Umasa at magtiwala sa Diyos
Tingnan ang kalooban
Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo ang iyong pasiya kung makapagpapasaya ba ito sa iyo o hindi, ikaw ay nasa anong bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasiya?
Magkalap ng patunay
Maghanap ng ibang kaalaman
Tingnan ang kalooban
Umasa at magtiwala sa Diyos
Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
Tingnan ang kalooban
Magkalap ng patunay
Isaisip ang posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 na yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
Isip at Kilos-loob
Intensiyon at Layunin
Paghuhusga at Pagpili
Sanhi at Bunga
Habang naglalakad sa mall si Marissa ay nakakita siya ng sapatos na matagal na niyang gustong-gusto magkaroon. Nasa anong yugto ng makataong si Mary Rose?
Pagkagusto ng kilos-loob sa layunin
Pagnanais sa layunin
Pagkaunawa ng layunin
Praktikal na paghuhusga sa piniling paraan na gagamitin upang makamit ang layunin
Gamit ang halimbawa sa bilang 2. Pinag-isipan ni Mary ang iba't ibang paraan upang mabili niya ang sapatos. Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mary?
Intensiyon ng layunin
Pagkaunawa sa layunin
Paghuhusga sa nais makamtan
Masusing pagsusuri ng paraan
Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
Isip at kilos-loob
Intensyon at Layunin
Paghuhusga at Pagpili
Sanhi at Bunga
Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred?
Isaisip ang mga posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Tingnan ang kalooban
Magkalap ng patunay
Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa araw-araw na pamumuhay.
Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kaniyang pagpili.
Para kay ___________________ ang may 12 yugto ng pasasagawa ng makataong kilos na nahahati sa dalawang kategorya - ang isip at kilos-loob.
Immanuel Kant
Max Scheler
Sto. Tomas de Aquino
Confucius
Ang moral na kilos ay laging nagtatapos sa ___________ na nasa ikawalong yugto ng makataong kilos.
Pagpili
Paggamit
Resulta
Intensiyon
Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa kaniyang kautusan. Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir?
Tingnan ang kalooban
Isaisip ang posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Umasa at magtiwala sa Diyos
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na kahulugan ng makataong kilos?
a. Batayan ng makataong pagkilos ang Likas na batas Moral na ginawa ng tao upang magkaroon ng kaayusan ang mundo.
b. Ito ay boluntaryo, pinag-iisipang mabuti, at malayang naisasagawa.
c. Ito ay tumutukoy sa kusang-loob na pagkilos na maaaring gawin ng tao ang anumang kanyang naisin.
d. Lahat ng nabanggit
Ito ay ang paggamit ng kilos-loob ng kapangyarihan (katawan, isip o pareho) upang maisakatuparan ang kagustuhan gamit ang piniling pamamaraan.
Bunga
Paggamit
Utos
Pangkaisipang pagkakamit ng layunin
Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang paraan upang mabili niya ang sapatos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng kilos si Mary Rose?
Pagkagusto ng kilos-loob sa layunin
Pagkaunawa sa layunin
Pagnanais ng layunin
Masusing pagsusuri ng mga paraan na maaaring gamitin upang makamit ang layunin
Sa pagkakataong ito ay nauunawaan ng tao ang kaangkupan ng kaniyang ginawang kilos.
Bunga
Paggamit
Utos
Pangkaisipang pagkakamit ng layunin
Sa yugtong ito, patuloy ang pagpili sa mga paraang gagamitin at ibinibigay nang kilos-loob ang pagsang-ayon sa mapipiling paraan.
Masusing pagsusuri ng mga paraan na maaaring gamitin upang makamit ang layunin
Pagsang-ayon sa paraan na gagamitin upang makamit ang layunin
Praktikal na paghuhusga sa piniling paraan na gagamitin upang makamit ang layunin
Pagpili
Ang pamantayan sa kabutihan ng layunin ay kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang sariling dignidad.
Tama
Mali
Sa yugtong ito ay pinipili na ng kilos-loob ang pinakamagaling na pamamaraan sa pagkakamit ng layunin.
Bunga
Paggamit
Utos
Praktikal na paghuhusga sa piniling paraan na gagamitin upang makamit ang layunin
Ang bawat tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos na kaniyang pipiliin.
Tama
Mali
Alin sa dalawang uri ng makataong kilos ang inilalarawan?
Kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao, sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ito ay walang aspekto ng mabuti o masama kaya walang pananagutan.
Kilos ng Tao (Acts of Man)
Makataong Kilos (Human Act)
Ang lahat ng makataong kilos ay mabuti ang kahihinatnan.
Tama
Mali
Sa yugtong ito ay nag-uutos na ang kilos-loob upang isakilos ang napiling pamamaraan upang makamit ang layunin.
Bunga
Pagpili
Utos
Paghuhusga sa paraan
