NEW
Font size
WorksheetsPAGSULAT NG BALITA AT EKSPRESYON SA HINUHA AT OPINYON
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Oo nga! Marahil gaya ko ay makikita at maiintindihan din ng ating mga kaklase ang mas mahahalagang bagay na dapat pagtuonan ng pansin.
Ano ang ginamit na salita sa pagbibigay hinuha sa pahayag na nakasaad sa itaas?
Oo nga
Mas
Marahil
Dapat
Kung ang tugon mo sa mensahe ay oo, Alin sa mga sumusunod ang maari mong gamitin sa pagbibigay hinuha o opinyon?
Lubos akong nananalig...
Sumasalungat ako…
May puntos ang pahayag mo ngunit…
Ito ay anumang pangyayari na kagaganap lamang, naiiba sa karaniwan, makatotohanan, at walang kinikilingan. Ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagbabasa
sa pahayagan, pakikinig sa radyo, at panonood ng telebisyon.
Balita
Talumpati
Panradyo
Komentaryo
Di malayo na dahil gumagamit tayo ng gadyet sa pag-aaral ay malihis ang ating atensyon sa paggamit ng cellphone at pakikipag chat. Kailangang mas pagtuonan ko ng pansin ang pagbabasa at pag-aaral ng ating leksyon.
Ano ang salita sa pagbibigay hinuha ang ginamit sa pahayag?
Di malayo
Mas Pagtuonan
Pansin ang
Malihis
Tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa buong bansa.
Balitang Panlokal
Balitang Pampolitika
Balitang Pambansa:
Ito ay mga pahayag ng mga pahayag ng mga inaakalang mangyayari batay sa sitwasyon o kondisyon. Ito rin ay Isa sa mga madalas gamitin sa pagpapahayag, pasulat man o pasalita.
Paglalahad
Paghihinuha
Pagsusuri
Pagtatanong
Maraming binago ang pandemya sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa panahon ngayon. Isa rito ay ang hindi natin pagpasok sa paaralan. Mabuti at nagagamit natin ang teknolohiya upang maipagpatuloy ang pag-aaral at makausap ang isa’t isa. Sa palagay ko, marami sa atin ang magkakaroon ng bagong pananaw sa buhay dahil dito.
Alin sa mga sumusunod ang ginamit na salita sa pagpapahayag ng opinyon?
Mabuti at
Binago
Isa rito
Sa Palagay ko,
Ang pagbibigay ng hinuha o haka-haka ay maaaring maging positibo o negatibo. Kaya’t kailangang maging maingat sa pagpapahayag upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa.
Tama
Mali
Tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa iba’t ibang bansa ng daigdig.
Balitang Pang-edukasyon
Balitang Pambansa
Balitang Panlokal
Balitang Pandaigdigan
Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa
pamamahala ng tahanan.
Balitang Pampolitika
Balitang Lokal
Balitang Pambansa
Balitang Pantahanan
Tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring nagaganap lamang sa isang tiyak na bahagi ng bansa (munisipyo, lungsod, lalawiganin).
Balitang Pang-edukasyon
Balitang Pampolitika
Balitang Panlokal:
Balitang Pambansa:
Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga
palaro o kumpetisyong pampalakasan. Kilala din sa tawag na Balitang Isports
Balitang Pampalakasan
Balitang Lokal
Balitang Pambansa
Sa pagsulat ng balita, karaniwang ginagamit ang kayariang baligtad na tagilo (inverted
pyramid) kung saan makikita ang pagpapahalaga sa bahaging nais itampok.
Mali
Tama
Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa
edukasyon.
Balitang Panlibangan
Balitang Pangkabuhayan
Balitang lokal
Balitang Pang-edukasyon
Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan sa bansa.
Balitang Negosyo
Balitang Lokal
Baltang Pangkabuhayan
Ang pagbabalita ay isinusulat din sa paraang malikhain upang mahuli nito ang atensyon ng magbabasa o makikinig. Hindi ito basta bastang ibinubulalas ng mga tagapagbalita.
Mali
Tama
Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa politika.
Balitang Pampolitika
Balitang Panlokal
Balitang Pambansa
Balitang Pandaigdigan
Ang katawan ng balita ang siyang nagbibigay ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa mga datos na binabanggit sa pamatnubay. Kilala ito bilang mga pansuportang detalye.
Pamatnubay
Katawan
Hindi Gaanong mahalagang detalye
Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa larangan ng telebisyon, radyo, pelikula, tanghalan, at iba pa.
Balitang Lokal
Balitang Pambansa
Balitang Panlibangan
Karaniwang isinusulat ang mahalagang datos sa uanang talata na kung tawagi’y
pamatnubay na pangungusap. Maaari itong isulat sa isang pangungusap, subalit
karaniwang binubuo ng dalawa o tatlo. Kadalasa’y tumutugon ito sa mga tanong na ano,
sino, kailan, bakit, at paano sang-ayon sa nais itampok o bigyang-halaga sa balita.
Pamatnubay
Katawan
Hindi gaanong mahalagang detalye
