wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

G8-AMORSOLO 2nd Grading Summative Test

Total questions: 60

Worksheet time: 1hrs 2mins

Name
Class
Date
1.

Maaaring makita ang pangunahing kaisipan sa unang bahagi, gitna o hulihan ng talata.

a)

tama

b)

mali

2.

Tinatawag na pantulong na kaisipan ang nagbibigay-karagdagang detalye upang magbigay-linaw sa kabuuan.

a)

tama

b)

mali

3.

Kinakailangang ang tema ng balagtasan ay maging tiyak upang malimitahan ang sakop at lawak ng paksang pagtatalunan.

a)

tama

b)

mali

4.

Mga makata o mambabalagtas ang namamagitan sa dalawang panig na nagtatagisan ng mga katwiran.

a)

tama

b)

mali

5.

Ang manonood ang kalimitang nagsisimula ng balagtasan.

a)

tama

b)

mali

6.

Tukuyin ang pangunahin o pamaksang kaisipan sa

saknong.


(1) Ako’y naniniwalang talino ang mas mahalaga

(2)Talino ang pamanang kahit kelan hindi mananakaw ng iba

(3)Ang yaman ay makakamit kung matalino kang talaga

(4)Ngunit hindi mo makukuha ang talino kahit marami kang

a)

taludtod 1

b)

taludtod 2

c)

taludtod 3

d)

taludtod 4

7.

Tukuyin ang pangunahin o pamaksang kaisipan sa

saknong.


(1)Pag marami kang pera o ikaw ay mayaman

(2)Marami ring sarap ang iyong matitikman

(3)Mabibiling lahat, bawat magustuhan

(4)Bahay, kotse at iba pang karangyaan.

a)

taludtod 1

b)

taludtod 2

c)

taludtod 3

d)

taludtod 4

8.

Tukuyin ang pangunahin o pamaksang kaisipan sa

saknong.


(1)Bakit ba ang tao, nais maging matalino?

(2)Hindi ba dahil nais makahanap ng magandang trabaho?

(3)Nais nilang makaahon sa buhay at yumaman, hindi ba totoo?

(4)Kaya mas mahalaga ang yaman, dahil ito ang nais ng lahat ng tao.

a)

taludtod 1

b)

taludtod 2

c)

taludtod 3

d)

taludtod 4

9.

Suriin ang pahayag kung ito'y pagsang-ayon o pagsalungat.


Tama ang sinabi mo, mahirap ang isang pagtatalo na walang timekeeper.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

10.

Suriin ang pahayag kung ito'y pagsang-ayon o pagsalungat.


Sige, patutunayan ko sayo na ang mga Pilipino ay maaasahan mong tunay.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

11.

Suriin ang pahayag kung ito'y pagsang-ayon o pagsalungat.


Bilib ako sa sinabi mong “Manatili sa bahay upang makapagligtas ng buhay”.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

12.

Suriin ang pahayag kung ito'y pagsang-ayon o pagsalungat.


Huwag kang maniwala sa sinasabi nilang ang kahirapan ay hadlang patungo sa kasaganaan.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

13.

Suriin ang pahayag kung ito'y pagsang-ayon o pagsalungat.


Iyan ay nararapat lamang na kaparusahan para sa mamamayang lumalabag sa polisiyang “Wear mask and safety all the time”.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

14.

Suriin ang pahayag kung ito'y pagsang-ayon o pagsalungat.


Hindi ako papayag na ikaw ang lalabas upang mamalengke dahil ikaw ay senior citizen na.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

15.

Suriin ang pahayag kung ito'y pagsang-ayon o pagsalungat.


Tunay nga na ang kalusugan ay kayamanan.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

16.

Suriin ang pahayag kung ito'y pagsang-ayon o pagsalungat.


Kaisa ninyo ako sa magandang adbokasiyang nais ninyong ipatupad.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

17.

Suriin ang pahayag kung ito'y pagsang-ayon o pagsalungat.


Maling-mali talaga ang pagbabago kung ito’y hindi nakabubuti sa lahat.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

18.

Suriin ang pahayag kung ito'y pagsang-ayon o pagsalungat.


Talaga palang magaling ang kalahok na iyan sapagkat napakahusay ng mga salitang napili niyang gamitin sa pagsagot sa argumento.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

19.

Suriin ang salitang nasalungguhitan kung ang paggamit nito sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON.


Nabasa ang papel ni Ildefonso dahil sa malakas na buhos ng ulan.

a)

denotasyon

b)

konotasyon

20.

Suriin ang salitang nasalungguhitan kung ang paggamit nito sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON.


Hinding-hindi kita mapapatawad dahil ahas ka.

a)

denotasyon

b)

konotasyon

21.

Suriin ang salitang nasalungguhitan kung ang paggamit nito sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON.


Mahapdi na ang sikat ng araw tuwing alas 10:00 ng umaga.

a)

denotasyon

b)

konotasyon

22.

Suriin ang salitang nasalungguhitan kung ang paggamit nito sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON.


Sisinag din ang bagong araw para sa ating lahat.

a)

denotasyon

b)

konotasyon

23.

Suriin ang salitang nasalungguhitan kung ang paggamit nito sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON.


Tila atakehin sa puso si Julia nang malamang namatay si Tenyong.

a)

denotasyon

b)

konotasyon

24.

Suriin ang salitang nasalungguhitan kung ang paggamit nito sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON.


Bilang ina ang ginagampanan niyang papel sa teatro.

a)

denotasyon

b)

konotasyon

25.

Suriin ang salitang nasalungguhitan kung ang paggamit nito sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON.


Nais ng ina ni Julia na ipakasal siya kay Miguel na ipinanganak na may gintong kutsara.

a)

denotasyon

b)

konotasyon

26.

Suriin ang salitang nasalungguhitan kung ang paggamit nito sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON.


Handang ibigay ni Julia ang kanyang puso kay Tenyong.

a)

denotasyon

b)

konotasyon

27.

Suriin ang salitang nasalungguhitan kung ang paggamit nito sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON.


Pinatay ng magkaibigang Ben at Adel ang tatlong talampakang ahas.

a)

denotasyon

b)

konotasyon

28.

Ang sanaysay ay nagsimulang yumabong sa mga sulatin

ni __________________________.

a)

Alejandro G. Abadilla

b)

Michel de Montaigne

c)

Lao Tzu

d)

Severino Reyes

29.

Bahagi ng sanaysay na nagbubuod ng mga ideyang

nakapaloob sa kabuuan nito.

a)

katawan

b)

panimula

c)

tunggalian

d)

konklusyon

30.

Ang ibig sabihin ng salitang Essayer sa wikang Pranses

ay ________________.

a)

sumubok

b)

magpaliwanag

c)

magsaliksik

d)

sumayaw

31.

Ang salitang Essay (sanaysay) ay hango sa salitang

Pranses na _________.

a)

Essaye

b)

Essayer

c)

Esayer

d)

Esaye

32.

Bilang ng elemento o bahagi ng sanaysay?

a)

dalawa

b)

tatlo

c)

apat

d)

lima

33.

Sa pangkalahatan may ____ natatanging uri ang sanaysay.

a)

10

b)

11

c)

12

d)

13

34.

Uri ng sanaysay na ang paksa ay tinatalakay sa paraang

personal.

a)

di-pormal

b)

pormal

c)

tuluyan

d)

konklusyon

35.

May dalawang uri ang sanaysay, ito ay ang _______________

at ________________.

a)

sanhi at bunga

b)

positibo at negatibo

c)

pormal at di-pormal

d)

maanyo at walang anyo

36.

Ano ang isinisimbolo ng mga salitang nakahilig?


“Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang

gilingang bato. Ito’y nagisnan na naming magkakapatid.”

a)

katandaan

b)

panahon

c)

pamana

d)

kabuhayan

37.

Ano ang isinisimbolo ng mga salitang nakahilig?


“Sa bawat tao ay may naghihintay na lupa ng sariling

bayang sinilangan.”

a)

lupang sinilangan

b)

lupang sakahan

c)

lupang lilibingan

d)

lupang pagkukunan ng kabuhayan

38.

Ano ang isinisimbolo ng mga salitang nakahilig?


“May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibon: ang Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng malaking bayakan na sumisipsip ng dugo ng tao.”

a)

katakawan

b)

kabulastugan

c)

gahaman sa yaman

d)

kasakiman

39.

Ano ang sinisimbolo ng mga salitang nakahilig?


“At sa kubong butas-butas ay naglagos ang pangarap.”

a)

tahanan/bahay

b)

pamilya

c)

kahirapan

d)

kayamanan

40.

Ano ang isinisimbolo ng salitang nakahilig?


“Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti’t

dumagit saan man sumuot…”

a)

pagsubok sa buhay

b)

tadhana

c)

isang laruan

d)

pangarap

41.

Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?


“Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang

sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.”

(Rogelio Sicat, Impeng Negro)

a)

Siya ay natalo.

b)

Patas lang ang labanan.

c)

Nagtagumpay siya sa labanan.

d)

Hindi niya matanggap ang pagkatalo.

42.

Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?


“Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila

hininga ng isang nilalagnat.”

(Edgardo M. Reyes, Lugmok na ang Nayon)

a)

maysakit

b)

sensitibong balat

c)

sobrang init ng panahon

d)

matinding sikat ng araw

43.

Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?


“Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan, dahon ko’y

ginawang korona sa hukay.”

(Jose Corazon de Jesus, Ang Punungkahoy)

a)

kamatayan

b)

katandaan

c)

pagsisisi

d)

pamamaalam

44.

Elemento ng maikling kuwentong nakakamtan ng

pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng

kanyang ipinaglalaban.

a)

tagpuan

b)

saglit na kasiglahan

c)

suliranin

d)

kasukdulan

45.

Ito ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento.

a)

suliranin

b)

saglit na kasiglahan

c)

paksang diwa

d)

banghay

46.

Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente at ang panahon kung kailan naganap ang kwento.

a)

tagpuan

b)

saglit na kasiglahan

c)

paksang diwa

d)

banghay

47.

Ito ang kawing-kawing na mga pangyayari mula sa

umpisa hanggang sa wakas ng kuwento.

a)

tagpuan

b)

saglit na kasiglahan

c)

paksang diwa

d)

banghay

48.

Ang mga taong nagbibigay-buhay sa takbo ng mga

pangyayari sa kuwento.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

paksang diwa

d)

banghay

49.

Ito ay pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento.

a)

tagpuan

b)

tauhan

c)

paksang diwa

d)

banghay

50.

Bahagi ng maikling kuwentong binubuo ng kakalasan at

katapusan.

a)

tagpuan

b)

tauhan

c)

wakas

d)

banghay

51.

Bahagi ng kuwento na binubuo ng saglit na kasiglahan,

tunggalian, at kasukdulan.

a)

gitna

b)

panimula

c)

wakas

d)

banghay

52.

Ito ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan

sa kuwento.

a)

gitna

b)

panimula

c)

wakas

d)

suliranin

53.

Bigyang-kahulugan ang saknong ng tula.


Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib

At siya ay dapat na ipagtangkilik,

Ang anak, asawa, magulang, kapatid,

Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

(Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio)

a)

Handang isakripisyo ng ating mga bayani maging ang

kanilang mga mahal sa buhay mailigtas lamang sa

panganib ang Inang Bayan.

b)

Sakit at hilahil ay nararamdaman sa puso ng magulang,

asawa, anak, at kapatid para sa kanilang mga mahal sa

buhay na nasa gitna ng panganib dahil sa pakikipaglaban.

c)

Huwag talikdan ang iyong mga mahal sa buhay lalo na

kung ang mga ito ay nasa gitna ng panganib.

54.

Bigyang-kahulugan ang saknong ng tula.


Ako'y gumagawa sa bawat panahon

Nasa sa aking puso ang taos na layon

Na sa bawat tao, ako’y makatulong

At nang mabawasan ang pagkakagutom

(Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez)

a)

Ang pagpapaunlad ng sistema ng agrikultura ang solusyon

upang malutas ang suliranin ng bansa sa kahirapan.

b)

Naging panata na ng magsasaka ng magbungkal ng bukid

sa buong panahon ng kanyang buhay dahil sa kanyang

adhikaing makatulong sa bansa na masolusyunan ang

kakulangan nito sa pagkain lalo na ng bigas.

c)

Taos sa puso ang pagbubungkal ng magsasaka sa kanayng

lupain kung kaya lalo siyang pinagpapala ng Maykapal ng

masaganang ani.

55.

Uri ng taludtoran na pinangkat sa dalawahan.

a)

kopla

b)

quatrain

c)

soneto

d)

triplet

56.

Tulang may sukat subalit walang tugma.

a)

may tugma

b)

tradisyonal

c)

malaya

d)

may sukat

57.

Dito naipakikita ang katauhang pantanghalan ng

mambibigkas—pagtindig, pagkilos o pagkumpas.

a)

tinig

b)

tindig

c)

tikas

d)

himig

58.

Isang uri ng panitikan na nagbibigay-diin sa ritmo, mga

tunog at naglalarawan ng kagandahan at kariktang

natitipon sa isang kaisipan.

a)

dula

b)

tula

c)

alamat

d)

sanaysay

59.

Elemento ng tula na tumutukoy sa sadyang paglayo sa

paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang magiging

kaakit-akit at mabisa ang tula?

a)

simbolismo

b)

kariktan

c)

talinghaga

d)

tugma

60.

Isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang

may malalim na kahulugan.

a)

may sukat

b)

malaya

c)

may tugma

d)

tradisyonal