wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP Quiz

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Nais mong sumali sa patimpalak sa pagsasayaw ngunit tila mayroon kang pag-aalinlangan. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Mag-ensayo at lakasan ang loob.

b)

Huwag na lamang sumali.

c)

Huwag na lamang pansinin ang paligsahan.

2.

Pawang magagaling ang lumahok sa tagisan ng galing sa pag-awit. Nang ianunsyo ang nanalo ay hindi niyo ito nakamit. Ano ang gagawin mo?

a)

Magsisigaw na hindi patas ang desisyon.

b)

Tanggapin nang maluwang sa kalooban ang pagkatalo.

c)

Hindi papansinin ang nanalo.

3.

Nang ikaw ay nanalo sa tagisan ng talino, ikaw ay nagyabang sa iyong mga kalaro.

a)

Ang pahayag ay tama.

b)

Ang pahayag ay katanggap-tanggap.

c)

Ang pahayag ay mali at di dapat ito ginagawa.

4.

Ang mga sumusunod ay ilang kabutihang dulot ng pakikilahok sa mga gawaing pambata maliban sa isa. Ano ito?

a)

Nalilinang mo ang tiwala sa sarili.

b)

Nawawala ang hiya sa sarili.

c)

Hindi natatanggap ang pagkatalo.

5.

Alin sa mga sumusunod ang dapat mong linangin sa iyong pakikiisa sa iba't ibang gawain?

a)

Tiwala sa sarili

b)

Pangamba

c)

Hiya

6.

Pangkat ng tao na naninirahan sa Pilipinas na may kani-kaniyang kultura at paniniwala.

a)

Tribo

b)

Grupo ng mga tao

c)

Pangkat-etniko

7.

Mga pangkat-etniko na nagmula sa "bago" at "obo".

a)

Aeta

b)

Bagobo

c)

Igorot

8.

Alin sa mga sumusunod ang dapat mong tanggalin sa tuwing nagtatangka kang sumali sa palaro o paligsahan?

a)

Hiya

b)

Galing

c)

Tiwala sa sarili

9.

Nakita mong pinagtatawanan ang batang ayta dahil sa kanyang pisikal na anyo. Ano ang gagawin mo?

a)

Tatawanan ko rin siya.

b)

Sasawayin ko sila at sasabihing mali ang kanilang ginagawa.

c)

Panonoorin ko lang sila.

10.

Ang katawagan sa pangkat-etniko na ito ay may kaugnayan sa salitang "magus" at "majika". Sino sila?

a)

Igorot

b)

Aeta

c)

Mangyan

11.

Nagwagi ang kaibigan mo sa patimpalak sa pagpipinta. Ano ang gagawin mo?

a)

Babatiin mo siya at magiging masaya para sa kanya.

b)

Aawayin mo siya.

c)

Huwag siyang pansin at umalis na lamang.

12.

Magulo ang buhok ng batang ayta dahil ginulo ito ng isa sa inyong mga kalaro. Ano ang gagawin mo?

a)

Aayusin ko ang buhok niya.

b)

Hahayaan kong magulo ang buhok niya.

c)

Hindi ko na siya isasali sa aming laro.

13.

Kapag natatalo, ay tinatanggap nang maluwag sa kalooban.

a)

Mali ang pahayag.

b)

Ang pahayag ay maaring gawin, maaari din na hindi.

c)

Tama ang pahayag.

14.

Pangkat-etniko na nagmula sa salitang "Tau Ma Isug". Ano ito?

a)

Ayta

b)

Tausog

c)

Igorot

15.

Alin sa mga sumusunod ang naidudulot ng pakikipaglaro sa kapwa bata?

a)

Napapaunlad ang pakikipagkapwa-tao.

b)

Nalalamangan mo ang kalaban mo.

c)

Naipagyayabang mo ang iyong kakayahan.