NEW
Font size
WorksheetsIkalimang Lagumang Pagsusulit sa AP 3
Total questions: 30
Worksheet time: 2hrs 30mins
Ang sama-samang pagdiriwang ng mga Cebuano ay patunay na ang kultura ay _____.
pinagsasaluhan
natututuhan
nagbabago
Ang dating paghahabi ay napalitan ng makinarya. Ito ay patunay na ang kultura ay _______.
pinagsasaluhan
natututuhan
nagbabago
Nagkaroon ng habal-habal ang ilan sa lalawigan ng Pilipinas dahil hindi makararating doon ang mga sasakyan. Ito ay patunay na ang kultura ay ______.
iniaangkop
tinuturo
nararanasan
Tinuruan ako ng aking magulang na magmamano sa matatanda. Ito ay patunay na ang kultura ay______.
iniaangkop
natututuhan
nagbabago
Alin sa sumusunod na mga bagay ang nabibilang sa materyal na uri ng kultura?
Bisaya
Sinulog
Banga
Ang pag-aalay ng pagkain tuwing undas ay anong uri ng kultura?
Materyal
Hindi Materyal
Hindi Kultura
Paano natututuhan ang kultura?
Itinuturo ng mga nakakatanda.
Nararanasan sa pamamagitan ng mga gawain ng pamayanan.
Lahat ng nabanggit.
Bakit karamihan sa bahay ng taga-Batanes ay mahahaba at gawa sa bato ang makakapal na dingding? Dahil_____.
madalas lumindol sa lalawigang ito.
maraming mayayaman na pamilya dito.
madalas dinadaanan ng bagyo ang mga lalawigan dito.
Bakit matataas ang bahay ng mga Badjao sa ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao)?
Dahil wala silang perang pambili ng mga bato.
Upang hindi abutin ng tubig-dagat ang sahig ng kanilang bahay.
Upang makita ang mga isda sa ilalim ng kanilang bahay.
Sa Cagayan Valley at Central Luzon ay may malawak na lupang sakahan kaya pangunahing hanapbuhay dito ay ______________.
pagsasaka
pangingisda
pagpapastol
Sagana sa damo ang Central Visayas kaya nangunguna ito sa pag-aalaga ng baka. Anong uri ng kabuhayan ito?
pagsasaka
pangingisda
pagpapastol
Ito ay tumutukoy sa lokasyon at pisikal na kapaligiran ng isang lugar.
Kultura
Heograpiya
Kasaysayan
Ang lingling-o ay isang bagay na naipasa hanggang sa kasalukuyan. Anong uri ng kultura ito?
Materyal
Hindi Materyal
Hindi Kultura
Ang Ilokano ay wikang ginagamit ng karamihan sa Ilocos. Anong uri ng kultura ito?
Materyal
Hindi Materyal
Hindi Kultura
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga mamamayan.
Kultura
Heograpiya
Kasaysayan
Makikita pa rin ang mga kababayan nating Igorot na nagsusuot ng kanilang tradisyonal na kasuotan. Anong uri ng kultura ang kasuotang ito?
Materyal
Hindi Materyal
Hindi Kultura
Bakit makakapal at mahahaba ang manggas ang isinusuot ng karamihan sa mga nakatira sa CAR (Cordillera AdministrativeRegion)?
Matataas ang kinalalagyan ng rehiyong ito kaya malamig dito.
Malawak ang kapatagan sa rehiyong ito.
Malapit sa dagat ang kinaroroonan ng rehiyon.
Ano ang karaniwang isinusuot ng mga Pilipinong nakatira sa kapatagan?
makakapal at mahahaba ang manggas
makakapal na jacket at padyama
maninipis na damit na may maiksing manggas
Bakit nagkakaroon ng kanya-kanyang wika ang mga kapuluan ng Pilipinas?
Nagkakaroon ng natural na balakid ng kabundukan at dagat na naghihiwalay sa bawat kapuluan.
Hindi nagkakaintindihan ang mga Pilipino kaya’t bumuo ng sariling wika.
Wala sa nabanggit.
Alin ang nagpapakita ng karangalan sa sariling wika?
Iniiwasan kong magsalita ng Bisaya kahit isa akong Cebuano.
Mas gugustuhin kong gamitin ang Ingles sapagkat mayaman kami.
Pinag-aaralan ko ang Filipino upang magkaroon ng kaibigan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Panuto: Piliin ang TAMA kung ang sumusunod na pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi.
Ang kultura ay natututuhan sa pamamagitan ng karanasan.
TAMA
MALI
Ang kultura ay nagbabago paglipas ng panahon.
TAMA
MALI
Hindi maaaring pagsaluhan ang kultura.
TAMA
MALI
Iniaangkop ang kultura sa kapaligiran.
TAMA
MALI
Natututuhan ang kultura kapag itinuturo lamang ng matatanda.
TAMA
MALI
Panuto: Piliin ang SANG-AYON kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng karangalan sa kultura at HINDI SANG-AYON naman kung hindi.
Kinaugalian na ng pamilya naming ang pagmamano sa
matatanda dahil iyon ang turo sa amin ng aming lolo at lola.
SANG-AYON
HINDI SANG-AYON
Binasag ni Tommy ang banga ng kanilang bahay dahil hindi ito magandang display sa bahay kahit na nagmula pa ito sa lolo ng lola niya.
SANG-AYON
HINDI SANG-AYON
Nagbakasyon si Mae sa Canada ng isang linggo. Pag-uwi niya, hindi na siya nagsasalita ng Bisaya dahil nakakawala ng class.
SANG-AYON
HINDI SANG-AYON
Dumalo si Mark sa kapistahan ni Sr. Sto. Niño at natutuhan niyang sumayaw ng Sinulog kasama noong nagsisimba sa Basilica.
SANG-AYON
HINDI SANG-AYON
Inawit nina Jose at Flor nang buong puso ang Lupang Hinirang
SANG-AYON
HINDI SANG-AYON
