wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Quiz AP 6 - Ikatlong Markahan

Total questions: 70

Worksheet time: 54mins

Name
Class
Date
1.

Siya ang nagtatag ng pamahalaan sa katagalugan at napagbintangan ng maraming kasalanan.

a)

Miguel Malvar

b)

Faustino Ablen

c)

Macario Sakay

d)

Emilio Aguinaldo

2.

Siya ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”.

a)

Jose Rizal

b)

Macario Sakay

c)

Emilio Jacinto

d)

Manuel L. Quezon

3.

Aling pangkat ng mga Katipunero sa Cavite ang nahati dahil sa hindi pagkakaintindihan?

a)

Magdalo at Magdiwang

b)

Pangkat Pula at Pangkat Puti

c)

Kilusang Propaganda at La Liga Filipina

d)

Kampi sa mga Pilipino at Kampi sa mga Espanyol

4.

Ano ang naging posisyon ni Andres Bonifacio ayon sa eleksyon sa Kumbensyon ng Tejeros?

a)

Pangulo

b)

Pangalawang Pangulo

c)

Direktor na Pandigma

d)

Direktor na Panloob

5.

Ano ang akusasyong kasalanan nina Rizal at Bonifacio kaya sila hinatulan ng parusang kamatayan?

a)

Korapsyon

b)

Rebelyon laban sa pamahalaan

c)

Pagsisinungaling sa paglilitis (court trial)

d)

Pakikipagsabwatan sa mga kaaway (conspiracy)

6.

Kasama siya ni Anders Bonifacio na hinatulan ng parusang kamatayan.

a)

Daniel Tirona

b)

Trece Martires

c)

Teodoro Patiño

d)

Procopio Bonifacio

7.

Ano kaya ang naging epekto ng mga hidwaan ng mga miyembro sa Kilusang Katipunan?

a)

Mas lalong lumakas ang puwersa ng mga Pilipino.

b)

Nahikayat ang mga Pilipino na mag-alsa sa mga Kastila.

c)

Hihina ang puwersa ng Pilipino kaya madali silang magagapi.

d)

Madaling matatalo ang mga Pilipino kung kaya magiging mapayapa ang ating Bansa.

8.

Kung hindi nagsagawa ng paghihimagsik ang mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol, ano kaya ang kalagayan ng mga Pilipino sa ngayon?

a)

Natutong pamahalaan ng mga Pilipino ang ating bansa.

b)

Naging payapa ang ating bansa sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.

c)

Maunlad na ang ating bansa at patuloy na nagkakaroon ng mataas na antas ng pamumuhay.

d)

Patuloy na inaapi ng mga Espanyol ang mga Pilipino at nanatiling mangmang at salat sa kaalaman.

9.

Ito ang petsa kung kailan idineklarang Open City ang Maynila

a)

Disyembre 26, 1941

b)

Pebrero 20, 1942

c)

Disyembre 8, 1941

d)

Enero 21, 1942

10.

Kailan sinalakay ng mga Hapones ang Pearl Harbor?

a)

Disyembre 26, 1941

b)

Pebrero 20, 1942

c)

Disyembre 8, 1941

d)

Enero 21, 1942

11.

Ito ang grupo na binuo ni Douglas MacArthur

a)

Kilusang Huk

b)

HUKBALAHAP

c)

MAKAPILI

d)

USAFFE

12.

Anong misyon na pinamumunuan nuna Sergio Osmena at Manuel Roxa?

a)

Religious Mission

b)

Mission Impossible

c)

OsRox Mission

d)

Economic Mission

13.

Sino ang pangalawang pangulo ng Pamahalaang Commonwealth?

a)

Sergio Osmena

b)

Elpidio Quirino

c)

Manuel Roxas

d)

Emilio Aguinaldo

14.

Unang batas na ipinagtibay ng pambansang Asemblea pagkatapos ng pasinaya ng Commonwealth.

a)

National Defense Act

b)

National flag

c)

National Freedom Act

d)

National League

15.

Bakit nagkaroon ng pambansang halalan noong Setyembre 7, 1935?

a)

upang makapili ng babaeng mamumuno sa bansa

b)

upang makapili ng pambansang wika para sa bansa

c)

upang makapili ng mamahala sa Pamahalaang Komonwelt

d)

upang makapili ng mamumuno sa Sandatahang Lakas ng bansa

16.

Batas na nagbibigay karapatan sa mga kababaihang bumoto at makilahok sa anumang puwesto sa tanggapan ng pamahalaan.

a)

Minimum Wage Law

b)

Eight Hour Labor Law

c)

National Defense Act

d)

Women’s Suffrage Bill

17.

Patakarang nagbibigay ng pagkakataon sa mga magsasaka na walang sariling lupa na makapag-may-ari ng lupang sakahan ng hindi hihigit sa 24 ektaryang lupaing pansakahan.

a)

Patakarang Gabaldon

b)

Patakarang Magsasaka

c)

Patakarang Homestead

d)

Patakarang Pangkabuhayan

18.

Ipinatupad upang matiyak ang makatarungang pagpapasahod sa mga manggagawa

a)

Eight Hour Labor Law

b)

Minimum Wage Law

c)

Public Defenders Ac

d)

Tenancy Act

19.

Sa batas na ito, unti-unting inilipat ang pamamahala ng bansa sa kamay ng mga Pilipino.

a)

Batas Jones

b)

Batas Tydings-Mcduffie

c)

Batas Pangkalayaan

d)

Batas Militar

20.

Sa Batas Tydings Mcduffie ay itinakda ang petsa ng pagkakaloob ng kalayaan ng Pilipinas sa Hulyo 4, 1946 matapos ang sampung taong Malasariling Pamahalaan.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Ang pamahalaang militar ay ang magbibigay ng sampung taong transisyon bago ilipat ng mga Amerikano sa kamay ng mga Pilipino ang pamamahala sa sariling bansa.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ang Commonwealth ay isang pamahalaang transisyunal.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Ang unang misyong pangkalayaan na pinamunuan ni Manuel L. Quezon ay nagtagumpay.

a)

Tama

b)

Mali

24.

May layuning isaayos ang politikal na pamamahala at igalang ang lahat ng sibil at municipal na pamahalaan kung ang mga Pilipino ay manunumpa ng katapatan sa mga Amerikano

a)

Benevolent Assimilation Proclamation

b)

Komisyong Schurman

c)

Spooner Amendment

25.

Kinilala ring First Philippine Commission na may layuning magtatag ng isang pamahalaang sibil.

a)

Benevolent Assimilation Proclamation

b)

Komisyong Schurman

c)

Spooner Amendment

26.

May layuning bigyan ng malawak na kapangyarihang ehekutibo at pagbabatas ang komisyon na hindi naging matagumpay dahil maraming kinatawan ng Kongreso ang tumutol dito.

a)

Benevolent Assimilation Proclamation

b)

Komisyong Schurman

c)

Spooner Amendment

27.

Nagbibigay ng ilang tungkulin sa mga Pilipino upang masanay sa pamamahala

a)

Batas Cooper

b)

Komisyong Taft

c)

Pilipinasyon

28.

Ipinanukala ng batas na ito ang pagtatayo ng isang pamahalaang sibil sa Pilipinas

a)

Batas Cooper

b)

Komisyong Taft

c)

Pilipinasyon

29.

Layunin ng batas na ito na bigyan ng Kalayaan ang Pilipinas ngunit hindi buong natupad dahil sa pagsibol ng Unang Digmaang Pandaigdig

a)

Batas Hare- Hawes Cutting

b)

Batas Jones

c)

Batas Tydings – McDuffie

30.

Ang pamahalaang ito ang nagbigay daan sa pagkakaroon ng kasarinlan ng Pilipinas.

a)

Pamahalaang Komonwelt

b)

Pamahalaang Militar

c)

Pamahalaang Sibil

31.

Kasunduan kung saan ipinagkaloob ng Espanya sa Estados Unidos ang pamamahala sa Pilipinas.

a)

Kasunduan sa Biak-na-Bato

b)

Komisyong Schurman

c)

Kasunduan sa Paris

32.

1. Ang Asamblea na nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipinong makisali sa pamamalakad sa pamahalaan.

a)

Pamahalaang Militar

b)

Asemblea ng Pilipinas

c)

Batas Jones

d)

Hare-Hawes Cutting Act

33.

Sino ang hindi kabilang sa tatlong naging Amerikanong gobernador-militar sa bansa?

a)

Gen. Wesley Merritt

b)

Gen. Elwell S. Otis

c)

Gen. Arthur MacArthur

d)

Gen. McKinley

34.

Nahirang na kauna-unahang Gobernador Sibil ng Pilipinas

a)

Trinidad H. Pardo de Tavera,

b)

William Howard Taft

c)

Benito Legarda

d)

Jacob Schurman

35.

Sino ang kauna-unahang Punong Mahistrado sa panahon ng pamahalaang Militar?

a)

Cayetano Arellano

b)

Arthur MacArthur

c)

Wesley Merritt

d)

Elwell Otis

36.

Binigyan ng pagkakataong mamahala at gumawa ng batas para sa bansa ang ilang Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Ang mga komisyong ipinadala sa bansa ay walang magandang naitulong sa bansa.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Sino ang nahirang na lider ng mayorya o majority floor leader sa pagsisimula ng Asambleya ng Pilipinas noong Oktubre 1907?

a)

Manuel Quezon

b)

Manuel Roxas

c)

Rafael Palma

d)

Sergio Osmeña

39.

Alin ang tamang proseso ng pagtatatag ng Pamahalaang Komonwelt ayon sa probisyon ng Batas Tydings-Mc Duffie?

a)

Plebisito -> Saligang Batas 1935 -> Pagbuo ng Konstitusyon

b)

Pagbuo ng Konstitusyon -> Plebisito -> Saligang Batas 1935

c)

Pagbuo ng Konstitusyon –> Saligang Batas 1935 -> Plebisito

d)

Pagbuo ng Konstitusyon -> Saligang Batas 1935 –> Pamahalaang Komonwelt

40.

Sino ang HINDI naging bahagi ng misyong pangkalayaan ng Pilipinas sa Estados Unidos?

a)

Manuel Roxas

b)

Claro M. Recto

c)

Sergio Osmeña

d)

Manuel Quezon

41.

Bakit hindi kapani-paniwala para sa mga Pilipinong makabayan ang pahayag na “We come not as invaders or conquerors, but as friends” mula sa“Benevolent Assimilation Proclamation” ng mga Amerikano?

a)

Alam nilang tutulungan tayo ng mga Amerikano na maging isang demokrasyang bansa.

b)

Alam nilang dumating ang mga Amerikano bilang mga kaibigan.

c)

Alam nilang pananakop ang tunay na dahilan ng pagdating ng mga Amerikano.

d)

Alam nilang sandali lamang magtatagal ang mga Amerikano nito.

42.

Paano ipinakilala ng mga maka-Amerikanong pahayagan at magasin ang kultura at imahe nating mga Pilipino bilang kanilang “Little Brown Brothers” at “White Man’s Burden”?

a)

Hiniling ng mga Pilipino na kailangan natin ang tulong ng mga Amerikano.

b)

Masarap tulungan ang mga Pilipino dahil mababait tayo.

c)

Mahihina, hindi sibilisado kaya dapat turuan ng mga Amerikano ang mga Pilipino.

d)

Masasaya ngunit kailangan natin ng disiplina kaya kailangan natin ang mga Amerikano.

43.
Ano ang naganap noong Disyembre 7, 1941
a)
Pagbomba sa Pearl Harbor
b)
Pagbagsak ng Bataan
c)
Death March
d)
Pagbagsak ng Corregidor
44.
Ang mga sundalong Pilipino at Amerikano na sumuko ay sapilitang pinalakad mula Mariveles, Bataan hanggang Camp O'Donnell ng ______________.
a)
Malolos, Bulacan
b)
San Fernando, Pampanga
c)
Lingayen, Pangasinan
d)
Capas, Tarlac
45.
Ano ang naganap pagkatapos bumagsak ang Bataan sa kamay ng mga Hapones?
a)
Pagbagsak ng Corregidor
b)
Death March
c)
Pagtatag ng Kalibapi
d)
Paglipat ng Pamahalaang Commonwealth
46.
Pinunong Amerikanong nakilala sa binitiwan niyang pangakong "I shall return" nang tumulak ito patungong Australia.
a)
Franklin Roosevelt
b)
Douglas MacArthur
c)
Jonathan Wainwright
d)
Edward Jones
47.

Bansang pinuntahan ni Pang. Quezon bago isuko ang Corregidor.

a)

Australya

b)

Africa

c)

Germany

d)

Japan

48.

Upang makaiwas sa mas higit na pinsala. idineklara ni Heneral Douglas Mac Arthur ang Lungsod ng Maynila bilang ________________________________ .

a)

Community Quarantine

b)

Isolated Area

c)

Open City

d)

Open battlefield

49.

Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa ginawang pagsalakay ng Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

I. Pagbagsak ng Bataan at Corregidor

II. Pagsakop ng Japan sa Maynila

III. Pagwasak sa hukbong panghimpapawid sa Clark Field

IV. Pagsalakay ng mga Hapones sa Pearl Harbor

a)

I,II,III,IV

b)

II,IV,I,III

c)

IV, II, I,III

d)

IV,III,II,I

50.

Nadamay lamang sa alitan ng Hapones at Amerikano ang Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

51.

Madaling naipagtanggol ng mga Amerikano ang mga Pilipino laban sa mga Hapones.

a)

Tama

b)

Mali

52.

Ano ang hudyat ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pagbomba ng mga Hapones sa Pearl Harbor.

b)

Pagsuko ng hukbong USAFFE.

c)

Pagkatalo ng HUKBALAHAP.

d)

Pagdeklara na Open City ang Manila.

53.

Sino ang namuno sa hukbong USAFFE na napilitang isuko ang Corregidor dahil sa kawalan ng budget at suporta?

a)

Hen. Masaharu Homma

b)

Hen. Jonathan Wainwright

c)

Hen. Douglas MacArthur

d)

Hen. Emilio Aguinaldo

54.

Bakit idineklara ni Hen. Douglas MacArthur ang Manila bilang Open City?

a)

Upang maiwasan ang pagbomba nito ng mga Hapones.

b)

Upang maiwasan ang pagsakop ng mga Hapones.

c)

Upang malayang makapasok ang mga Hapones dito.

d)

Upang isuko ang lungsod ng Manila.

55.

Bakit umalis si Hen. Douglas MacArthur sa gitna ng digmaan ng mga Pilipino at Amerikano sa mga Hapones?

a)

Dahil siya ay takot mamamatay.

b)

Dahil gusto niyang magtago sa mga Hapones.

c)

Dahil siya ay duwag na tao.

d)

Dahil tinulungan niyang itakas si Manuel Quezon na may karamdaman sa panahon na iyon.

56.

Sino ang bayaning Pilipino ang inilalarawan bilang:


Tagapayo ni Emilio Aguinaldo

Utak ng Rebolusyon

Dakilang

Lumpo/Paralitiko

a)

Apolinario Mabini

b)

Gregorio del Pilar

c)

Emilio Jacinto

d)

Jose Rizal

57.

Sino ang tinawag na “Bayani ng Pasong Tirad”?

a)

Andres Bonifacio

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Gregorio del Pilar

d)

Jose Rizal

58.

Sino ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan?

a)

Andres Bonifacio

b)

Gregorio del Pilar

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Emilio Jacinto

59.

Bakit nakialam ang US sa digmaang ginagawa ng bansang Cuba laban sa Espanya?

a)

Sinuportahan ng US ang paglaban ng Cuba sa Espanya dahil sa ekonomikong interes nito sa nasabing bansa.

b)

Makadadagdag ito sa kapangyarihan ng US sa buong mundo.

c)

May interes ang US sa Pilipinas sa pakikipagkalakalan dito.

d)

Matagal nang pinag-aagawan ng US at Espanya ang Cuba.

60.

Bakit pumayag ang Espanya na makipagkasundo sa US upang maganap ang Pekeng Labanan sa Maynila (Mock Battle of Manila)?

a)

Kasama ito sa nakasulat sa Kasunduan ng Paris.

b)

Upang ipakita sa mga Pilipino na sila ay hindi natatakot sa US.

c)

Gustong ipakita ng Espanya na natalo sila nang lumalaban pa din.

d)

Upang maiwasan ng Espanya ang kahihiyan sa pagsuko nila sa US.

61.

Anong kasunduan ang ginamit na paraan ng mga Amerikano upang mapasuko at mapatahimik ang Mindanao?

a)

Kasunduan sa Biak-na-Bato

b)

Kasunduan sa Malolos

c)

Kasunduan sa Paris

d)

Kasunduang Bates

62.

Alin ang HINDI kasama sa Kasunduan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Pilipinong Muslim sa Mindanao?

a)

Paggalang sa relihiyon at tradisyong Muslim

b)

Pagbibigay ng buwanang sahod sa mga sultan at mga datu

c)

Paggalang sa mga karapatan ng sultan at kanyang mga datu

d)

Pagsasailalim ng Sulu sa pamamahala ng US bilang isang estado nito

63.

Kung ang titik ng Marcha Nacional Filipina ay nilikha ni Jose Palma mula sa tulang Filipinas, sino naman ang gumawa ng himig (o musika) nito?

a)

Julian Felipe

b)

Felipe Calderon

c)

Apolinario Mabini

d)

Ambrosio Rianzares Bautista

64.

Sino ang matapang at mahigpit na pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) na nakapag-aral sa Europa ng taktikang militar at pinatay ng mga kapwa rebolusyonaryong Pilipino?

a)

Gregorio del Pilar

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Macario Sakay

d)

Antonio Luna

65.

Anong pangyayari ang naging “ganti” ng mga Amerikano sa matagumpay na pag-atake ng mga Pilipino sa Samar na ikinamatay ng maraming sundalong Amerikano?

a)

Labanan sa Pasong Tirad

b)

Benevolent Assimilation

c)

Pagbagsak ng Malolos

d)

Balangiga Massacre

66.

Tinanggap ni Aguinaldo ang alok ng mga Amerikano upang kumampi sa kanilang sabay na pakikipaglaban sa mga Espanyol.

a)

Tama

b)

Mali

67.
Ang sundalong amerikano na nakabaril sa sundalong Pilipino sa tulay ng San Juan.
a)
Spencer Pratt
b)
William Walter Grayson
c)
Frederick Funston
d)
William McKinley
68.
Anong ipinakikitang pangyayari sa larawan?
a)
Pagsabog ng USS Maine
b)
Battle of Manila Bay
c)
Mock Battle in Manila
d)
Labanang Pilipino at Amerikano
69.
Alin ang HINDI totoo sa mga pangyayari?
a)
Tinanggap ni Aguinaldo ang alok na tulong ng mga Amerikano kaya tumulong tayo sa pakikidigma sa mga Espanyol. 
b)
Naitatag ang Unang Republika ng Pilipinas dahil sa pagkakaroon ng Saligang Batas sa Malolos.
c)
Ginaya ng mga Amerikano ang pirma ng isang heneral ni Aguinaldo at nagpanggap na magpapadala ng karagdang tao sa kampo.
d)
Nais ng Amerika na makalaya ang ating bansa.
70.
Ano ang naging hudyat o simula ng digmaang Pilipino at Amerikano?
a)
Nang malaman ng mga Pilipino ang Kasunduan sa Paris
b)
Nang malaman ng mga Pilipino na kunwari lamang ang naging labanan ng mga Espanyol at Amerikano sa Maynila
c)
Nang hindi papasukin ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa Intramuros
d)
Nang barilin ng sundalong amerikano ang sundalong Pilipino habang tumatawid sa tulay ng San Juan