WorksheetsPangatnig
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Tumatahol ang mga aso ____ may taong kumakatok sa pinto.
hanggang
kapag
ngunit
Tumigil ang pag-iyak ng bata ___ bumalik ang kaniyang ina.
bagaman
nang
subalit
Tumawag lamang sa 911 ____ may sakuna.
dahil
pati
sakaling
Bawal ang mga biro tungkol sa bomba sa mga paliparan ___ magdudulot ito ng kaguluhan.
gayundin
kasi
ngunit
Magaling siya maglaro ng basketbol ___ mas gusto niya ang pagkanta.
ngunit
palibhasa
sapagkat
Sasama ako sa inyo manood ng sine ___ papayagan ako ng aking magulang.
dahil
o
kung
Sa panahon ng krisis, tumataas ang presyo ng mga bilihin ___ ang bayad sa kuryente.
at
aniya
kapag
Alin dito ang dadalhin mo bukas, ang itim na pantalon ___ ang bagong maong?
ni
o
maging
Gusto ni Bryan matutong lumangoy ___ natatakot siya sa malalakas na alon ng dagat.
palibhasa
sa wakas
subalit
Itinaas ni Michael ang kaniyang kamay ___ alam niya ang sagot sa tanong ng guro.
dahil
gayundin
ngunit
